로그인SERENA'S POV
Pagdating ko sa bahay, agad kong isinara ang p***o sa likuran ko. “Serena?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mara mula sa kusina. “Yeah?” Lumabas siya at napatingin sa akin. “Bakit namumutla ka hinabol ka ba ng multo?” Birong sabi nito,napangiti ako nang kaunti. “Gaga Wala toh.” “Sure?” Tumango ako. Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa mga messages. Baka sabihin niyang nag-o-overthink lang ako. At honestly, baka ganoon nga. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung dalawang mensahe. Hindi ka dapat pumunta rito. Umuwi ka na, Serena. Sino ang nagpadala noon? At paano niya nalaman ang pangalan ko? “Halika na. Kain ka muna,” sabi ni Mara. Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina. Habang kumakain, tahimik lang ako. Napansin yata iyon ni Mara dahil ilang beses niya akong tiningnan. “May nangyari ba sa park?” Napahinto ako sa pagkain. “Wala naman.” “Serena!.” Napatingin ako sa kanya dahil sa diin na pagkakatawag Niya sa pangalan ko “Kilala kita. May gumagambala na naman Jan sa kukuti mo." Napa buntong-hininga ako, Kilala Niya nga ako. “May nakita lang akong lalaki doon.” “Lalaki?” Tumango ako. “Naka-suit. Parang galing sa trabaho.” “May ginawa ba sa’yo?” “Wala. Tumingin lang siya sa akin.” “Then?” “Ewan ko. Weird lang.” “Ano yung weird?” “Parang... pamilyar.” Napakunot-noo si Mara. “Nababaliw kana, kung ano ano na lang pinag iisip mo.” “Siguro nga baliw na ako.” At bigla kaming nag tawanan hindi ko na sinabi ang tungkol sa message. Pagkatapos naming kumain, nagpunta ako sa kwarto at inilapag ang bag ko sa tabi ng kama. Umupo ako sa gilid ng kama at muling tiningnan ang cellphone ko. Tahimik. Wala nang bagong message. Buti naman. Ilang minuto akong nakatitig sa screen bago ko ito tuluyang pinatay. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa park. Yung lalaki. Yung kotse. Yung message. At higit sa lahat, yung pakiramdam na may nakatingin sa akin, napahiga ako at pinikit ang mga mata ko. Baka kailangan ko lang talagang magpahinga. Tatlong araw pa lang mula nang tumakas ako, pero pakiramdam ko parang isang buwan na. Kinabukasan, maaga akong nagising, hindi dahil nakatulog ako nang maayos. Sa totoo lang, halos ilang beses akong nagising kagabi, paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Mara na naghahanda ng almusal. “Good morning,” sabi niya. “Morning.” Napansin niyang parang wala akong energy. “Hindi ka ba natulog?” “Medyo.” “Anung medyo ka Jan tinangan mo nga yang eyebags mo.” “Okay lang ako.” Umiling siya. “Hindi ka okay.” Hindi na ako sumagot, umupo na lamang ako sa mesa at kumuha ng tinapay. Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Samahan mo nga ako mamili.” Napatingin ako sa kanya. “Huh, Saan?” “Grocery.” “Ngayon?” “Yeah. Kailangan ko ng pagkain. Wala nang laman yung ref.” Napatingin ako sa refrigerator na ilang araw ko nang halos hindi binubuksan. “Hindi ba pwedeng ikaw na lang?” “Hindi.” “Bakit?” “Dahil gusto kong lumabas ka.” Napa buntong-hininga ako. “Mara…” “Serena, please. Para naman ma-distract ka sa mga pinag iisip mo. Hindi ka makakahinga ng maayos kung puro kwarto at sala lang nakikita mo.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko siguro nga tama si Mara kaya napatango nalang ako. “Fine.” “Good.” Pagkatapos naming maghanda, sabay kaming umalis. Habang nasa sasakyan, nakatingin lang ako sa bintana. Mas tahimik sa labas kaysa sa iniisip ko may mga taong naglalakad, may mga batang papasok sa school, may mga sasakyang nagmamadali. Normal lang ang lahat. Samantalang ako, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako. “Serena.” “Hm?” “Stop thinking.” Napatingin ako kay Mara. “Paano?” “Ewan. Basta stop.” Natatawa ako ng mahina. “Ang helpful mo.” “I know.” Pagdating namin sa grocery, kumuha si Mara ng cart. “Anong gusto mong bilhin?” “Kahit anu.” “May kahit anu bang tinda dito? Diko yun alam ah” Napa tawa ako at tinampal ng mahina Ang balikat Niya. "Ouch!" Maarting bulyaw nito sakin. “Sira ibig kung sabihin wala akong kailangan.” “Tama! Ako ang may kailangan.” Naglakad siya papasok habang ako naman ay nakasunod lang. For the first time in days, nakaramdam ako ng konting normal. Walang messages. Walang kakaibang lalaki. Walang black car. Just me and Mara buying groceries. Habang kumukuha siya ng mga kailangan, napansin kong may isang lalaking dumaan sa kabilang aisle. Naka-suit. Napahinto ako. Mabilis akong napalingon. Pero nakatalikod na siya. “Serena?” Hindi ako sumagot. “Anong tinitingnan mo?” “Wala.” “Sure?” Tumango ako. Baka coincidence lang O baka dahil nasa isip ko pa rin yung lalaki sa park. Tinulungan ko na lang si Mara sa pagkuha ng mga groceries. Pagkatapos naming mamili, dumiretso kami sa cashier. Habang naghihintay, kinuha ko ang cellphone ko. Wala pa ring bagong message nalungkot ako dahil dun, bakit ba hinihintay ko ang message ni Adrian pero diko naman kayang replayan pabalik. Napatingin ulit ako sa phone ko may isang missed call. Unknown number. Napakunot-noo ako. Hindi ko iyon pinansin. “Serena, tara na.” Inilagay ko ang phone sa bag ko. Paglabas namin ng grocery, napahinto ako saglit. Mainit ang hangin huminga ako nang malalim. Maybe Mara was right. Kailangan ko nga sigurong lumabas kailangan kong subukang bumalik sa normal. Pero habang naglalakad kami papunta sa parking lot, biglang may dumaan na itim na kotse sa harapan namin, napatingin ako rito. Pamilyar. Sobrang pamilyar. “Serena?” “Wait.” Tumigil ako. Pinagmasdan ko ang kotse hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. “Anong problema?” Umiling ako. “Wala.” Pero hindi ako kumbinsido. Hindi ko alam kung bakit parang paulit-ulit kong nakikita ang parehong kotse. At kung bakit pakiramdam ko, kahit saan ako pumunta... may nakasunod sa akin. Pag-uwi namin, hindi ko na sinabi kay Mara yung tungkol sa kotse ayoko na siyang mag-alala. Umakyat ako sa kwarto at inilabas ang bracelet ko. Matagal ko itong tinitigan. Bigay ito sa akin ni Adrian. Graduation gift niya. Dati, hindi ko ito tinatanggal ngayon lang ulit ito bumalik sa pulso ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat nitong isuot. Siguro dahil sa lahat ng nangyari, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang gallery. Nandoon pa rin ang mga pictures namin ni Adrian. May picture noong high school. May graduation. May birthday ko. May picture namin sa isang restaurant kung saan halos maubos niya yung pagkain ko dahil sabi niya mas masarap daw kapag akin. Napangiti ako ng kaunti. “Idiot.” Biglang nawala rin ang ngiti ko, naalala ko yung kasal. Yung mga taong naghihintay. Yung altar. At si Adrian. Naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon hindi ko rin alam kung galit na ba siya. Siguro oo. Kung ako rin naman ang nasa lugar niya, malamang galit din ako. Humiga ako at pinikit ang mga mata ko gusto kong kalimutan ang lahat. Yung kasal. Yung lalaki. Yung gabing iyon. Pero habang pinipilit kong huwag isipin, mas lalo lang bumabalik ang mga piraso ng alaala. Isang boses. Isang Kamay. Isang pabango. At isang pares ng mata. Hindi ko makita ang mukha pero parang kilala ko ang pakiramdam. Napabangon ako. “Hindi…” Umiling ako. Imposible. Hindi ko kilala ang lalaking iyon at hindi ko na rin siya makikilala. Siguro. Kinagabihan, habang naghuhugas ako ng mukha sa banyo, narinig kong tinatawag ako ni Mara. “Serena!” “Bakit?” “May tao sa labas!” Napahinto ako. “Sino?” “Hindi ko alam. May naghahanap sayo.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kinakabahan man napag pasyahan ko paring lumabas ng kwarto. Nakita ko si Mara na nakatayo malapit sa p***o. “Sino raw?” Di Siya sumagot at nakatitig lang siya sa p***o bigla akong kinabahan, Adrian. “Siya?” Tumango si Mara. Hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig ang mga kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa p***o pero bago ko pa ito buksan, may narinig akong boses. “Serena.” Natigilan ako. Parang huminto ang mundo ko kahit tatlong araw ko na siyang hindi nakikita... kahit ilang gabi kong pilit na iniiwasang isipin ang mukha niya... Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko kung gaano ko siya na miss. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o at doon ko siya nakita. Si Adrian. Nakatayo siya sa harapan ko, naka-itim siyang polo, bahagyang gusot ang buhok at halatang pagod. Hindi siya katulad ng Adrian na nakilala ko. Mas tahimik. Mas seryoso. At sa mga mata niya, may bagay na hindi ko mabasa. Galit ba? Sakit? O parehong dalawa? Walang anu man ang lumabas na salita sa asking bibig at ganun din si Adrian di siya nakatitig lang sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa siya ang unang nagsalita. “Bakit?.” Napayuko ako. “Adrian…” “Tatlong araw kitang hinanap, Serena.” Napapikit ako Maririnig sa boses niya Ang lungkot at pagod. “I'm sorry.” “Iyon lang?” Napatingin ako sa kanya hindi siya sumigaw at yun Ang mas ikinatakot ko dahil kalmado siya. “Anong gusto mong sabihin ko?” “Ang totoo.” Natahimik ako lumapit siya nang isang hakbang. “Bakit ka tumakas?” Hindi ako sumagot hinawakan niya ang mga kamay ko. “Bakit hindi ka sumipot sa kasal natin?” “Adrian…” “May ginawa ba ako?” Napatingin ako sa kanya. “May sinabi ba ako? May nagawa ba akong mali?” Tanong nito habang bumubuhos ang mga luha sa kanyang pisngi Umiling ako. “Wala.” “Then why!” Pasigaw na saad nito sa akin, napayuko nalamang ako at dun na bumuhos ang mga luha na kanina pa nag babadyang lumabas sa mga mata ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hanggang sa napansin ni Adrian ang bracelet sa pulso ko. Tumigil siya. “Suot mo pa rin?” Napatingin ako sa bracelet. “Akala ko nawala na.” Hindi siya sumagot. Saglit niyang tinitigan iyon bago muling tumingin sa akin. “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.” Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kayang sabihin.” “Hindi mo kayang sabihin sa akin ang Anu?” Tahimik lang ako habang naka yuko pa rin sa kanya "Serena, look at me." Napa tingin ako sa kanya “Sabihin mo please anong problema?” Doon na naman bumalik sa isip ko ang gabing iyon. Ang party. Ang alak. Ang lalaking hindi ko makita nang maayos ang mukha. At ang pagkakamaling hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko haharapin napapikit ako. “May nangyari sa akin.” Nakita kong bahagyang nagbago ang expression niya. “Anong nangyari?” Hindi ako naka sagot. “Serena…” Mahina ang boses niya ngayon. “Tell me please kahit anu pa yan I promise you hindi ako magagalit." Nanlamig ako, siguradong saad Niya sakin na para bang pinapagaan niya ang pakiramdam ko At nang dahil dun bumalik ang mga pangyayari na pilit kung kinakalimutan. Isang boses. Isang Kamay. At isang pares ng matang hindi ko maaninag nang malinaw. Napahawak ako sa ulo ko. “No.” “Anong ibig mong sabihin Anu bang nangyari!" Bakas sa boses nito Ang pag aalala “Kamumuhian mo ako!" Na tahimik siya at sa unang pagkakataon, nakita ko sa mukha ni Adrian ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Takot. Pero bago ko pa iyon maunawaan, bigla siyang lumapit. “Serena, kailangan mong sabihin sa akin ang lahat.” Tumingin ako sa mga mata niya. At sa pagkakataong iyon, may isang tanong na biglang pumasok sa isip ko. Kung hindi ko maalala ang mukha ng lalaking kasama ko noong gabing iyon... paano ko malalaman kung sino talaga siya?SERENA'S POVPagdating ko sa bahay, agad kong isinara ang pinto sa likuran ko.“Serena?”Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mara mula sa kusina.“Yeah?”Lumabas siya at napatingin sa akin.“Bakit namumutla ka hinabol ka ba ng multo?”Birong sabi nito,napangiti ako nang kaunti.“Gaga Wala toh.”“Sure?”Tumango ako.Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa mga messages. Baka sabihin niyang nag-o-overthink lang ako. At honestly, baka ganoon nga.Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung dalawang mensahe.Hindi ka dapat pumunta rito.Umuwi ka na, Serena.Sino ang nagpadala noon?At paano niya nalaman ang pangalan ko?“Halika na. Kain ka muna,” sabi ni Mara.Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina.Habang kumakain, tahimik lang ako. Napansin yata iyon ni Mara dahil ilang beses niya akong tining
SERENA'S POV Kinabukasan paglabas ko Ng kwarto kita ko si Mara na nag hahain Ng almusal napansin Niya ako kaagad."Oh andiyan kana pala, halika kain muna tayo"Pag aaya nito sa akin napangiti ako Saka tumango at sinaluhan Siya sa pagkainPagkatapos nagligpit na ako ng kinainan namin."So Anu na balak mo ngayon?"Panimulang tanong Niya Sakin habang tinulungan Niya ako nang mga pinag kainan papuntang kusina para hugasan "Wala pa pumapasok sa utak ko kung Anu gagawin"Nanlulumong tugon ko dito."Bakit dimo sabihin Ang dahilan mo Kay Adrian kung bakit dika sumipot sa kasal Nyo, for sure nababaliw na yun kakahanap Sayo.""Gusto ko rin namang sabihin sa kanya Yung pagkakamali ko pero" pinutol ko Ang sasabihin ko dahil sa na guguilty ako."Pero Anu?, dahil ba takot ka nakamuhian ka Niya?, Sis Anu kaba obviously magagalit talaga yun Ikaw ba naman Malaman mo na nakipag one night Yung fiance mo Isang G
ADRIAN'S POV Wala na siya. Iyon lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang nakatayo ako sa harap ng altar. Ang mga bulaklak. Ang mga upuan. Ang mga taong nag bubulungan. Lahat ng iyon naging blanko sapandinig ko Nanlalambot at tila nanlabo Ang mga mata ko ng mapagtantong dino matutuloy ang kasal na pinaka hihintay ko. Ilang oras na ang lumipas nang malaman kung hindi siya darating. Tumakas siya! Hindi ko alam kung saan siya pumunta Hindi ko alam kung bakit. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko. "Adrian." Narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Lucas mula sa likuran. Hindi ako lumingon. "Hanapin mo siya." "Pero baka may dahilan si
SERENA'S POV Tatlong oras na akong nasa loob ng sasakyan, pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makalayo.Malayo kay Adrian.Malayo sa pamilya ko.Malayo sa simbahan na dapat sana'y naging saksi sa pagsisimula ng buhay naming dalawa.At higit sa lahat, malayo sa sarili kong konsensya.Tahimik akong nakatingin sa bintana habang unti-unting napapalitan ng madilim na kalsada ang mga pamilyar na gusali sa paligid namin.Nasa passenger seat ako, habang si Mara, ang matalik kong kaibigan, ang nagmamaneho.Hindi siya nagtatanong.Siguro dahil alam niyang kahit anong tanong niya, hindi ko rin kayang sagutin.Mahigpit kong hinawakan ang engagement ring ko.Hindi ko ito hinubad.Hindi ko kayang gawin.Kahit tumakas ako sa kasal namin, kahit iniwa
SERENA'S POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mali ang gabing iyon.Siguro nang tanggapin ko ang unang baso.O nang tumawa ako kasama ng mga kaibigan ko na para bang wala akong kasal na kailangan harapin kinabukasan.O baka matagal nang may mali sa akin.Dahil kahit dapat ay isa sa pinakamasayang gabi ng buhay ko, may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Bukas, ikakasal na ako.Bukas, magiging asawa ko na si Adrian.At ngayong gabi, dapat ay nagdiriwang ako kaya pumunta ako sa party ni Mara ang best friend ko.Hindi para kalimutan ang kasal.O para gumawa ng kalokohan.Gusto ko lang sanang magkaroon ng huling gabi kasama ang mga taong malapit sa akin bago tuluyang magbago ang buhay ko.Hindi ko alam na ang gabing iyon ang sisira sa lahat."Serena! Dito!"Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mara nakita ko siyang kumakaway sa gitna ng







