SERENA'S POV Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Ilang oras lang ang nakalipas, puno ito ng tawanan, musika, at mga taong nagdiriwang para sa amin, ngayon, kami na lang ni Adrian.Asawa ko na siya.Napatingin ako sa wedding ring sa daliri ko habang nakaupo sa gilid ng kama. *Mrs. Hayes.* Napangiti ako nang bahagya, ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang, hindi ko alam kung saan papunta ang buhay ko, at ngayon, asawa na ako ni Adrian. “Serena?” Napalingon ako, nasa doorway si Adrian.Wala na ang formal suit niya. Nakasuot na lang siya ng puting polo at dark pants, bahagyang magulo ang buhok. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang mapangiti nang makita siya. “Hi, husband.” Napangiti siya. “Hi, wife.” Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko ilang segundo kaming tahimik. Then he took my hand. Tinitigan niya ang wedding ring ko.
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-27 อ่านเพิ่มเติม