Se connecterKaius' POV:
Kinabukasan ay muli akong nagpakita kay Heidi at nagpanggap na nawalan na ako ng trabaho, kaya wala na akong maibabayad pa sa upa ng tinitirhan ko. "Ganoon ba? O, eh, dito ka na lang muna sa akin tumira," alok niya. Sinasabi ko na nga ba! Mukhang hindi nga niya ako matitiis. Nakita ko ang kasiyahan kay Heidi pero hindi kay Hannah. Mukha siyang tutol pero hindi niya lang masabi. Bakit kaya? Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala para sa kanya, o baka iniisip niyang aabusuhin ko lang ang nanay niya? Lumapit ako sa kanya. "Um... Hannah, ayos lang ba sa 'yo kung dito muna ako sa inyo titira, habang wala pa akong kakayahang umupa ng matitirhan?" Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla namang pumagitna ang nanay niya sa amin. "Bakit kailangan mo pang hingin ang permiso ng batang 'yan, eh ako naman ang may-ari ng bahay na ito?" Pinandilatan niya ang anak niya. "Hoy Hannah, ngayon lang ako nagpatira ng boyfriend ko dito, ha, kaya wala kang karapatang tumutol. Naiintindihan mo ba?" Hindi nakapagsalita si Hannah, yumuko na lang siya. "Huwag mo akong bibigyan ng problema, ha? Baka malaman-laman ko na lang na pinapakitaan mo ng hindi maganda itong Tito Kaius mo?" "Beh..." awat ko sa kanya. "Huwag ka naman ganyang ka-harsh sa anak mo." Nginitian ko si Hannah at kitang-kita ko ang pagpula ng mga pisngi niya. Ang cute talaga ng batang ito. "Hannah, kung sakaling meron kang hindi magustuhan sa akin, huwag kang mahiyang sabihin, ha? Mag-aadjust ako, okay?" "Um..." Pinagmasdan ko siya habang nilalaro-laro niya ang daliri niya. "May magagawa pa po ba ako?... S-sige po." Muli ko siyang nginitian. "Salamat." Sa pagtira ko sa kanila ay nalaman ko rin ang routine nilang mag-ina. Panggabi pala sa trabaho si Heidi. Nag-alala tuloy ako kaya nag-alok akong ihatid-sundo siya, pero matigas ang naging pagtanggi niya. Hindi ba't 'yung ibang babae ay kinikilig pa kapag hatid-sundo sila ng mga boyfriends nila? Bakit kaya parang ayaw ni Heidi na makita ako doon sa trabaho niya? Mag-gagabi na pero mag-isa pa rin ako dito sa bahay. Nasa trabaho pa kasi si Heidi habang nasa school naman si Hannah. Isa pa 'yun sa ipinagtataka ko, sa ganitong oras dapat ay nandito na siya, bakit kaya wala pa siya? Gusto ko sanang makipagkuwentuhan sa kanya para makabuo kami ng bond at para na rin makuha ko ang loob niya, kasi pansin ko na parang umiiwas siya sa akin. Hindi kaya ayaw niya lang talaga sa akin? Nang makauwi na si Heidi ay wala pa rin ang anak niya. "Heidi, gabing-gabi na, pero wala pa rin si Hannah." "Huwag mo nang intindihin 'yun, malaki na 'yun." Napamaang ako sa sagot niya. Hindi man lang ba siya nag-aalala? Bakit parang wala siyang pakialam sa anak niya? Maganda si Hannah, malaking bulas at maganda pa ang katawan. Paano kung pagnasaan siya ng mga manyak diyan sa labas? Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko napigilang pagdudahan ang pagiging ina ni Heidi. Matapos naming maghapunan ay naupo ako dito sa labas. Wala pa rin kasi si Hannah kaya hindi ko mapigilang mag-alala. "Kaius, tara na. Matulog na tayo, inaantok na ako, eh," aya sa akin ni Heidi. Nakanguso siya na parang bata. Pinisil ko ang pisngi niya na halos wala nang laman, malamang dahil na rin sa edad niya. "Mauna ka na, beh. Kapag dumating na si Hannah, susunod na ako." "Ha? Baka anong oras pa 'yun, eh. Matulog na tayo. Gusto kitang makatabi, eh," maktol niya. "Saka sino ba sa amin ang girlfriend mo, ako o si Hannah?" Hindi ko na lang naiwasang matawa. Oo nga naman, baka kung ano pa ang isipin sa akin ni Heidi kung patuloy niya akong makikitaan ng ganitong pagmamalasakit para sa anak niyang dalaga. Sa loob ng kwarto niya ay hindi ako mapakali. Ang liit at ang init ng kuwartong ito, ang liit din ng kama. May electric fan nga pero ang init pa rin. Hindi ako sanay sa ganito; hinahanap-hanap ng katawan ko ang aircon. Makakatulog kaya ako ngayong gabi? Sana lang ay masanay ako. Nang sulyapan ko si Heidi sa tabi ko ay nakita kong tulog na siya. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa tiyan ko at dahan-dahan din akong bumangon. Naisip kong maligo muna o magbasa ng katawan para mapreskuhan. Pagpunta ko sa banyo ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. May tao? Idinikit ko ang tainga ko sa pįntø para kumpirmahin, kaya lang wala na akong narinig pa. Naisip kong kumatok muna bago ko buksan at baka may tao nga, pero bigla namang nagbukas ang pįntø. Natigilan ako sa bumungad sa akin—si Hannah na nakatapis lang ng tuwalya. Tumutulo-tulo pa ang buhok niya. Ang tubig ay gumugulong mula sa maganda niyang mukha pababa sa maputi at makinis niyang leeg at dibdib. Kasabay ng tanawing nakikita ko ay naamoy ko rin ang mabango niyang samyo na bagong paligo. Hindi ko tuloy napigilan ang mapalunok.Kaius POV Matapos ang gabi nung halikan ko si Hannah ay hindi na ako matahimik pa. Guilty ako dahil sinamantala ko ang sitwasyon at ang ka-inosentihan niya. Alam kong mali pero ginawa ko pa rin. Inisip ko kasi na puwede kong gawing dahilan na hindi ko alam ang ginagawa ko dahil sa kalasingan, kahit malinaw pa naman ang pag-iisip ko at ang ginagawa ko.Ano ba itong nagawa ko? Ngayon, pakiramdam ko ay baka hindi na kami maging katulad ng dati, at baka mahirapan na kaming bumalik pa sa dati. Bakit kasi ang hina-hina ko sa tukso pagdating kay Hannah? Para naman kasi siyang delicacy na masarap subukan at tikman, kaya nung siya na ang lumapit sa akin ay hindi ko na siya nagawang tanggihan pa.Pero napapaisip ako, bakit kaya niya ginawa yun? Bakit pakiramdam ko ay parang inaaakit niya ako? Ginusto din kaya niya yung nangyari? Hindi ko na kasi siya nagawang tanungin dahil umalis na agad ako. Matapos ko kasing gawin iyon sa kanya ay bigla naman akong inusig ng konsensya ko. Tinuruan ko pa s
Hannah's POV Pag-gising ko ay nag-inat muna ako sa kama, umaga na pala. Biyernes ngayon kaya may pasok pa. Tamang-tama, walang pasok bukas kaya puwede kaming magkita ni Mandy.Nag-alala siya sa akin nang malaman niya ang ginawa ng manyak na kajoe na 'yun at nang umalis na ako sa puder ni nanay.Pero salamat doon, dahil kung hindi ay hindi ko na sana ulit nakita pa si Uncle Kaius. Hindi ko na sana ulit siya muling makakasama katulad nung dati.Bigla kong naalala ang halikan namin kagabi. Nahipo ko ang labi ko at hindi napigilang mapangiti, pero napangiwi na lang ako bigla nang maramdaman ko na parang napupunit ang labi ko. Ang sakit.Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang pamumula ng labi ko at ang maliit nitong sugat. Hindi ko naisip na kasama pala sa paghalik ang pagkagat.Iyon ang first kiss ko at hindi ko akalaing si Uncle Kaius pala ang makakuha nun. Ang akala ko ay sa magiging boyfriend ko unang mararanasan yun. Nakakahiya lang kasi hindi ako marunong humalik.Ip
Kaius' POV Dahil sa biglaang pagsulpot nung may-ari ng sasakyan na natapunan ni Hannah ng milk tea ay parang hindi na ako mapalagay. Nang makita ko ang mga tingin niya kay Hannah ay nakaramdam ako nang hindi maganda. Parang gusto ko tuloy siyang bakuran sa school. Kaya lang ay bigla namang nagkaroon ng emergency meeting sa company, wala tuloy akong choice kundi ang ipasabay na lang si Hannah kay Nathan pauwi.Pag-uwi ko ng bahay, sa pinto pa lang ay narinig ko na ang nakakairitang boses ni Isabelle. Bakit nandito siya?Narinig ko ang paratang niya sa amin na kinakawawa daw namin si Nathalie dito sa bahay. What the heck? E, na-spoil nga ang batang 'yun kaya nga lumaki nang ganoon, eh.Kinomfort ko si Hannah pag-alis niya dahil alam kong tinatarget siya ng pakialamerang 'yun. Pati ang buhay ko gusto rin niyang panghimasukan. Ano ba ang akala niya, eh, hindi naman kaming close na dalawa. Minsan kasi ay naaasiwa ako sa mga tingin niya sa akin.Nang muli kong sunduin yung dalawa ay nak
Hannah's POV "Um..." Napaiwas na lang ako ng tingin nang hindi alisin ni Uncle Kaius ang pagkakakakalapit ng mukha niya sa akin at ng mga tingin niya. Ano bang ginagawa niya? Naiilang tuloy ako. Bakit pakiramdam ko ay parang hinihikayat pa niya akong gumawa ng pagkakamali?"Hannah..." Tawag niya sa mahinang tinig.Ang lapit-lapit niya sa akin, hindi ba siya nag-aalala na baka may makakakita sa amin? Nandito pa man din kami sa loob ng pamamahay nila."Um... Uncle Kaius, ano po ba ang gusto n'yong sabihin ko sa mga tao?""Kung ano ang totoong nararamdaman mo, kung ano ang hinahangad ng puso mo."Kung ano ang hinahangad ng puso ko? Gusto ba talaga niyang malintikan ako? Forget ko na lang kung ano ang nararamdaman ko, doon na lang ako sa praktikal."Ano, sasabihin ko na lang na stepfather kita..."Tama. Dahil iyon naman talaga ang relasyon naming dalawa kung tutuusin nung una pa lang dahil naging boyfriend siya ni Nanay. Saka, siya na ang guardian ko dahil kinupkop niya ako, hindi ba?
Hannah's POV "Anong nangyayari dito?" tanong ni Nathan pagpasok niya.Parang lalo akong nanliit dahil alam kong magkaka-pamilya sila. Pakiramdam ko tuloy ay may pagkukuyog na mangyayari.Nag-cross arms and tiyahin nila at naglakad palapit sa amin. "Wala naman, Nathan. Itinatama ko lang naman ito," tukoy niya sa akin."Itinatama? Bakit, Tita, ano po ang ginawa ni Hannah?""Well, inilalagay ko lang naman siya sa dapat niyang kalagyan. Buhat kasi nang dumating ito dito sa pamamahay na ito ay hindi na naging komportable ang kapatid mo.""So, you're doing this for Nathalie? Tita, ano na naman ba ang sinabi niyan sa'yo?"Lumingon si Nathan sa kapatid niya sa sofa. "Magsabi ka nga ng totoo, did you incite your friends to bully Hannah?"Pumagitna ang tiyahin nila, parang hinarangan nito si Nathan kay Nathalie... Wow, napaka-protective, ha? Nakakainggit naman."Nathan, pati ba naman ikaw? Ayan! 'Yan ang dahilan kung bakit halos ayaw nang bumalik dito ng kapatid mo..."Yumuko si Nathalie n
Hannah's POV "Can I sit here?"Napamaang na lang ako sa kanya. Ang dami namang bakanteng mesa, bakit dito pa talaga niya naisip kumain? Ano kayang binabalak nito? Hindi kaya balak niya akong gantihan, sumisimple lang siya?"Bakit ganyan ka makatingin? Huwag mong sabihing ayaw mong magpa-share ng pwesto? Bakit, nabili mo na ba ito?"Tsk. "Bakit nagpapaalam ka pa, eh, naupo ka rin naman agad?" sagot ko.Hindi na siya nagsalita pa, tahimik na lang siyang kumain.Pasimple ko siyang sinusulyapan. Base sa kilos niya, walang duda na anak-mayaman nga siya. Curious lang ako kung bakit siya nakikisama sa akin dahil hindi ako naniniwalang gusto niya lang itong pwesto ko, samantalang itong dako na ito nga ang pinaka-tago. Wala ngang halos pumupuwesto dito."Um... Ilang taon ka na?" Pagbabakasakali ko. Tingin ko ay may pagkasuplado ito kaya hindi ako umaasa na sasagutin niya ang tanong ko. Baka dedmahin niya lang ako."18."Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanya. Sumagot ta







