Share

Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius
Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius
Penulis: Airam Anelé

~ PROLOGUE ~

Penulis: Airam Anelé
last update Tanggal publikasi: 2026-09-17 15:55:04

PAK!

Isang matunog na sampal ang ibinigay sa akin ni Nanay. Galit na galit siya.

"Bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo pinalo ng bote sa ulo ang Tito Kajoe mo? Balak mo ba siyang patayin, ha?!"

Sa lakas ng boses ni Nanay ay halos matulilig ang tenga ko. Sinunggaban niya ako sa buhok at iwinasiwas ang ulo ko. Naiyak na lang ako sa sakit ng anit ko.

"Alam mo ba na dahil sa ginawa mo, gumastos na nga ako para sa pampa-ospital niya, hiniwalayan pa niya ako!"

"Aray, 'Nay! Bitiwan n'yo po muna ako. Magpapaliwanag po ako."

Pahagis niyang binitawan ang buhok ko. Hinimas-himas ko muna ang anit ko bago ko sabihin ang dahilan ko.

"Ginawa ko lang naman po 'yun kasi bigla niya akong niyakap at pinagtangkaan pa akong halikan. Nakiusap naman po ako sa kanya, pero lasing po kasi siya. Kaya, ayun... pinukpok ko na lang po siya ng bote ng alak sa ulo."

"’Yun lang ang dahilan? E 'di sana, pumayag ka na lang!"

Napamaang ako sa kanya. "A-ano po? 'Nay, naririnig n'yo po ba ang sinasabi n'yo? Ang tanda-tanda na po nun, eh. Nakakadiri naman po."

"Nandidiri ka, pero hindi mo naisip na dahil sa kanya kaya may naipapalamon ako sa iyo? Alam mo ba nang isugod ko siya sa ospital ay galit na galit siya? Ang sabi niya ay magsasampa raw siya ng kaso. Gusto mo bang makulong, ha?!"

Hindi ko na napigilang magpuyos. "At bakit kasalanan ko pa po, eh, ako na nga po ang gusto niyang molestiyahin? 'Edi kasuhan niya ako kung gusto niya! Sasabihin ko naman sa mga pulis ang ginawa niya."

Nakakagalit. Ako na nga ang biktima rito, ako pa ang makukulong? Bakit parang lumalabas pang ako ang may kasalanan? Wala na bang hustisya sa mundo? Hindi ako naniniwala na papanigan ng batas ang Kajoe na 'yun.

"Gaga! Akala mo ba ay ganoon lang 'yun kadali? Alam mo bang hawak ng pulis 'yang si Kajoe? Kaya kung gusto ka niyang baligtarin, magagawa niya."

Bigla naman akong nag-alala. "Eh, paano na po 'yun, 'Nay? Kayo naman po kasi, eh. Kung bakit kasi puro manyak ang bino-boyfriend n'yo."

Nagalit lalo si Nanay sa sinabi ko at muli akong sinunggaban sa buhok. "Anong sinabi mo?! Akala mo ba ay gusto kong makipagrelasyon sa mga mababahong hininga na 'yun? Tingin mo ba ay may pagpipilian ako, ha? Kung hindi dahil sa pagsuporta ko sa iyo para buhayin ka, hindi ako masasadlak sa ganito!"

"Opo, opo, 'Nay... tama na po. Nasasaktan po ako."

"Talagang masasaktan ka sa akin kung hindi mo babaguhin 'yang pananaw mo! Bukas na bukas din, sasama ka sa akin sa bahay ni Kajoe at hihingi ka ng tawad sa kanya. Kung gusto ka niyang halikan o yakapin, pagbigyan mo! Halik at yakap lang naman, hindi ka naman gagalawin nun dahil alam niyang nag-aaral ka pa. Iiwas din naman 'yun dahil alam nyang puwede siyang kasuhan."

"Ayoko po! Mali nga po ang ginawa kong paghampas sa ulo niya pero siya naman po ang may kasalanan, eh. Saka hindi po ako magpapahalik at magpapayakap sa manyak na 'yun! Hindi po ako pupunta!"

Inihagis ni Nanay ang ulo ko. "Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka, ano? Hindi mo ba naisip na kapag naayos ito ay puwede na kaming magkabalikan? Ngayon, sige nga, saan tayo kukuha ng pagkain, eh, sa katapusan pa ang sahod ko sa bar?"

Nag-isip ako hanggang sa maalala ko ang mga nakatambak na labahin niya sa likod-bahay namin. Suma-sideline din kasi si Nanay ng paglalabada kapag narito siya sa bahay.

"Tatapusin ko na lang po 'yung labada n'yo sa likod para po maging pera na."

Ako si Hannah Marie Nieves, magdadalawampung taon na. Nang matapos ako ng Grade 12, hindi na ako pinag-aral pa ni Nanay dahil gastos lang daw. Kaya ang ginawa ko, lihim akong nag-apply ng scholarship sa TESDA at kumuha ng kursong Housekeeping. Kami lang ng Nanay ko ang magkasama sa buhay. 44 anyos na siya.

Minsan lang binanggit ni Nanay ang tatay ko dahil ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa kanya. Nadisgrasya lang kasi siya at hindi pinanagutan. Base sa pagkakaintindi ko sa kuwento niya ay parang hindi naman daw sila seryoso sa isa't isa. Kaya nang mabuntis siya ay hinayaan niya lang daw umalis ang walang kuwenta kong ama. Kaya nga hanggang sa sumapit ako sa edad na ito ay hindi na ako naghangad pa ng ama, puwera lang nung bata pa ako.

Gabi na at laganap na ang dilim sa paligid. Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaba ay nakarinig ako ng ingay na parang may nag-aaway. Nagpabaling-baling ako ng tingin para tingnan kung may tao, pero wala naman akong makita. Babalewalain ko na lang sana 'yun hanggang sa marinig kong may humihingi ng saklolo.

Agad akong tumayo nang may bula pa ang mga kamay ko para tingnan kung ano iyon. Pagdating ko roon ay nakita ko na lang sa damuhan ang isang nakahandusay na lalaki. May patalim ang lalaking nasa ibabaw niya at pinag-aagawan nila iyon.

Dali-dali kong kinuha ang mahabang kahoy na ipanggagatong namin bukas at dahan-dahang lumapit sa likuran ng salbaheng lalaki. Nang makatiyempo ay agad ko siyang pinagpapalo hanggang sa bumagsak siya.

Dahil sa ingay namin ay napalabas ng bahay si Nanay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sitwasyon.

"Hannah, ano 'yan?! Sino na naman 'yang pinapalo mo? Naku! Ikaw talagang bata ka!"

"'Nay, tulungan n'yo po ako. Masamang loob po ito, sinaksak niya 'yung lalaki!" turo ko sa lalaking nakadapa sa damuhan. Mukhang nawalan na siya ng malay.

"A-ano?! Sige, ganito... pupunta ako sa barangay hall para makahingi ng tulong. Ikaw na ang sumama para tumestigo laban diyan sa lalaking may kutsilyo na 'yan. Ako na ang magdadala diyan sa lalaking walang malay sa ospital."

Naghiwalay kami ni Nanay at ginawa ko ang sinabi niya. Pero sinong makapagsasabi na ang simpleng pagtulong ko na iyon sa hindi kilalang lalaki nung gabing iyon, ang siyang magpapabago pala sa buhay ko?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 8

    Hannah's POV: Kinuha ko sa kamay ni Tito Kaius ang malaking plastic ng labahin. "Ipapasok ko na po ito sa loob." Dahil gabi pa naman ang trabaho ni Nanay, nilabhan na niya ang mga labada niya katulong si Tito Kaius. Kahit nandito ako sa kwarto, dinig na dinig ko pa rin ang ingay at tawanan nila. Maglalaba ba sila o maghaharutan lang sa likod? Nang marinig ko ang tawa ni Tito Kaius, hindi ko maiwasang itigil ang pagre-review ko. Parang ang sarap kasi pakinggan ng tawa niya. Na-curious ako kung ano ang ginagawa nila kaya lumabas muna ako para silipin sila, pero nakita ko na lang na naghahalikan na sila. Halos matuktukan ko ang sarili ko dahil sa panonood ko sa kanila. Ano ba itong ginagawa ko? Nagrereview ako, eh. Pero bakit parang naaapektuhan ako sa ginagawa nila? Hays, Hannah. Siguro dapat ay masanay ka na dahil baka hindi lang yan ang masaksihan mo sa dalawang yan.Matapos nilang maglaba, tinawag ako ni Nanay.

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 7

    Hannah's POV: Hindi ko akalaing si Tito Kaius pa ang maglalaba ng pinagreglahan ko na kahit kailan ay hindi ginawa sa akin ni Nanay. Hindi man lang ba siya nandidiri? Halos gusto ko nang agawin ang panty ko sa kanya pero mukhang patapos na rin siya dahil nagbabanlaw na siya. Nakatalikod siya sa pįntø ng banyo at naka-iskuwat sa sahig, kaya wala siyang kaalam-alam na pinanonood ko siya. Matapos itabi ang plangganang ginamit niya, nagulat siya nang makita niya ako sa likuran niya pagtayo niya. "O, Hannah! Ginulat mo naman ako. Bakit wala ka namang imik diyan?""T-Tito Kaius, ni-nilabhan niyo po ba ang..." Nagkandautal ako at hindi ko na magawa pang tapusin ang aking sasabihin sa hiya. Ni hindi ko ma-imagine kung ano ang hitsura ko ngayon sa harapan niya. "Ah, ito ba? Oo. Pinakialaman ko na kasi nang magbabanyo ako, nakita ko itong nakababad. Kaya lang..." Dinampot niya ang panty sa planggana at nanlaki ang mga mata ko nang inamoy-amoy niya iyon. "Hindi ko lang alam kung maayos

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 6

    Napatitig na lang ako sa kanya. Hawak ni nanay ang kamay niya habang hinihipan niya ang paso nito. Mukhang nakatagpo ng matinong lalaki ang nanay ko, ah? Pinandilatan ako ni nanay. "Sa susunod ikaw na ang gagawa ng mga gawain dito lalo na kung walang pasok, ha? Dito man lang sana sa bahay, e, mapakinabangan ka." "Heidi, ayos lang naman sa akin ang mag-asikaso dito. Wala naman akong ginagawa, eh. Hayaan mong makapag-aral ang anak mo, balita ko ay naghahanda daw sya para sa exam n'ya." Bumaling sa akin si Tito Kaius. "Tama ba, Hannah?" Yumuko ako. "O-opo." Matapos kumain ay nagkusa akong magligpit ng pinagkainan, at baka matalakan na naman ako ni nanay. Si Tito Kaius na kasi ang nagluto. "Ako na ang bahala dito..." Halos mabitawan ko ang platong hawak ko nang biglang sumulpot sa tabi ko si Tito Kaius, bahagya kasi n'ya akong nabangga. Inagaw n'ya ang platong hawak ko. "Sige na Hannah, mag-review ka na. Galingan mo para makapasa ka, ha?" Halos mapangiti ako sa konsiderasyon n'ya.

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 5

    Hannah's POV Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang agad pumayag si nanay na sa bahay na namin titira si Tito Kaius. Tama siya, ngayon pa nga lang s’ya magpapatira ng boyfriend n’ya sa bahay, pero siguradong maiilang naman ako. Paano na 'yan? Kapag naiisip ko na araw-araw ko na siyang makakasalamuha, pakiramdam ko ay parang kailangan ko nang mag-ingat sa bawat kilos ko. Hindi niya dapat makita ang pagiging burara at salaula ko sa sarili ko. Feeling ko ay kailangan ko nang ayusin ang bawat pag-upo at pagkain ko. Pinasok ako ni nanay sa kuwarto at kinausap. Pinagbantaan niya ako na huwag ko raw sasabihin kay Tito Kaius na sa bar siya nagtatrabaho. Sabihin ko raw na isa siyang dishwasher sa isang catering. Binantaan din niya ako na huwag ko raw sasabihin ang pag-iiba-iba niya ng jowa buwan-buwan. Malilintikan daw ako sa kanya kapag nagdaldal ako. Ngayong araw nga ang unang beses na makakasama ko sa bahay si Tito Kaius, kaya nga ilang na ilang ako. Hindi ko alam kung p

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 4

    Kaius' POV: Kinabukasan ay muli akong nagpakita kay Heidi at nagpanggap na nawalan na ako ng trabaho, kaya wala na akong maibabayad pa sa upa ng tinitirhan ko."Ganoon ba? O, eh, dito ka na lang muna sa akin tumira," alok niya. Sinasabi ko na nga ba! Mukhang hindi nga niya ako matitiis. Nakita ko ang kasiyahan kay Heidi pero hindi kay Hannah. Mukha siyang tutol pero hindi niya lang masabi. Bakit kaya? Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala para sa kanya, o baka iniisip niyang aabusuhin ko lang ang nanay niya?Lumapit ako sa kanya. "Um... Hannah, ayos lang ba sa 'yo kung dito muna ako sa inyo titira, habang wala pa akong kakayahang umupa ng matitirhan?"Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla namang pumagitna ang nanay niya sa amin. "Bakit kailangan mo pang hingin ang permiso ng batang 'yan, eh ako naman ang may-ari ng bahay na ito?" Pinandilatan niya ang anak niya. "Hoy Hannah, ngayon lang ako nagpatira ng boyfriend ko dito, ha, kaya wala kang karapatang tumutol. Naiintindihan mo ba?"

  • Ang Maalab Na Pag-ibig Ni Uncle Kaius    KABANATA ~ 3

    Kaius' POV Matapos ang ilang araw nang makilala ko si Heidi ay pumayag na siya na dalhin ako sa kanila. Alam kong masyado kaming naging mabilis, pero siguro nga, dahil in-love kami sa isa't isa kaya wala na kaming pakialam pa sa mga formalities. Inasahan kong ang dadatnan ko sa bahay nila ay isang masaya at medyo magulong pamilya, dahil na rin sa maingay na personalidad niya, pero hindi ko alam na ang dadatnan ko lang pala ay ang nag-iisang anak niya.Sinabi naman niya na may anak siyang babae, pero hindi naman niya sinabi na ganoon pala kaganda. Kung sabagay, hindi naman nakapagtataka. Maganda si Heidi kaya dapat lang na maganda rin ang anak niya.Naaalala ko ang naging reaksyon niya kanina nang makita niya akong nakaupo doon sa bahay nila. Tingin ko ay kagigising lang niya kasi pupungas-pungas pa siya. Pero nang makita niya ako ay nanlaki bigla ang mga mata niya. Ang cute ng naging reaksyon niya kaya hindi ko napigilang matawa, lalo na nang inayos-ayos niya ang sarili niya. Id

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status