Zara's POV "By the way. Ayos lang ba ang pagtrato ni Fletcher sa 'yo?" Tumango at ngumiti. "Oo, mas sobra pa sa sobra." Sabi ko habang ang aking tingin ay nakatingin sa kawalan. Ngumiti siya nang mas tunay, "buti naman kung gano'n. I just wish your happiness." Makikita mo sa mukha niya ang sinserong kaligayahan at parang nagliliwanag siya dahil dito. Sinuklian ko rin siya ng sinserong ngiti, "salamat. Thank you for coming to my life. Pakakaingatan ko ang mga naging masasayang ala-ala nating dalawa... Sana mahanap mo na rin ang makakapagpasaya sa 'yo." Ibinuka niya ang kaniyang bisig, "goodbye hug?" Ngumiti ako at lumapit. Niyakap ko siya nang mahigpit. Nang matapos ko siyang yakapin ay parang naging magaan ang aking pakiramdam. Parang nawala ang bigat sa kalooban ko. I'm just genuinely happy for our closure. Ang pagtatapos ng kwento namin ay isang tulay tungo sa panibagong yugto ng aming buhay. Haharapin namin ito nang hindi namin kasama ang isa't isa. At sa magkaiban
최신 업데이트 : 2026-10-12 더 보기