ZARA'S POV Hindi ko mabilang ang ilang pagkakataon na laging sumasalubong sa akin ang puting kisame at ang amoy ng gamot sa hospital. Napapnsin kong parang naging suki na yata ako rito. Inilibot ko ang paningin ko, hindi ko makita ang presensiya ni Fletcher na siyang inaasahan ko. Bagkus ang nakita kong nakatayo sa gilid ay ang tauhan ni Fletcher. Hindi nagkakalayo ang edad nito kay Fletcher, matipuno ito pero mukhang maamo dahil singkit ang mata nito, matangos ang ilong at hugis puso ang labi. Pamilyar ang itsura niya pero nakalimutan ko ang pangalan niya. Ano nga ulit pangalan nito? "Gising ka na pala Ma'am Zara..." Ibinuka ko ang aking bibig, balak sanang magtanong kung nasaan si Fletcher pero inunahan na niya ako. "Ah, si sir ba hanap mo? Kaaalis lang po niya, mayrong meeting..." Ngumiti ito dahilan upang ang mga mata nito ay lumiit at nawala. Awtomatiko akong napangiti nang malawak dahil ang cute niyang tingnan. Napakababy face niya, parang teenager. "Hala Ma'am, 'wag niyo
최신 업데이트 : 2026-10-07 더 보기