Zara's POV Nakahiga kami sa kama. Ang mga kamay ni Fletcher ay nakayakap sa akin. Tumitig siya sa akin, ako naman ay tinitigan siya pabalik. Makikita sa kaniyang mukha ang pagkahapo pero napakagwapo pa rin niya. "Baby, do you really hate me?" Bigla niyang tanong sa akin. Mga ilang segundo muna ang lumipas bago ako sumagot sa kaniya. "Yes, I hate you..." "Mapapatawad mo ba ako?" Mapapatawad ko nga ba siya? Kinapa ko ang aking sarili kung ano ang sagot ko. Hindi ko alam. Ang galit at poot ang matimbang sa akin ngayon. Hindi ko alam kung may pagmamahal pa ako sa kaniya. Oo, hindi niya ako sinaktan ng pisikal pero nasaktan ako dahil sa pagmamanipula niya. Parang itinuring niya kami na parang laruan o piraso sa isang larong chess na pinapagalaw niya sa kung saan niya gustuhin. Nakakagalit 'yon. Hindi niya kami itinuring na tao. Lalo na ako. Pinaikot-ikot niya ako at itinuring na parang pag-aari niya. Hindi ko alam kung mahal niya ba talaga ako o mahal niya ako dahil ang nasa i
최신 업데이트 : 2026-10-27 더 보기