ZARA'S POV Binuksan ko ang aking mga mata. Pumikit-pikit ako dahil sa pagkasilaw sa ilaw. Tumambad sa akin ang puting kisame at puting pader. Inilibot ko ang aking paningin, malapit sa akin ay may mga prutas na nakalagay sa basket, napakarami. May orange, mangga, mansanas at grapes. Bigla akong nagutom. Pilit ko iyong inabot pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking katawan. "Ah." Daing ko. Binaba ko ang aking kumot at tumambad sa akin ang mga lapnos at sugat sa aking katawan. Nararamdaman ko pa rin ang hapdi nito. Sa aking kang kamay naman ay nakalagay ang suwero. Sa aking ulo ay may nakapalibot na bandage, hinawakan ko ito at kinapa-kapa. Bakit mayroong ganito? Anong nangyari sa akin? Nasaan ako? Ang pinakaimportante, sino ako??? Hindi ko alam kung sino ako... Wala akong maalala... Hindi ko alam kung sino ang pamilya ko... Ni ang rason kung bakit ako nandito... Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inilala ang nangyari sa akin. Nakaramdam lang ako ng sakit sa ulo at may mat
최신 업데이트 : 2026-10-03 더 보기