Isang buwan na mula nung bumalik ako.Isang buwan na mula nung nagkaayos kami ni Noah sa ilalim ng puno ng mangga. Isang buwan na mula nung sinabi kong "Patunayan mo."At pinatunayan nga niya.Araw-araw, hinahatid niya ako sa palengke. Araw-araw, may dala siyang pandesal at iced coffee. Araw-araw, nagme-message siya ng "Good morning, future Mrs. Ramirez," na kahit nakakainis, kinikilig pa rin ako.Pero hindi pa rin ako sinasagot. Hindi dahil ayaw ko. Kundi dahil takot pa rin ako. Good girl ako, at ang good girl, hindi basta-basta sumasagot. Lalo na kung dating estudyante."Anak, ano ba! Sagutin mo na!" Sabi ni Mama habang nag-aayos kami ng isda sa kusina."Mama, hindi ganun kadali!""Ano pang hinihintay mo? 10 years na naghintay yung tao! Ako nga, isang linggo lang niligawan ng Papa mo, sinagot ko na!""Mama naman!"At eksaktong alas-7 ng umaga nung Sabado, kumatok ulit si Noah."Cara! Tita! Mamamalengke ba tayo?"Ako na ang lumabas. Naka-duster lang ako at naka-tsinelas, walang ligo,
Last Updated : 2026-10-29 Read more