Amorousness Behind Sunset

Amorousness Behind Sunset

By:  CCmonogatari  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
43Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Sa paglubog ng araw, ang liwanag ay naglalaho. Katulad ng mga ngiting sa kalungkutan natatago." Si Maureen Cruz ay isang masayahin na tao. Kahit na lumaki siya na hindi nakukuha ang lahat ng kanyang ninanais ay hindi iyon naging dahilan upang hindi yakapin at bigyan ng halaga ang buhay na mayroon siya. Primarya lamang ang kanyang natapos, at hindi na siya nakapag-aral pa dahil sa kahirapan. Gayunpaman, ginamit niya ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan upang lumaban ng patas sa hamon ng buhay. Hanggang saan siya susubukin at dadalhin ng kanyang matapang na personalidad kung pag-ibig na ang sumukat sa kanyang dignidad? Mapanindigan kaya niya ang pag-ibig na itinanim nito sa kanyang puso at diwa? Hanggang kailan? Tunghayan ang k’wentong pag-ibig ng isang babaeng magtuturo, kung gaano kaganda ang buhay mula sa likod ng takipsilim. DISCLAIMER: No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, Characters, Places and Incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ️ WARNING ️ It may contain mature scenes and words. Read at your own risk.

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
43 chapters
Prologue
  "ANG GANDA NG SUNSET."    Pinilit ko ang ngumiti sa harapan nito, matapos niyang sabihin iyon.    “Sayang nga lang, dahil walang permanente sa mundo. Nawawala rin ang kagandahan nito, sa tuwing sasapit ang gabi,” Bahagya akong yumuko nang sandali siyang huminto sa pagsasalita.    “Parang buhay ng tao. Mayroong hangganan," Agad kong hinanap ang kanyang mga mata, nang mag-angat ako nang tingin dahil sa kanyang sinabi.   Pinagmasdan ko siya. Matagal. Pagkaraa’y muli akong tumingin sa takipsilim na kanina pa namin pinagmamasdan.   Huminga ako nang malalim, saka pilit na nagsalita.    "Alam mo, simula nang mawala si Papa sa buhay namin, natuto akong mahalin at pahalagahan ang takipsilim," Nagbaba ako nang mukha.  
Read more
Chapter 1
Reen Cruz"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"  Napaigtad ako nang biglang magsalita si Kuya Marv mula sa tabi ng pinto nang kwarto namin ni Maro. Agad akong nag-angat nang tingin sa kanya, saka inilagay ang huling damit na tiniklop ko sa bag na dadalhin ko. "Kuya naman, eh! Ang hilig-hilig mo talaga manggulat,” Umirap ako rito. “Para ka d’yang kabute, basta-basta ka na lang sumusulpot. Uso kaya kumatok,” Napabuntong hininga ako dahil sa inis. “So discusting,” dagdag ko pa. Natigilan ako nang marinig ang mahina niyang pagtikhim. "Disgusting kasi 'yon," tugon niya sa sinabi ko.  Read more
Chapter 2
Reen"Dito na po 'yung sinasabi mo na address, Ma'am," Tumingin ako sa labas mula sa 'king inuupuang tricycle nang magsalita ang driver na nasa gilid ko.  Agad kong hinanap ang kanyang mukha, matapos kong tanawin ang paligid kung saan kami huminto nito.Bumaba ako, nagbayad, saka nagpasalamat sa kanya. Muli kong pinasadahan nang tingin ang lugar na binabaan ko, pagkatapos ay inilapag ko muna ang bag na dala-dala ko.  Ewan ko ba, wala naman akong masyadong dinala na kung ano man na gamit maliban sa mga damit at family picture namin, pero pakiramdam ko ay bigat na bigat at hinang-hina ako. Siguro ay wala lang talaga ako sa mood, dahil ito ang unang pagkakataon
Read more
Chapter 3
Reen "ANO? ITO ANG ISUSUOT KO?" gulat na gulat kong tanong kay Liller, habang nakatingin sa pulang pampormal na sleeveless na kanyang inabot sa akin.   "Bakit? Ano ba'ng masama sa dress na 'yan?" balik tanong nito sa akin.   "Anong masama? Eh, baka kapag sinuot ko na 'to lumuwa na ang—"   "Kailangan, Reen," mabilis na tugon ni Liller sa akin.   Napaawang ang labi ko sa sinabi nito.   "Ano? Seryoso ka ba? Okay lang sa 'yo na may lumuwa—"   "Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" natatawa-tawa nitong sambit. "Syempre, hindi!" pagpapatuloy niya.   Bahagya akong napaatras, nang makita siya na mas lalapit pa sa gawi kung saan ako nakatayo.   "S-sandali nga lang!" hindi ko na napigilang magprotesta pa, maging bahagyang maitaas ang aking tinig dahil sa pinaghalo-halong emosyon na
Read more
Chapter 4
Reen“Kumusta ang unang gabi? Na-enjoy mo ba?” bungad na tanong ni Lillier sa akin habang naglalakad palabas ng bar na aming pinanggalingan. Tumingin muna ako sa kanya bago ko ito sinagot. “Okay naman. Okay lang pala ro’n. Buong akala ko kasi ay may pahawak-hawak na magaganap, eh! Saka akala ko rin babastusin tayo ro’n. Bar kasi, ‘di ba? ‘Yon ang unang impresyon ko.” Tumango-tango lamang siya sa ‘kin. “Alam mo, medyo nahirapan lang ako sa . . .” Huminto sa paglalakad, pagkaraa’y napakamot ako sa aking ulo.  “Sa—&rd
Read more
Chapter 5
Reen     Habang patanda nang patanda ang tao, ay palungkot nang palungkot ang buhay nito. Well, gano'n nga siguro talaga. Dahil  tulad ng takipsilim, sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, unti-unti ay nawawala ito— dahil walang permanente sa mundo. Parang sa buhay ng tao. Habang tumatagal ito'y tila nagiging isang babasagin— babasagin na dapat ingatan, sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Maaring ngayon ay masaya, bukas ay malungkot na. Maaring ngayon, kumpleto ang pamilya, kaibigan, o sino mang mahahalaga sa ating buhay, maaring bukas ay wala na rin sila. 'Yan ang buhay. Hindi man pantay-pantay sa estado, iba-iba man ng layunin, maging ng katayuan— isa lang ang ating uuwian, lahat ay mawawala. Dahil lahat ay hiram lamang. Narito ako ngayon sa dagat, kung saan, tanaw
Read more
Chapter 6
ReenALAS-DOS ng hapon nang maalimpungan ako mula sa 'king pagkakahimbing. Tumayo ako at hindi na bumalik pa sa pagtulog, alam ko na kapag ginawa ko iyon ay baka gabi na ako muling magising. As usual, Oh, naks! Englesh spokening dollar— malamang ay hindi na ako makakapasok sa trabaho. Sayang ang dapat na kikitain. Napailing ako nang maisip ang bagay na iyon. No'ng unang pasok ko kasi sa bar kung saan kami nagtatrabaho ni Liller, halos kasuklaman ko ang mundo. Lalo nang sabihin niya na mag i-intertweyn— intertamed— hay nako! Basta, 'yung may customer! Hindi ko halos alam ang gagawin ko no'n, pero ngayon, kulang na lang ay hindi na ako matulog sa tuwing iisipin ko ang maari kon
Read more
Chapter 7
Reen Mabalasaw, malinggal, maasap, at 'di nakalulugod na kapaligiran ang bumalot sa apat na sulok ng silid kantahan kung saan ako naroon. Hindi ako mapakali kanina pa, pero wala akong ibang pamimilian kundi ang magtiis sa ganitong atmopera sa loob ng limang oras.   Pangalawang linggo na akong nagtatrabaho sa bar na ito. Pero tila ito ang maituturing kong pinakamalubhang gabi kung ikukumpara ko mula sa unang araw na nagtrabaho ako rito. Ewan ko ba, pero itong mga customer kasi na pumili sa akin ay tila kakaiba. Mukha silang tumira ng kakaibang dahon bago pumunta rito.    Maliban sa isa, na nagpakilalang Ivo Reyes.    Simula nang pumasok kami rito sa KTV room, ay hindi na siya umaalis sa tabi ko. Kung sa bagay, hi
Read more
Chapter 8
Reen "IKAW?"    Hindi ko maalis ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba 'ko?    Natigilan ako bigla nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivo sa aking pulsuhan. Nagulat ako, lalo nang lumipas ang ilang segundo ay tuluyan na ‘ko nitong bitawan.    Bahagya akong yumuko upang tingnan ang kamay ko, hindi ko alam, dahil kahit kapansin-pansin ang pamumula ng pulsuhan ko'y mabilis pa rin na nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman ko na may humawak sa ‘king kaliwang braso.    Mabilis akong napa-angat nang tingin doon. Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko habang na
Read more
Chapter 9
Reen TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher.   Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina.    Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko.    Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot!   Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya.&n
Read more
DMCA.com Protection Status