LEE BROTHERS #1: THE PERFECT HUSBAND
“Ano ka ba, Poppy? Wala naman talagang taong perpekto. Kahit ako, hindi rin naman ako perpektong asawa. Ang Daddy Ace mo, hindi rin ‘yan perpekto. Wala rin sa mga anak namin ang perpekto. Si Faith? Kahit gaano pa ‘yan kabait na anak, hindi ko masasabing perpekto siya. Sa pagiging asawa siguro, oo. Magiging perpekto siyang asawa sa ‘yo, nararamdaman ko 'yon. Pero may mga kahinaan pa rin ‘yan sa ibang bagay kaya hindi pa rin natin masasabing perpekto talaga siyang tao. Lahat kasi ng tao may kani-kaniyang flaws, mapa-physical man or psychological. And that what makes us unique, Poppy. Okay lang maging hindi perpekto. ‘Yon kasi ang humuhubog sa pagkatao natin. Kung lahat ng tao ay perpekto, mawawala ang pagkakataon nating matuto at magbago.
‘Yong mga pagkakamali at kahinaan kasi natin ang nagtuturo sa atin ng mga mahalagang aral sa buhay. Sa pamamagitan ng mga hamon at pagsubok, nagiging mas matatag at mas maunawain tayo. Kung walang pagkakamali, walang pagkakataon para sa pag-unlad at personal development. Dahil ang pagiging hindi perpekto ang nagbibigay sa atin ng dahilan para magsikap, magbago, magpatawad, o magmahal ng totoo. Naiintindihan mo ba ‘ko?”
She smiled as she nodded. “Opo, Mommy Keycee. Naiintindihan ko na po. Salamat po sa pagtuturo n’yo sa ‘kin.”
Nakangiti rin akong umusog sa tabi niya para mayakap ko siya. "Kaya huwag mo nang isipin 'yon, ha? You are perfectly imperfect, Poppy. 'Yon ang palagi mong tatandaan."