Anne Lars
Sa loob ng halos tatlong taon, tiniis ni Cassandra ang malamig na pakikitungo ng kaniyang fiancé na si Sebastian, umaasang balang araw ay mamahalin din siya nito nang buong puso. Ngunit gumuho ang mundo niya nang matuklasang ipinagpalit siya nito sa kaniyang childhood best friend na si Prescilla.
Ipinahiya, pinagtaksilan, at muntik nang pagsamantalahan, si Roman Crosswood, ang malamig at makapangyarihang billionaire CEO, ang nagligtas sa kanya.
Ngunit paano kung ang lalaking nagligtas sa kaniya ang siya ring susi sa kanyang paghihiganti?
Sa gitna ng sakit at galit, pumasok si Cassandra sa isang lihim na kasunduan kay Roman. Ang isang mapusok na pagkikita ay nauwi sa isang ipinagbabawal na pagnanasa at damdaming hindi nila kayang kontrolin.
Nang talikuran siya ni Sebastian sa mismong araw ng kanilang kasal upang piliin si Prescilla, gumawa si Cassandra ng isang nakakagulat na desisyon. Inalok niya si Roman na maging kapalit ni Sebastian.
At pumayag si Roman.
Sa harap ng mga taong minsang humamak sa kaniya, ilalantad ni Cassandra ang mga kasinungalingan at pagtataksil ng kanyang mga kaaway. Sa tulong ni Roman, babangon siya bilang isang babaeng hindi na kayang yurakan ng sinuman.
15