KENJI
Isang gabi ng matinding pagsubok, nawalan ng tahanan, trabaho, at ng lalaking pinagkatiwalaan si Yvaine Tordesillas. Nang akala niya ay wala nang mas sasama pa sa sitwasyon niya, isang aksidente sa kalsada ang naglapit sa kaniya kay Kenzo De Asis—isang cold at calculating tech billionaire na may sariling malalim na galit.
Si Kenzo ay naghahanap ng solusyon para sa isang misteryosong kaso na pumatay sa kapatid nito, habang si Yvaine naman ay may taglay na kakaibang kakayahan na makita ang huling alaala ng mga patay gamit lamang ang kanilang mga naiwang gamit. Mula rito, isang mapanganib na kasunduan ang nabuo: kailangang magpanggap ni Yvaine bilang ang pumanaw na asawa ng CEO para pumasok sa loob ng high-society at alamin kung sino ang nagtaksil.
Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga sikreto sa likod ng malaking kumpanya at ng sarili niyang pinagmulan, unti-unting mabubura ang hangganan sa pagitan ng pekeng relasyon at ng totoong nararamdaman. Sa mundong puno ng pekeng pagkatao at mga nakatagong panganib, hanggang kailan nila maitatago ang totoo?
78