Aiko Garcia
Tumingin si Chairman sa apo niya. "Siya ba talaga 'yung gusto mong pakasalan?"
Biglang sumingit si Anastasia at lumapit kay Sebastian. Lumuhod siya para maging eye-level niya ito.
"Sebastian, actually, kinausap ako ni Dad about marrying you," medyo nahihiyang sabi ni Anastasia.
Biglang humarap sa kanya si Sebastian, kaya napaatras si Anastasia sa takot dahil sa nakakatakot nitong tingin.
"Hindi mo ba alam ang terms ng agreement namin?"
seryosong sabi niya.
"Ang deal namin, ako lang ang may power na mag-cancel ng contract. At ang tanging taong pakakasalan ko ay anak ng Brooks family. Hindi ko naman alam na dalawa pala ang anak mo, Mr. Michael?"
590