Chelle
Dahil sa laki ng sahod, hindi na ako nagdalawang-isip nang alukin akong maging personal nanny ng anak ng isa sa pinakamayamang tao sa mundo.
Akala ko, magiging simple ang buhay ko.
Mag-aalaga ako ng bata, titira sa isang malapalasyong mansion, at makakasama ang mababait kong amo at mga katrabaho. Parang pangarap na trabaho, hindi ba?
Pero nagbago ang lahat nang ipakilala sa akin ni Don Sebastian ang lalaking itinalagang driver at bodyguard ng batang inaalagaan ko.
He is arrogant. Irritating. Annoying. And unbelievably handsome.
Sa bawat araw na magkasama kami, lalo lang akong napipikon sa kaniya. Pero sa likod ng nakakainis niyang ugali, may kakaiba akong napapansin isang lihim na pilit kong itinatago.
At nang hindi ko sinasadyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao, saka ko nalaman na hindi pala ordinaryong driver ang lalaking kinamumuhian ko.
He is a billionaire.
A dangerous man.
And a powerful figure secretly connected to the ruthless world of the mafia.
Mas lalo akong nasangkot sa magulong buhay niya nang mahulog ang puso ko sa lalaking dapat sana'y iniiwasan ko.
Nang mapagtanto kong nasa panganib na rin ang buhay ko, sinubukan kong lumayo at magtago.
Pero huli na.
Dahil sa sandaling minahal ko ang lalaking ito, naging bahagi na rin ako ng mundo niya.
At ngayon, hindi lang puso ko ang nakataya.
Pati buhay ko.
Dahil kapag naging target ka ng mga kaaway ng isang Mafia Billionaire, walang lugar na sapat para pagtaguan.
Especially when the most annoying man in the world refuses to let you go.
858