Saevris
“Gusto mo makita nila tayo sa ganitong posisyon, Mielle? ‘Yon ba?” napapaos na tanong ni Aeron.
Napilitang magpakasal si Elysia Mireille Severino kay Aeron Sylvain Vieri para bayaran ang utang ng kaniyang mga magulang.
Ang kasunduan nila, hindi dapat sila puwedeng magkagusto sa isa’t isa. Iikot lang ang kanilang pagsasama sa kondisyon, at mga patakaran na pinag-usapan nila.
Ngunit paano kung ang napagkasunduan nila ay hindi nila nagawang sundin, at nauwi sa lihim na pagnanasa?
“Tumingin ka sa akin. Alam kong may nararamdaman ka. Hindi ba?” tanong ni Aeron.
Akala nilang pareho, kaya nilang sundin ang kontratang napag-usapan nila. Kaya lang ay habang tumatagal, mas lalo silang nahihirapang pareho.
Dumating sa puntong kinailangang umalis ni Elysia sa bahay nila para lang piliin muna saglit ang sarili niya, at hindi nagawang ipaalam ang kaniyang desisyon kay Aeron nang dahil sa isang maling akala.
“Tingin mo makaaalis ka pa? Hindi! Dito ka lang. Hindi ka puwedeng umalis. Hindi mo ako puwedeng iwan.”
Ang kontratang hindi nila kailanman inaakala na hindi nila masusunod. Na simula’t sapul naman, sila ang itinadhana. Pero ang pagnanasa nila para sa isa’t isa ay nanatiling lihim, dahil wala ni isang gustong umamin.
1.1K