ArtofPollyanna
Fresh graduate si Zoreign Dominguez, pero sa kabila ng sipag at tiyaga, wala pa ring kumpanyang handang tumanggap sa kanya.
Isang buwan siyang naghintay, nagdasal, at umasa... hanggang sa unti-unti nang maubos ang natitira niyang pag-asa.
Ngunit isang araw, habang pauwi mula sa pamamalengke, isang simpleng karatula ang tila sumagot sa kanyang panalangin.
HIRING: MAID
Sahod: ₱100,000 kada buwan
Isang araw lang ang pahinga bawat buwan.
Napakalaki ng sahod para sa isang kasambahay, parang nakakaduda.
Pero dahil desperado na siyang makahanap ng trabaho, isinugal niya ang lahat at nagtungo sa mala-palasyong mansyon ng misteryosong bilyonaryong si Caius Hawthorne.
Isang lalaking binalot ng samu't saring tsismis.
May nagsasabing hindi ito nagpapakita sa publiko dahil pangit siya at may ketong. May iba namang naniniwalang isa itong halimaw na kinatatakutan maging ng sarili niyang mga tauhan. At ang pinaka nakakatakot sa lahat ay walang kasambahay ang nagtatagal sa mansyon niya.
Ngunit mas nakakatakot pa sa mga tsismis ang lalaking nasa likod ng saradong pintuan.
Malamig. Mailap. Masungit.
At punong-puno ng sugat ang puso.
Pumasok siya sa mansyon para maghanap ng trabaho. Pero sa pagpasok niya sa tahanan ng binata, hindi niya inaasahang mababago ang takbo ng kanyang buhay.
Trabaho lang ba ang mahahanap ni Zoreign sa mansyon ni Caius, o pati na rin ang susi sa puso na matagal nang isinara ng binatang bilyonaryo?
3.3K