Mayonaka_Kisaki
“I want him! Yes, him! I want to marry my gay best friend!”
Lahat ay natigilan at nagulat sa isinigaw ni Vanessa. Hindi makapaniwala ang lahat dahil alam ng pamilya kung gaano niya kamahal si Hendrix. Pero ngayon, halos ipagsigawan niya na gusto niyang makasal sa kaniyang best friend—na isang bading pa?
“Dmn! Are you stpid?” galit na asik ni Hendrix kay Vanessa. “I didn’t know na ganito ka kadesperada sa pagpapapansin sa akin. Magpapakasal ka sa isang bading to get back at me? Sa tingin mo ba hahabulin kita? Never in your wildest dreams, Vanessa!” Walang kaabog-abog na sabi ni Hendrix habang bakas sa mukha nito ang labis na kaarogantehan.
“I changed my mind. I don’t want you anymore. Mas gusto ko na si best—I mean, si Darius. I want him... only him.”
Tahimik namang nakatayo sa gilid ng malaking glass window na may gold frame si Darius, hindi pa rin makapaniwala sa naririnig. Inikot-ikot niya ang alak sa hawak niyang wine glass habang napapaisip.
“What the f*ck? Why me?”
Bakit nga ba? Why did Vanessa choose Darius—her gay best friend—kaysa sa lalaking sobra niyang minahal mula pagkabata?
53