Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Obsessive CEO’s Contract Wife

The Obsessive CEO’s Contract Wife

Nang masaksihan ni Mira Alcantara ang pagtataksil ng lalaking minahal niya, tuluyang gumuho ang paniniwala niya sa pag-ibig. Sa gitna ng pagkabigo at pangangailangang muling magsimula, pumayag siya sa isang kasunduang hindi nangangailangan ng damdamin—isang contract marriage sa malamig at makapangyarihang CEO na si Sebastian Montenegro. Para kay Mira, ang kasal ay isang paraan para mabuhay nang walang umaasang pagmamahal. Para kay Sebastian, isa itong obligasyong ipinilit ng pamilya... isang papel na ayaw niyang gampanan. Malinaw ang kontrata: walang pag-ibig, walang pakikialam, at walang karapatang masaktan. Ngunit habang napipilitan silang magbahagi ng iisang espasyo, unti-unting nababasag ang mga hangganang itinayo nila. Sa likod ng katahimikan ni Sebastian ay isang lalaking unti-unting nawawalan ng kontrol... hindi dahil sa pagnanasa, kundi dahil sa takot na may isang babaeng kayang baguhin ang mundong matagal na niyang isinara. Sa isang kasal na isinilang mula sa kasunduan at kapangyarihan, alin ang mas mauuna... ang pagtatapos ng kontrata, o ang pagkawasak ng mga pusong hindi dapat nagmahal?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Arrogant Boss Is My Secret Lover

My Arrogant Boss Is My Secret Lover

Imbitado si Vida sa engagement party ng kanyang bestfriend. Ang pinakasamayang araw ng kaibigan niya ay siyang pinakasakit sa kaniya dahil hindi niya aakalain na ang magiging fiancé pala nito ay si Marky na boyfriend niya. Labis siyang nasaktan at dahil doon, nakipagsundo siya ng kasal sa arroganteng boss niya na dati na niyang nakaone-night stand noon. “Can’t handle my demands? Then be my wife!”
Romance
10683.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Pet Nanny

His Pet Nanny

Nag-apply bilang pet nanny, natanggap bilang asawa. Si Charmaine, isang nineteen years old na dalaga, dahil sa matinding pangangailangan ay pumayag sa alok na fake marriage ng isang thirty-two years old at mayamang binata. Paano kung ang fake marriage nila ay mauuwi sa totoong kasal? Mauuwi din ba kaya sa totoong pagmamahalan ang pagsasama nila, o mauuwi sa pagkasawak ng mga puso nila?
Romance
1010.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Pregnant By My Brother-In-law

Pregnant By My Brother-In-law

Isang buwan bago ang kasal ni Erica sa boyfriend niyang si Franco ay nagkayayaan silang magkakaibigan na mag-party. Isang pamamaalam mula sa pagkadalaga, ika nga nila. Pero anong gagawin ni Erica kung magising na lang kinabukasan na kayakap ang estranghero na lalaki at pareho pa silang walang suot na damit? And the worst? What if she find out that he's her boyfriend's stepbrother?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Takasan Ang Bilyonaryong Taksil

Takasan Ang Bilyonaryong Taksil

Pagod na pagod na si Merida pakisamahan ang kaniyang asawa at kaniyang mga in-laws na ang buong attention ay nasa stepsister lang niya. Sa limang taon na kasal sila ni Evos, ginawa siyang alila ng biyenan niya at hindi siya kailanman tinuring ni Evos na asawa. Hanggang sa dumating sa puntong nalaman niya ang pagtataksil nito at iisa lang ang nais niyang mangyari, ang takasan ang asawa niyang taksil.
Romance
10119.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Woman's Unparalleled Love

A Woman's Unparalleled Love

"Ganyan ka ba talaga kadesperada, Airith? Pati kapatid ko ay pipikutin mo para lang guminhawa ang buhay mo? Pera lang ba talaga ang habol mo sa isang lalaki?" Iyan ang katagang dumurog sa puso ni Airith sa muli niyang pagbabalik sa bahay ng pamilya Vergara, lalo pa't nagmula mismo ang mga salitang iyon sa dati niyang asawang si Sebastian. Anak ng pinakamayamang negosyante sa kanilang syudad si Airith Almazan, pero inilihim niya ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Vergara. Kaakibat ng kontrata nilang kasal ni Sebastian ay itrinato lang siya sa pamamahay ng pamilya nito na higit pa sa isang katulong sa loob ng isang taon, hindi bilang isang manugang. Hindi lang iyon, napagdesisyunan pa ni Sebastian na makipaghiwalay sa kanya sa parehong araw na ibabalita niya sana rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Makalipas ang dalawang taon, isang araw ay ipinadukot siya ni Stephen, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Humingi ito ng tulong sa kanya at inalukan siya nito ng isang pekeng kasal upang tuluyan na nitong manahin ang kumpanya at maisalba sa nagbabadyang pagbagsak. Nalaman niya mula rito na mayroong makapangyarihang tao ang umaatake sa kumpanya ng pamilya Vergara kaya ito nalagay sa ganoong sitwasyon. Saka niya lang din nalaman na kagagawan pala mismo iyon ng kanyang ama, upang kaparusahan sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Vergara noon. Sa kagustuhang ayusin ang ginawa ng kanyang ama, napagdesisyunan niya na tulungan si Stephen. Kasama ito ay muli siyang nagbalik sa bahay ng pamilya Vergara. Kalaunan, ang akala niyang pekeng kasal nila ni Stephen ay unti-unti na palang nagiging totoo kasabay ng unti-unting pagkahulog ng kanyang loob dito.
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Romance
407 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Wife, I Was Wrong!

Wife, I Was Wrong!

Matapos ang tatlong taong kasal at pagsasama, gusto ni Leon Mercadejas na maging malaya para mapakasalan ang babaeng mahal niya. Sa buong tagal ng kasunduan nila ni Denielle Lopez-Mercadejas, hindi niya ipinaramdam ang pagmamahal dito. Sinasamantala lang niya si Denielle kapag kailangan niya ng isang asawa. Pero nang pumayag si Denielle sa annulment, naguguluhan si Leon dahil nasasaktan siya at tila may gustong sumabog sa kanyang puso.
Romance
387 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Divorcing The Forgotten Heiress

Divorcing The Forgotten Heiress

Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.
Romance
1025.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Maling Akala

Maling Akala

Pagkatapos ng matagumpay na business deal sa Batangas, nanatili si Jericho sa isang resort upang magpahinga at magdiwang. Gayunman, nabalewala ang kanyang pahinga nang tawagan siya ng ama upang ipaalala ang nalalapit na pamamanhikan para sa nakaayos na kasal ng kanyang kapatid. Ipinakita rito ang impluwensya ng pamilya at tradisyon sa kanilang buhay—mga desisyong tila nakaplano na kahit hindi pa sila handa. Ngunit malinaw ang paninindigan ni Jericho: siya mismo ang pipili ng babaeng pakakasalan niya. Sa gitna ng kanyang pagod at kalasingan, isang hindi inaasahang pangyayari ang gumising sa kanya—ang pagdating ni Danica, anak ng kanyang business partner. Tahasang ipinakita ng babae ang kanyang pagnanasa at balak na mapalapit kay Jericho, maging walang commitment man. Lumalabas na nais din ng ama ni Danica na maging manugang si Jericho. Ngunit matatag siyang tumanggi. Ayaw niya ng sapilitang relasyon o kasal na hindi niya pinili. Sa unang kabanata pa lamang, nahahayag na ang karakter ni Jericho bilang isang lalaking may prinsipyo, hindi basta nagpapadala sa tukso, at handang labanan ang dikta ng iba para sa sariling kalayaan.
Romance
246 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1011121314
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status