Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Paid to Say I Do

Paid to Say I Do

Ang kuwento ay umiikot sa isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang warehouse helper sa isang kumpanya. Tahimik ang kanyang buhay hanggang sa biglang magkasakit ang kanyang ina at mangailangan ng agarang operasyon. Dahil kapos sa pera, napilitan siyang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan. Labag man sa kalooban niya ay pumasok siya bilang Escort sa isang bar. Dito niya nakilala ang isang lalaki, handa siyang tulungan nito kapalit na kailangan niya rin itong tulungan dahil kailangan ng lalaki na may babaeng ipapakilala sa magulang niya bilang fiancee. Dahil kailangan daw munang maikasal ng lalake bago nito makuha ang mana mula sa magulang niya. Laking gulat ng pamilya ng lalaki nang malaman nila kung sino ang babaeng napiling pakasalan ng kanilang anak. Nadiskubre nilang ang babae ay biological daughter ng kanilang matagal nang karibal sa negosyo. Nalaman nilang pinaampon ang babae noong bata pa siya upang maitago ang kanyang tunay na identity at mailayo sa magulong mundo ng kapangyarihan at yaman. Nakita ng pamilya ng lalaki ang pagkakataon na gamitin ang babae laban sa kanilang karibal sa negosyo. Pinlano nilang ituloy ang kasal bilang bahagi ng kanilang corporate strategy, para mapabagsak ang pamilya ng babae. Habang tumatagal, ang dating kontrata ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Dalawang araw bago ang kasal, nalaman ng babae ang kanyang tunay na identity. Iniisip niya kung itutuloy pa ba ang kasal sa kabila ng kasinungalingan, o talikuran ang lahat upang protektahan ang sarili niya. Nang malaman ng lalaki ang tunay na plano ng kanyang mga magulang, tumutol siya rito. Handa siyang talikuran ang mana at labanan ang sariling pamilya para sa babaeng minahal niya. Sa gitna ng corporate rivalry, family politics, at personal betrayal, kailangang magdesisyon ang dalawa kung ang kanilang pagmamahalan ay sapat upang lampasan ang mga lihim at interes na bumabalot sa kanilang relasyon.
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover

Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover

Dalawang taon nang naniniwalang legal wife si Isabel Cienne Lopez. Pero nang ipa-verify niya ang marriage certificate nila, doon niya nalaman ang totoo. Peke ang kasal nila ng asawa niyang si Joshua Casiño. Gusto niyang komprontahin si Joshua, pero may narinig siyang usapan sa study room nang puntahan niya ito. “Don’t worry, she still trusts me,” kampanteng sabi ng lalaki. “Good,” sagot ng babae. “Basta tandaan mo, ako ang legal wife mo.” Ang kausap nito? Si Sabrina Carpio. Ang dati nilang guidance counselor sa university na anim na taon ang tanda sa kanya. At doon bumagsak ang lahat-lahat para kay Isobel. Limang taon nang kasal ang dalawa, si Joshua at Sabrina. Ibig sabihin, ginamit lang si Isobel bilang shield. Siya ang pinakitang asawa sa publiko. Mas masakit pa, siya ang sinisisi kung bakit wala raw silang anak. Ang pinakamalala? Ang batang inampon nila ay tunay palang anak ng dalawa. Hindi nag-iskandalo si Isobel. Tahimik lang siyang tumawag sa abogado ng pamilya niya. “Attorney, single ako. No husband. No child. Lahat ng inheritance, sa akin lang.” “Are you sure?” “Yes.” At umalis siya nang hindi lumilingon. Akala ni Joshua babalik din si Isobel noong umalis ito. “She can’t survive without me, she loves me so much.” Pero ilang linggo lang ang lumipas, napabalita sa buong bansa ang isang engrandeng kasalan. Isang marriage alliance sa pagitan ng isang powerful tycoon at isang biglang lumitaw na heiress. Sa panonood ng TV, nanigas si Joshua. Si Isobel ang bride. Nakatayo siya sa tabi ng lalaking mukhang makapangyarihan, hawak ang kamay nito, confident at malamig ang tingin. “She is my wife,” sabi ng lalaki sa harap ng media. Sa pagkakataong ito, totoo na ang kasal ni Isobel. At doon lang na-realize ni Joshua na hindi pala siya kawalan kay Isobel. Siya ang iniwan, at siya itong maghahabol sa "asawa" na niloko niya ngunit hindi na niya maaabot pa.
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I am Married?

I am Married?

Pangarap ni Farrah Paraiso na ikasal sa kaniyang nobyo pero natuklasan niya na walong taon na siyang kasal sa kinaiinisang lalaki noong college, si Damon Punongbakal. Hindi niya inaasahan na ang kasal-kasalan nila dahil sa kalasingan ay naging totohanan. Minabuti niyang hanapin ang lalaki upang solusyonan ang problema, ngunit paano kung sa kanilang pagtatagpo ay ayaw na siyang pakawalan nito? Mahulog kaya ang loob ni Farrah kay Damon?
Romance
1034.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Wife Is The Hidden CEO

My Wife Is The Hidden CEO

Ang buhay ni Edward Martel ay isang bangungot na nilikha ng kanyang sariling pamilya. Pinagtaksilan, inmanipula, at pinilit sa isang walang pagmamahal na kasal, gumuho ang mundo ni Edward nang hindi sinasadyang nakipaghiwalay siya sa tanging taong tunay na nagmamahal sa kanya, si Sasha Raine Zorion. Punong-puno ng galit at pagsisisi, tiniis niya ang malupit na kamatayan, ngunit muling nabuhay na may pagkakataong itama ang mga pagkakamali.
Romance
109.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Savior Billionaire

My Savior Billionaire

Wasak ang puso ni Vivianne nang iwan siya ng boyfriend niya sa mismong anibersaryo nila. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihirap, lumitaw si Logan, ang kanyang boy best friend—isang bilyonaryo na handang gawin ang lahat para sa kanya. Isang kontrata sa kasal ang nagsimula ng kanilang kwento, ngunit ang tunay na pag-ibig ba ang magiging bunga nito? O isa lamang itong paghihiganti na magwawakas sa pagkawasak?
Romance
81.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling for my Ex-Fiance's Uncle

Falling for my Ex-Fiance's Uncle

Si Hailey Gaile ay pinagkasundong ipakasal kay Cedric na isang good for nothing playboy. Hindi sumipot ang lalaki sa araw ng kasal nila. Ikatutuwa na sana ni Gaile ang hindi nito pagsipot pero mukhang to the rescue ang gwapo at bilyonaryong uncle ni Cedric na si Tristan Venzon! Kayanin kaya ni Gaile ang buhay may asawa sa piling ng dominanteng CEO na 10 years ang agwat sa edad niya?
Romance
10749 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's excessive love

The Billionaire's excessive love

Tiraycute062
Matapos siyang maging sa isang lugar na wala nang kahit anong damit,at nawala ang iniingatan niyang puri pati na ang kanyang pinakamamahal na ama. At labis siyang nasaktan ng hindi na natuloy ang kasal ng kanyang fiancé. Dahil ang pakakasalan na nito ang kanyang step sister. Sa huli, napilitan siyang umalis at nagpakalayo-layo. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya kasama ang isang pares ng magagandang kambal.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
Romance
10401 viewsOngoing
Read
Add to library
CARRYING THE COLD BILLIONAIRE'S TWINS

CARRYING THE COLD BILLIONAIRE'S TWINS

Walang ibang maaasahan si Samantha kun'di ang sarili niya. Kaya nang ipatawag siya ng bilyonaryong si Alejandro Elizalde sa opisina nito, hindi niya inaasahang isang nakakagulat na alok ang naghihintay sa kanya. Pakakasalan ni Samantha ang malamig at misteryosong anak nito na si Raim at bibigyan ang pamilya nila ng isang tagapagmana. Kapalit nito, magkakaroon siya ng marangyang buhay, malaking buwanang allowance, at isang kinabukasang malayo sa kahirapan. Ngunit may isang kundisyon. Ang kasal na ito ay hindi kailanman tungkol sa pag-ibig. Isa lamang itong kasunduan sa negosyo. Pero sa isang kasal na itinayo sa tungkulin, mga lihim, at sa pangangailangang magkaroon ng tagapagmana. Unti-unting naramdaman ng dalawang pusong hindi dapat magmahal ang damdaming matagal nang ipinagbabawal. Nang tuluyang magkaaminan ang dalawa sa tunay na nararamdaman. Saka naman may trahedyang nangyari kung saan nalimutan ni Raim si Samantha. At ang masakit pa, nalaman na lamang ni Samantha na may fiancee na ang asawa. At malapit ng silang ikasal. Sobra siyang nasaktan. Hindi alam ni Samantha ang gagawin. Ipaglalaban ba niya si Raim para mabuo sila kasama ang kanilang kambal? O lalayuan na lamang siya para hindi na masaktan?
Romance
10879 viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by my Billionaire Ex-Husband's Rival

Owned by my Billionaire Ex-Husband's Rival

"I'm not worth it of your love, Tazu. I'm married. Yes, I love you but that's not enough. Sa mata ng batas at sa mata ng tao kasal ako." He looked at me with desperation. "Divorce him, Tam. Mahal kita at sa mata nating dalawa ay ito ang tama," Love is beyond predicted. When you love someone you fight for them pero hindi sa lahat ng oras pwede kang lumaban sometimes find someone to fight for you. Para ipaglaban ang pagmamahalan niyo.
Romance
307 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status