Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwritten Contract

The Unwritten Contract

Dej4vlues
Nakatali sa isang nakalulungkot na tradisyon ng kanilang pamilya, si Noah, isang matapang na negosyanteng may mabigat na obligasyon sa kanyang pamilya, at si Zuzane, isang artistang naghahangad ng kalayaan mula sa mundo ng industriya, ay napilitang magkasama dahil sa Unwritten Contract. Itinuturing ni Noah na ang kasal ay isang madiskarteng hakbang upang matiyak ang kanyang mana, habang tinitingnan naman ito ni Zuzane bilang isang kulungan. Tulad ng karamihan, may mabigat na pader ang nasa pagitan ng dalawang. Isa sa nakahahadlang sa magandang pagsasama nila bilang mag asawa. Sa isang iglap ay mababago ang lahat dahil sa feelings na bigla na lang nagparamdam. May darating na blessing para sa kanilang dalawa... A Baby. Natagpuan ni Noah ang kanyang sarili na nabihag sa kakaibang pag uugali ni Zuzane, at nakita ni Zuzane ang isang kahinaan sa ilalim ng matigas na panlabas ni Noah. Habang nilalalakbay nila ang hindi pa natukoy na teritoryo ng kanilang buhay, kinakaharap nila hindi lamang ang kanilang sariling kundi pati na rin ang mga panggigipit ng lipunan na nakakulong sa kanila. Maaari bang mamulaklak ang pag-ibig sa harap ng tungkulin? O mananatili bang nakatali ang kanilang mga puso sa kanilang hindi sinasabing mga pagnanasa? The Unwritten Contract ay tungkol sa mga komplikadong pag-ibig at pagrerebelde, kung saan ang tradisyon ay sumasalungat sa pagnanasa para sa kalayaan. Muli bang isusulat nina Noah at Zuzane ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan, o mananatili silang nakatali sa hindi nakasulat na kontrata?
101.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 30 Beses bilang act as your age
Read
+Library
A Crippled Wife in a Cold Marriage

A Crippled Wife in a Cold Marriage

On the fifth wedding anniversary of Kate and Vincent, saka naman umuwi sa bansa ang “white moonlight” ni Vincent, ang babaeng minahal niya noon at kailanman ay hindi niya nakalimutan. Sa gabing iyon, isang katotohanang mas masakit pa sa sampal ang nadiskubre ni Kate. Narinig niya si Vincent sa loob ng banyo, binibigkas ang pangalan ni Mitch habang nilulunod ang sarili sa pagnanasa. Sa sandaling iyon, malinaw na malinaw na sa kanya ang lahat. Ito pala ang totoo. Ito pala ang dahilan kung bakit, sa limang taon nilang mag-asawa, hindi man lang siya kailanman hinawakan ng sariling asawa. Sa limang taon ng kasal, hindi niya narinig ang I love you, pero paulit-ulit niyang narinig ang pangalan ng ibang babae. Ang pangalan ni Kate. “She’s alone.” “I promised her.” “She’s more suitable than you.” At sa bawat paliwanag ni Vincent, iisa lang ang sagot ni Kate. Alam ko. Okay. Go. Walang sigaw. Walang luha. Hanggang sa isang araw, pinili niyang umalis. Habang abala si Vincent sa babaeng hindi niya kailanman nakalimutan, tahimik naman na inihanda ni Kate ang sariling pag-alis…Palihim na nag-aral, nag take ng exams abroad, nag-apply ng visa, at inihanda ang annulment agreement. Nang akala ni Vincent ay wala na siyang babalikan, doon niya siya nawala. At nang muling nakita ng mundo si Kate, hindi na siya ang babaeng iniwan, kundi ang babaeng hindi na kayang abutin. Pero huli na ang lahat, dahil ang babaeng iniwan ni Vincent noon, ay isang babaeng hindi na niya kayang hawakan.
7.35.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 224 Beses bilang act as your age
Read
+Library
CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE

CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE

Hindi kailanman inakala ni Alexandra na magiging bahagi ng isang kasal ang kanyang buhay. Dalawa lamang ang mahalaga sa kanya, pamilya at trabaho. Kaya nang alukin siya ng kanyang boss na magpakasal, matigas niyang tinanggihan. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magtutulak sa kanya na tanggapin ang kakaibang alok, maging pekeng asawa ng kanyang boss sa loob ng dalawang taon. Paano kung sa paglalaro ng puso at propesyon, ang kasinungalingan ay magdala ng tunay na damdamin?
307 viewsOngoingIdinagdag sa Library 6 Beses bilang act as your age
Read
+Library
A DANGEROUS MARRIAGE DEAL (SPG)

A DANGEROUS MARRIAGE DEAL (SPG)

Pauwi na sana sina Jenyfer Caluttong sa bahay nila para sana mag-celebrate ng katatapos na graduation ng kapatid niya, nang bigla na lang harangin ang sinasakyan nila at sapilitan sila tinangay ng mga armado lalaki. Pagdating nila sa malaking bahay na pinagdalhan sa kanila. Doon lumabas ang tinatawag na boss ng mga armadong dumukot sa kanila. Sobrang gulat ni Jenyfer dahil ito ang lalaking may tama ng bala sa tagiliran na humingi ng tulong sa kaniya. Nagpakilala itong si Rhys Zhumalde. Mala-model sana ang ka-guwapuhan at umiigting din ang panga sa sobrang seryoso nito at sa tuwing tumititig sa kaniya ay tila may panganib na dala ang mata nito. Pakakawalan lang daw pamilya niya sa isang kondisyon. Magpapakasal siya rito. Labis ang galit ni Jenyfer nang marinig niya iyon kay Rhys Zumalde. Ngunit wala siyang choice kahit na ang tingin niya ay mapanganib ang magpakasal dito. “As long as you fulfill our deal to release my family, I'm willing to marry you even though it's dangerous to be your wife,”—Jenyfer Callutong.
109.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 198 Beses bilang act as your age
Read
+Library
Between the Mafia's and the Agent's

Between the Mafia's and the Agent's

“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau. “Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila. “Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau. “Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy. “Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila. “So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan. “What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko 'agad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila. “Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau. “Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via. "At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito sa probinsya kaya kami napasugod 'agad." dagdag pa ni Via. Paano pagnalaman ni Franz na ang babaeng nasa likod ng maskara at ang babaeng pinakamamahal n'ya ay iisa?
108.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 186 Beses bilang act as your age
Read
+Library
Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Warning: SPG May mga nilalaman na hindi angkop sa mga bata. *** Hindi niya pinili ang kasal. At hindi niya dapat pinagnasahan ang lalaki. Nang malaman ni Althea De Fuego na ipapakasal siya sa isang makapangyarihang CEO upang iligtas ang kanyang pamilya, isang gabi lang ang hiniling niya. Isang gabing wala siyang obligasyon, wala siyang pangalan, at wala siyang kinabukasan na iniisip. Isang gabi. Isang pagkakamali. Ngunit natuklasan niya ang katotohanan. Ang lalaking nakasama niya ay si Anderson Velasco - ang lalaking konektado sa kapangyarihang kumokontrol sa buhay niya, ang lalaking nakatayo sa maling panig ng kanyang kasal, at ang lalaking hindi niya dapat kailanman hinawakan. Sa loob ng isang mansyong itinayo sa mga kontrata, katahimikan, at kontrol, ang pagnanasa ay nagiging kasalanan. Bawat tingin ay binabantayan. Bawat hakbang ay sinusukat. Habang hinihigpitan ng kanyang mapapangasawa ang hawak sa kanya, pilit namang nilalabanan ni Anderson ang damdaming maaaring sumira sa kanilang dalawa. Ngunit kapag may lihim na kumalat, may pagtataksil ring mamabunyag, at ang araw ng kasal ay nauwi sa kaguluhan. Sa mundong ang kasal ay kasunduan at ang katahimikan ay paraan ng kaligtasan. Hanggang saan siya lalaban upang bawiin ang sarili at paano kung ang lalaking gusto niya ay ang lalaking hindi niya maaaring piliin? Paano itatago ang pagnanasang hindi na kayang pigilan?
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 42 Beses bilang act as your age
Read
+Library
Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Bago makuha ni Valeria Solano ang kayamanang iniwan ng kanyang pamilya, kailangan niyang magpakasal sa isang mayamang lalaki at magkaanak bilang kundisyon. Nang muling bumalik si Luciano Navarro — ang lalaking unang kumuha ng kanyang pagkabirhen. Nakita ni Valeria ang pagkakataong gamitin ito para sa kanyang mga plano. Desperada at handa siyang gawin ang lahat kaya pumayag siyang pumasok sa isang kasunduan para makuha ang mga yamang iniwan sa kanya. Ngunit may lihim si Luciano na magpapabago sa takbo ng buhay ni Valeria, at ang kalayaang inaasam niya ay maaaring maging kanyang pinakamalaking pagkakakulong.
527 viewsOngoingIdinagdag sa Library 12 Beses bilang act as your age
Read
+Library
Becoming The CEO's Contract Lover

Becoming The CEO's Contract Lover

Itinaya ni Jean Antoinette Marcelo para sa kaniyang pag-ibig: from her career opportunities to her own bright future. Isinantabi niya ang bawat oportunidad na dumating sa kaniya dahil lang sa pagmamahal niya sa isang lalaki na inakalang mahal din siya. Her dreams shattered nang bigla na lang naglaho ang lalaki at tinangay pa nito ang kaniyang pinaghirapan bilang isang mananahi sa isang maliit na boutique. To make matters worse for her, nalaman pa niya na ipinagpalit siya ng kaniyang fiance sa kaniyang ate. Her parents disowned her na para bang siya pa ang gumawa ng pagkakamali sa kanila. She’s so broken na inakala niyang katapusan na niya. She was on the verge of giving up her own life nang may kumuha sa kaniya on the spot bilang secretary ng isang kilalang CEO. Inaasahan na niyang mahirap ang kaniyang trabaho. But then, hindi niya inaasahang mas mahihirapan siya sa pakikisama sa kaniyang boss. Kyle Zander Villaester was known for his perfectionist nature. Bawat gawa niya nahahanapan nito ng butas. He could easily tear her down with every rejection sa kaniyang trabaho. Sa kabila ng bawat pagkakamali niya ay hindi siya nito tinatanggal sa trabaho. Instead, he let her repeat everything hanggang sa makuha na niya ang gusto nito. Bumalik ang kaniyang ex-boyfriend na para bang wala itong ginawang kasalanan sa kaniya. Out of desperation, binanggit niya ang pangalan ng kaniyang boss bilang bagong boyfriend, even if alam niyang mali iyon. Kyle Zander knew that he had nothing to do with her affairs, but his ego told him to claim Jean Antoinette as his. “Ano ngayon kung nagkaroon kayo ng relasyon? You were her past, she is mine now. Gusto mo siyang bawiin? You have to pay the heavy price.”
2.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 62 Beses bilang act as your age
Read
+Library
My Contracted Husband Is My Boss

My Contracted Husband Is My Boss

Di mapigilan ni Liliana na masaktan nang makita niya na harap harapan ang fiancee at ang bestfriend niya na nagtatalik sa mismong gabi pa ng engagement nila ni Gerald nalaman pa niya na tanging mana lang ang kailangan ni Gerald sa kanya. At nagulat siya nang may isang hotel staff ang nagpalayo sa kanya doon at sinamahan siya nang isang iglap nagbago ang lahat ng gabing iyon nang malaman niya na kinasal siya sa hotel staff na yun at may nangyari pa sa kanila ng gabing iyon at ang pinaka malala pa ay ito ang CEO Boss sa kompanyang pinagtrabahuan niya. Paano niya malulusutan ang lahat ng ito na ang lalaking pinakasalan niya ang pinaka mayamang businessman sa boung mundo?
9.957.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.4K Beses bilang act as your age
Read
+Library
Contracted to my twin's rival CEO

Contracted to my twin's rival CEO

Si Ellie Allys Joson, probinsyana mula Batangas, napilitang pumunta ng Manila para iligtas ang tatay niyang may kidney failure. 800k ang kailangan, pero 3,500 pesos lang ang dala niya. Napunta siya sa Smith Corp bilang PA ni Luke Smith—masungit, malamig, at CEO na parang galit sa mundo. Hindi niya alam, si Luke ang driver na bumangga sa tatay niya 10 years ago at tumakas. Tapos lumabas si Gab Smith, kambal ni Luke. Mas mabait, mas mapaglaro, at siya ang unang nagsabi kay Ellie ng totoo. Para manahimik si Ellie, inalok siya ni Luke ng contract marriage: 1 year, 800k kapalit. Pambayad sa operasyon ng tatay niya. Pero paano mo tatanggapin ang pera ng taong sinisisi mo sa pagdurusa ng pamilya mo? At paano kung unti-unti mo nang nakikita ang lalaking nasa likod ng pagiging masungit niya? Isang linggo lang dapat ang deal. Pero sa loob ng pitong araw na yun, mabubuksan ang lihim na magpapabago sa buhay nilang tatlo. Contract marriage. Family betrayal. Love na hindi dapat nangyari. Dahil sa Manila, walang libre. Lahat may kapalit. Kahit ang pag-ibig.
10132 viewsKumpletoIdinagdag sa Library 3 Beses bilang act as your age
Read
+Library
PREV
1
...
2526272829
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status