Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
POSSESSED BY THE DON

POSSESSED BY THE DON

Sa gitna ng isang malamig at maka pangyarihang mansion, pumasok si Ysabel Aragon isang babaeng hindi lang basta nanny, kundi si Vivienne Calista Montclair, na nagbago ng pagkakakilanlan upang makapasok sa mundo ng mga Whitmore. Ang tunay niyang pakay ay hindi trabaho, kundi isang lihim na misyon ang makalapit kay Aurelius Whitmore, ang kinatatakutang Don na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina. Ang trahedyang iyon ang nagbago sa buong buhay niya, kaya sa likod ng bagong pangalan at bagong katauhan, matagal niyang pinagplanuhan ang bawat hakbang para makapasok sa buhay ng lalaking kinamumuhian niya. Sa mata ng lahat, isa lamang siyang simpleng nanny, pero sa likod nito ay isang babaeng puno ng galit, sakit, at matinding paghahanap ng katotohanan. Ngunit sa pagpasok niya sa mansion ng mga Whitmore, hindi niya inaasahang may batang si Isabella na unti-unting babago sa direksyon ng kanyang misyon. Sa halip na malamig at magulong kapaligiran, nakita niya ang isang inosenteng bata na dahan-dahang nagbubukas ng pinto ng tiwala at emosyon na matagal nang nakasara sa kanya. Habang mas lumalalim ang koneksyon ni Ysabel kay Isabella, mas nagiging komplikado rin ang kanyang misyon dahil unti-unti siyang nahihila sa misteryosong si Aurelius. Isang lalaking puno ng kapangyarihan, panganib, at madilim na nakaraan-na sa bawat titig ay unti-unting sumisira sa matitibay niyang depensa. Sa pagitan ng paghihiganti, lihim na pagkakakilanlan, at unti-unting pagkapit ng damdamin, nagiging mas magulo ang lahat. Hanggang saan niya kayang panindigan ang kanyang misyon kung ang puso niya mismo ang unti-unting kumakalaban dito? At sa mundong puno ng kasinungalingan at kapangyarihan... sino nga ba ang tunay na kalaban ang Don o ang sariling damdamin niya?
752 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
9.937.6K viewsCompletedAdded to Library 1.5K Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
9.7909 viewsOngoingAdded to Library 29 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
TO LOVE A BILLIONAIRE

TO LOVE A BILLIONAIRE

Lumaking puno ng pagmamahal si Jayda ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Jethro Montenegro, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Jethro na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya? Jethro Montenegro Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na minsan hindi niya nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Jayda sa kanya?
101.2K viewsCompletedAdded to Library 30 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
ISAGAD MO PO CAPITAN(LADY-RIDER SERIES BOOK||)

ISAGAD MO PO CAPITAN(LADY-RIDER SERIES BOOK||)

WARNING ⚠️ SSPG, ‼️ Si BEATRICE A.K.A. BETTY, ay Isang 28 years old. She's a demure at conservative. Galing siya mayamang familya, masunurin na anak sa magulang. Isang araw habang nag chichil ride sa daan, nadaanan niya ang check point. Since nakalimutan niya'ng dalhin ang license niya mabilis siya'ng humarurot at dumaan sa short cut upang takasan niya ang check point dahil ayaw niya’ng makinig sa sermon ng mga police. Ngunit ang hindi niya alam sinundan pala siya ng Isang masungit at strictong Capitan na si Caspian. Kahit anong pa demure niya sa police hindi ito natinag at dinala siya sa police station. At ang malala ikinulong pa siya ng isang gabi. Akala ng dalaga hindi na mag co-cross ang kanilang landas ngunit. Nagulat na lamang siya Isang araw sa birthday party ng kanyang ama, naroon ang masungit na police na kinakainisan niya. And it turned out anak pala ito ng kanyang uncle ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. At ang masaklap plano pala talaga ng kanilang mga magulang na e arrange marriage silang dalawa.
10330 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

Penmary
Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?
102.8K viewsCompletedAdded to Library 56 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
1027.3K viewsCompletedAdded to Library 545 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
Married to my Ex's Billionaire Uncle

Married to my Ex's Billionaire Uncle

Isang gabi ng alak, galit, at nag-uumapaw na sakit ang nagdala kay Zamira Rios sa Fantasy Lounge matapos siyang babuyin at lokohin ng kanyang ex-boyfriend na si Nico. Ang tanging hiling niya? Ang makaganti at makahanap ng lalaking papakasalan siya agad-agad para lang mapatunayan na hindi siya kawalan. ​But karma has a twisted, wicked sense of humor. ​Nagising siya kinabukasan na may nakasisilaw na dyamanteng singsing sa kanyang daliri, hubad sa isang kama, at kasiping ang nag-iisang Santiago "Santi" Del Fierro. Si Santi na isang malamig, mailap, at bilyonaryong makapangyarihan—na tiyuhin mismo ng ex niyang si Nico. Ang mas nakakabaliw? Walang pag-aalinlangang pumayag si Santi sa baliw niyang hiling kagabi, at ngayon ay legal na silang mag-asawa. ​Sa pagitan ng maruruming lihim ng pamilya Del Fierro, ng nagbabagang selos ng kanyang ex, at ng walang katapusang pagnanasa sa bawat sulok ng mansyon ni Santi, mahuhulog si Zamira sa isang mapanganib at mapanuksong laro. Isang laro kung saan ang bawat haplos, bawat ungol, at bawat magkakaibang posisyon sa ibabaw ng kama ay unti-unting umaalipin sa kanyang puso at katawan. Kakayanin ba niyang takasan ang bilyonaryong tiyuhin, o habambuhay na siyang magpapasakop sa kama at kapangyarihan nito?
105.5K viewsOngoingAdded to Library 180 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
Ang Wedding Scammer

Ang Wedding Scammer

Nagscroll ako sa reddit ng napadaan ako sa post na naghahanap ng payo. Sabi ng poster na meron siyang HIV pero tinatago ito mula sa kanyang fiancee. Ang post ay merong libong mga like. Naintriga, pinindot ko ito para magbasa pa. Ng dumadaan ako sa mga detalye, napagtanto ko—bakit ang paglalarawan ng fiancee ay pareho ko?
1.4K viewsCompletedAdded to Library 55 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
My Brave heart's desire (Filipino)

My Brave heart's desire (Filipino)

rosellemarie0530
Does her Brave heart's willing to endure the pain and hurt for the desire or for the agreement? Naranasan na ni Feona na mabigo at sobrang masaktan sa kanyang pagmamahal sa boyfriend na MVP celebrity basketball player na si James Alvaro. Dala ng kanyang mga dinaramdam napaaga siya ng R and R bilang isang babaeng opisyal ng sandatahan ng Pilipinas. Sa pinagdadaanang kalungkutan at betrayal nagawa niyang aliwin ang sarili sa bar ng isang kilalang hotel, nalasing at nakakilala siya ng isang estrangherong lalaki na ubod ng kisig at gwapo sa bar ng isang sikat na hotel na iyon. Sa nadaramang heartbreak ay nakalimot si Feona sa kalasingan. Ngunit nagulantang siya isang umaga nang magising sa isang di pamilyar na silid at nasa bisig ng lalaking kakakilala niya pa lamang. Hindi akalain ni Feona na muling magkukrus ang landas nila ng estrangherong lalaki. Paano kung may kanya kanya silang advantages at kondisyon para sa isa't isa nang dahil sa naganap sa pagitan nilang dalawa?
101.6K viewsOngoingAdded to Library 53 Times as alamat ng pinya author
Read
+Library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status