My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)
Simula nang mamatay ang ama ni Vanessa, nagkandaletse-letse na ang buhay niya. Pinabayaan siya ng kaniyang malupit na stepmother—inalipusta at itinuring na walang halaga. Sa bawat araw nang pang-aapi, natuto siyang maging matatag… hanggang sa dumating ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang puso.
Si Hector—ang bagong asawa ng kaniyang stepmother. Apatnapung taong gulang, guwapo, mayaman, at puno ng karismang hindi niya kayang balewalain. Sa unang titig pa lang, may kung anong kumislot sa dibdib ni Vanessa—isang damdaming alam niyang bawal ngunit hindi niya mapigilan.
Ngunit sa likod ng marangyang buhay na hatid ni Hector, nagtatago ang isang pusong sugatan—isang lalaking unti-unting napagod sa malamig na pagtrato ng asawa. At sa pagitan ng mga nakaw na tingin, unti-unting nabubuo ang koneksyong hindi dapat umusbong.
Ngayon, nasa pagitan si Vanessa ng tukso at takot. Pipiliin ba niya ang lalaking pinagbabawal ng mundo? O mas gugustuhin na lamang niyang manahimik upang hindi masangkot sa anumang gulo?