Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving For Mr. Billionaire

Loving For Mr. Billionaire

Paano mo ipaglalaban ang pagmamahal na minsan mo nang sinukuan? Lucky swore she’d never look back. Matapos ang isang mapait na hiwalayan, pinili niyang bumuo ng tahimik na buhay kasama ang anak niya—malayo kay Axel, ang lalaking minsan niyang minahal, pero siya ring dahilan ng pinakamalaking sakit niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila, at ngayon, hindi na lang puso niya ang nakataya—pati na rin ang buhay nilang mag-ina. Sa kabila ng galit at sakit, napilitan siyang tanggapin ang proteksyon ni Axel. Pero paano kung sa bawat araw na kasama niya ito, unti-unting mabura ang poot at bumalik ang damdaming pilit niyang nilabanan? Lalo na nang matuklasan niyang hindi pala siya kailanman iniwan nito—sa lihim na paraan, Axel had been protecting her all along. Ngunit bago pa niya mas maunawaan ang lahat, isang trahedya ang muling yumanig sa buhay niya—isang pagkakamali, isang maling akala, at isang pagdukot na naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. At sa gitna ng panganib, nakita niya ang isang Axel na handang isakripisyo ang lahat, kahit ang sariling buhay, para mailigtas siya. Ngayon, hawak niya ang pinakamahalagang tanong—bibitawan ba niya ulit ang lalaking hindi kailanman bumitaw sa kanya? Sa isang mundo ng lihim, galit, at pagsubok, kaya pa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na minsan nang nawala? O masyado nang huli ang lahat?
Romance
442 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Minsan, Madalas (Life Series 1)

Minsan, Madalas (Life Series 1)

Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Romance
10363 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Sweetest Mistake

The Billionaire's Sweetest Mistake

Si Brian Fuentes ay isang gwapo, matipuno subalit Aroganteng Bilyonaryo. Magandang posisyon, kayamanang hinahangad ng karamihan, maganda at mabait na kasintahan.. Lahat na yata ay mayroon s'ya na talagang kaiinggitan ng sino man. Subalit paano kung isang araw ay may magtangka sa kanyang buhay at maging dahilan ito ng pagkalimot n'ya sa kanyang alaala at mapunta s'ya sa lugar kung saan ay mayroon siyang bagong pag-ibig na makikilala? Tuluyan ba n'yang yayakapin ang bagong pag-ibig na umusbong sa puso n'ya o babalik s'ya sa buhay at pag-ibig na naranasan n'ya noong una?
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
Romance
9.722.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Love by Mission (The Billionaire's Spy)

Love by Mission (The Billionaire's Spy)

Lumaki sa bahay ampunan at nilinlang ng taong kumupkop sa kanya para sa isang illegal na prostitusyon. Ganyan mailalarawan ang masalimoot na buhay at karanasan ni Emeryn Del Rosario. Sa pag-aakalang wala ng direksyon ang kanyang buhay, nakilala niya ang babaeng sumagip sa kanya. Ang nag-aruga, nagpaaral at nag-ahon sa kanya sa putikang kinasasadlakan. Ngunit kapalit ng kanyang marangyang buhay ay ang isang misyon na kailangan niyang maisakatuparan. Yun ay ang paibigin at wasakin ang gwapong bilyonaryo ngunit mabangis na si Dreymon Velmonte. Inalay maging ang kanyang katawan. Naging sex slave si Emeryn makuha lamang ang loob at puso ng binata. Ngunit kung kailan napagtagumpayan ang kanyang misyon ay saka niya naman natagpuan ang sariling umiibig na ng labis sa binata. Pero walang sekreto ang hindi nabubunyag. At nang malaman ni Dreymon ang pinakatinatago niyang lihim ay labis siyang kinasusuklaman nito. And he planned to punish her for a lifetime. "Marry me or I'll kill you!" Madilim ang anyo nitong alok sa kanya.
Romance
1016.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Romance
1074.9K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (17)
Read
Idagdag sa library
MysterRyght
Hi po. Sobrang salamat po sa pagsubaybay sa story nila Salvatore at Angel. Kila Gracie, Irene Wong at Vanessa na nagregalo ng coins thank you so much po. Pati na rin sa mga nagbigay ng gems. Sobrang grateful po ako sa inyong generosity kaya sana po ay pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Erichine Asuncion
nakakaworry na nawala xa ng malay,bka yung ama ni victor ang nasa likod niyan...pero mas gusto ko mgpkapositive na nahilo lang sia kc buntis ulit sia and this time twin boys naman hahaha taz gud samaritan yung driver dinala sia sa hospital
Basahin ang Lahat ng Review
Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
Romance
9.912.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marilyn and the Seven Monroe

Marilyn and the Seven Monroe

Hindi inaasahan ni Marilyn na makikilala niya sa probinsya ng San Lorenzo ang pitong magkakapatid na Monroe na silang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, puso, at isipan.
Romance
8.29.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Owned You

Owned You

Hindi inakala ni Sapphira na mag-mamahal ito ng lalaking higit pa sa buhay niya, mamahalin ba siya nito ng lubos o paglalaruan lamang ang marupok na puso nito.
Romance
1045.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Mafia Who Became Her Nightmare

The Billionaire Mafia Who Became Her Nightmare

“I thought he was the dream I had been waiting for, but he turned out to be the nightmare that would haunt my entire life.” Oprah Rizario has everything she wants; a mansion, a lot of money and luxury life. Swerte siya sa buhay ngunit sa kabila nito ay hindi na niya kapiling pa ang kaniyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na darating sa kaniyang buhay si Garrett Rhoden na nagtatrabaho sa underground business. Nais din nitong paghigantihan ang natitirang Rizario dahil sa pagkawala ng kaniyang ama. Sa kabila ng galit at poot ay hindi inaasahan na ang pagtatagpo nila ay magdudulot din ng hindi inaasahang pangyayari. Tuluyan bang maglalaho ang paghihinagpis at galit ng mga ito?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3839404142
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status