Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

Nakipagpustahan si Devin sa kaniyang ina na hangga't si Renz Dylan Hidalgo ang tinitibok ng kaniyang puso, mapapaibig niya rin ito. Nalaman niya na ang tipo ni Renz sa babae ay masunurin at mahinhing babae, kaya’t nagpanggap siya bilang isang mahirap na dalaga upang mapalapit dito. Ngunit, sa tatlong taon na magkasama sila mas pinili pa rin ni Renz ang una nitong pag-ibig na si Xylarie Ruiz, at sa pagkakataong ‘yon ay nabigo si Devin, hindi lamang sa pag-ibig pati na rin sa pustahan nila ng kaniyang ina. “Devinyza Kaleigh Hermosa, natalo ka. Pagkatapos ng tatlong taon, hindi pa rin nagkakagusto si Renz Dylan Hidalgo sa iyo. Ayon sa mga patakaran, dapat kang bumalik sa ating pamilya at gampanan ang iyong mga responsibilidad.” —Madame Editha. Subalit, bago pa man siya makauwi sa kaniyang pamilya na papasan ng mabigat na resposibilidad bilang tagapag-mana, isang mainit na gabi ang pinagsalohan nila ng isang estranghero, na maituturing niya na huling pagpapakasasa bilang malaya. Bilang tagapag-mana, kailangan niyang magpakasal. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ay ang binatang pinakamayaman na si Alexius Lander “Aslan” Montellano? Tatangapin ba ni Alexius Lander Montellano ang alok ni Devinyza Kaleigh Hermosa na kasal?
Romance
8.91.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Twin sister's Groom (Filipino)

My Twin sister's Groom (Filipino)

Kitty Meyaw
Si Sabrina ay may kakambal ito ay si Sabria. magkamukha, magkahawig at magkasing katawan. Makikita ang pagkakaiba nila ay sa kanilang mga mata kapag tinitigan mo ito ng mabuti, at isa lang ang mas nakakakilala sa kanilang dalawa ay walang iba kundi ang kanilang ina, parehong maganda, mabait, pero mas matalino si Sabrina kumpara sa kanyang kambal. Kilalang mayaman ang kanilang pamilya sa kanilang lugar dahil sa negosyante ang kanyang ama at dating beauty queen naman ang kanyang ina nong kabataan nito. Nagkaroon ng ultimate crush si Sabrina at sa katagalan na realize nya na first love nya na ito, dahil never sya nagka boyfriend, meron man nagtangka manligaw sa kanya pero di nya ito pinagtutuunan pansin. Hanggang sa nagkaproblema ang kumpanya ng kanilang pamilya at ang tanging solusyon ay arranged marriage. kailangan pakasalan ng kanyang twin sister ang anak ng kumpare ng kanyang ama. Pero nagkaroon ng problema dahil sa nabuntis ang kambal nya, naki usap ito sa kanya na makipagpalitan sa araw ng kasal dahil hindi naman raw sila mapapansin dahil magkahawig sila. Sa araw ng kasal nakipagpalit nga si sabrina sakanya kambal at doon nya lang nakita na ang lalaki sa kanyang harapan at pakakasalan ay ang kanyang first love.
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Chasing Solace

Chasing Solace

[Salfuego Girl's Series #1] Pamela Salmonte is the breadwinner of her family. Siya rin ang pangunahing provider, lalo na sa mga kapatid niyang nag-aaral at sa kanilang ina na may sakit. Swerte siyang nakapasok sa isang malaki at kilalang hotel, ang Salfuego Palace, kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo. Siya ang tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng pamilya, kahit na hindi niya mabili ang mga bagay na kailangan niya para sa sarili. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad, may boyfriend siya, isang Japanese na si Albie Yuan Hiroshi. Masaya na siya kahit paano dahil sa pagkakaroon ng isang understanding na boyfriend na laging nasa tabi niya. Pero mali ang akala niya, dahil ang inaasahan niyang marespeto at gentleman ay kabaligtaran pala sa tunay na ugali nito. Nang malaman niya ang totoo, she breaks up with him right away. In the middle of her heartbreak, she crosses paths with the hotel owner, Drevin Onyx Salfuego. Habang nakakasama niya si Onyx, hindi inaasahan ni Pamela na mapapalagayan niya ito ng loob. Sa kabila ng mga sakit at pagtitiis niya sa pamilya, tila nakahanap siya ng totoong tahanan, sa mismong tabi ni Onyx. But she didn't know, being with Onyx would bring her even more heartaches.
Romance
10852 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
10605 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Deadly Love

His Deadly Love

MadamWriting_28
Gwenneth is a woman from Davao who only wanted to make a living in Manila. Kahit nangangapa sa buhay ay pinipilit niyang mabuhay para sa naiwang pamilya na umaasa. Sa hindi inaasahang pangyayari, makikilala niya ang lalaking magpapabago sa tahimik niyang buhay. Sa kanilang pagsasama, malalaman niya ang tunay niyang pagkatao at ang mga sikreto na mas lalong magpapagulo sa kanyang isipan. Kaya nga ba niyang tanggapin ang taong kailanman ay hindi niya minahal mula pa noon? Kaya bang magbago ang tinitibok ng kanyang puso?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)

CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)

Katanaya Sandoval ang nag iisang tagapagmana ng pamilya Sandoval. Pamilyang kinatatakutan ng marami dahil sila ang kanang kamay ng Reyna. Ngunit ang lahat ay nagbago nang mamatay ang kaniyang magulang at mapadpad sa Low Town kung saan lahat nang nakatira doon ay mahihina at patapon. Ano kaya ang magiging reaction nila kapag nalaman nilang nabubuhay pa ang kaisa-isang Sandoval at sasali sa survival game na Code:Hero. Will she be able to find the Code or she will be killed inside the Game? Let's find out.
Fantasy
9.958.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Hidden Marriage: Billionaire's Despised Wife

Hidden Marriage: Billionaire's Despised Wife

Persephona
Si Santana Rios ay isang mabagsik na negosyante at heredera ng dating business mogul na nabibilang sa Mort Sorority — isang samahan ng mga maimpluwensya at makapangyarihang babae sa bansa. Nais niyang mamuno sa sororidad na iyon para mapalawak ang kaniyang impluwensiya. Walang pagsidlan ang galit niya nang malamang may relasyon ang kaniyang kakompetensya sa kaniyang asawa na si Gringo Monasterio, isang bilyonaryong business tycoon na mayroong madilim na sekreto. Mas umalab ang kaniyang pagkapoot nang gusto ipa-annul ang kanilang kasal. Wala siyang magawa kung hindi ang bumalik sa Casa Monasterio para parusahan ang asawa at sinumang pinapahalagahan nito. Papayag lamang siyang magpa-annul kung papayag ito sa kaniyang kondisyon. Papayag kaya si Gringo Monasterio sa kondisyon ng asawa na nais din nitong parusahan? "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking pag-aabanduna. Sisiguraduhin konh hindi ka na makakaalis ng mansyong ito."
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Siya’y isang mahirap na babaeng lumaking nakadepende ang kanyang buhay sa iba. Napilitang maging isang panakipbutas sa krimen at piniling ipagpalit ang kalayaan na nagresulta sa kanyang pagkabuntis. Siya naman ay ang pinakatanyag na binata na sagana sa kayaman at kapangyarihan. Kumbinsido siyang isa siyang anak ng kasamaan na napalilibutan ng kasakiman at panlilinlang. Hindi siya nito magawang mapainit kaya naman mas pinili niyang umalis sa tabi nito. Galit na galit niyang sinumpa na gagawin niya ang lahat upang mahanap siya saan mang lupalop ng mundo ito naroon. Alam ng buong lungsod ang kanyang kapalarang tila mauupos sa ilang milyong piraso. Nagmamakaawa niyang tinanong, “Umalis ako sa relasyong ito nang walang kinuhang kahit ano, bakit hindi mo pa ako pakawalan?” Sinagot sya nito na may pagmamalaki, “Ninakaw mo ang puso ko at iniluwal ang aking anak, ngayon pipiliin mong umalis?”
Romance
9.8286.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Canary

The Billionaire's Canary

WARNING: RATED SPG! Sa loob ng limang mahabang taon, para akong kanaryo na nakakulong sa isang hawla na inaalagaan, pinalamutian, o ginagamit lamang sa kanyang kapritso. My existence revolved around being fed, dressed up, and trotted out when he desired my company. Life with a billionaire bachelor had its perks, and though I often likened myself to a slave, I harbored no complaints as long as the money flowed freely. Yet, as the years passed, the weight of my imprisonment grew heavier, each golden moment tinged with the bittersweet taste of longing. But the saga of my confinement finally reached its conclusion. Bumalik ang kanyang pag-ibig, at sa hindi inaasahang pag-ikot ng kapalaran, pinalaya niya ako para pakasalan ang babaeng mahal niya. Gayunpaman, nang magsimula akong umalis, isang hindi inaasahang bigat ang bumalot sa aking kalooban. Ito ba ay ang pagkawala ng pinansyal na seguridad na nakasanayan ko na, o ako, marahil, ay nahulog nang lubusan sa kanya?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nalunod Ako Dahil Nabulunan ng Tubig sa Pool ang Hipag Ko

Nalunod Ako Dahil Nabulunan ng Tubig sa Pool ang Hipag Ko

Halos muntik lang naman malunod habang lumalangoy ang kapatid ni Hadden, at para diyan, itinulak niya ako sa pool pagkatapos itali. Iniwan niya lang ako ng maliit na butas para sa hangin na may sukat na isang pulgada. Sinabi niya na pagbabayaran ko ang lahat ng doble para sa bawat pagdurusang dinanas ni Julia. Hindi ako marunong lumangoy. Wala akong magawa kundi subukan ang aking buong makakaya habang umiyak ako at pinakiusapan siya na pakawalan ako. Pero ang natanggap ko lang ay leksyon. “Hindi ka matututo kung hindi kita tuturuan ng leksyon ngayon.” Nagpumiglas ako para manatiling nakalutang, pero… Inabot ng limang araw bago naglaho ang galit ni Hadden at itinigil niya na ang pagdurusa ko, pero huli na ang lahat. “Pakakawalan kita sa pagkakataong ito, pero huwag mo nang uulitin ang parehong pagkakamali!” Namatay na ako sa pagkalunod.
Maikling Kwento · Romance
1.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status