Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire

Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire

Nagtaksil sa akin ang taong pinili kong mahalin—ang aking asawa—at ang matalik kong kaibigan. Sinasabi ng lahat, ngunit nagbulag-bulagan ako. Pinili kong manahimik at maniwala sa kasinungalingan. Ang katigasan ng ulo kong iyon ang naging kapalit ng aking buhay. At sa huli, inangkin nila ang lahat ng aking pinaghirapan at iniwan. Ngunit hindi doon nagtapos ang aking kwento. Binigyan ako ng tadhana ng panibagong buhay—isang pagkakataong wala na ang dating saya, ngunit puno ng iisang layunin: paghihiganti. Sa bagong buhay na ito, mas pinili kong lapitan ang kanyang pinsan—isang ruthless businessman. Mas pinili kong danasin kung ano man ang bago kong kapalaran sa kamay ng kanyang pinsan na iniiwasan niyang maging katunggali sa anumang bagay. "What are you doing with my condoms?" "Bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mong makisama sa akin sa iisang kwarto? Saka pwede ba, magdamit ka!" “It’s my room, so I can do whatever I want. I’ll sleep without clothes, I’ll walk around however I like… and if you happen to look at my body, I won’t stop you. After all…I'm your husband.”
Romance
729 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Sweet Psycho

The Billionaire's Sweet Psycho

Therese Catalina doesn't do one-night stands. But everything changed when she met Luther Rico Valleje, her best friend's brother-in-law! Will their relationship really end after just one passionate night, or will they keep wanting more? --- "Hmmm..." Ohh... goodness! Sa lalim ng halik ay hindi ako makasunod. Hinihila rin niya ako palapit sa kaniya. Nang hindi siya makuntento sa lapit namin sa isa't-isa ay binuhat niya ako at iniupo sa kaniyang kandungan. We were kissing wildly. He was suckng my tongue. Ang kaniyang mga kamay ay gumapang sa aking likuran. "O-Ohh my gosh..." Napaliyad ako nang bumaba ang mga labi niya sa aking leeg. Para ba siyang nanggigil sa akin dahil sa paghalik na ginagawa niya sa parteng iyon. Nang maramdaman ko na ibinibaba niya ang zipper ng gown ko sa likod ay pinigilan ko ang kaniyang kamay. "W-Wait..." Therese Catalina you don't fckng do one night stands! "S-Sa bahay ko... d-doon natin ituloy." His face became dark. Hindi siya nagsalita dahil muli niyang sinakop ang mga labi ko. His right hand was on my nape. Umaakyat hanggang sa aking buhok habang ang isa niyang kamay ay nasa aking likod. Itinutulak pa ako palapit sa kaniya kahit sobrang lapit na namin sa isa't-isa. Nang humiwalay siya sa akin ay maayos niya akong ibinalik sa aking upuan. He was also the one who put my seatbelt on. "Give me the address."
Romance
9.896.7K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (37)
Read
Idagdag sa library
El Ca Rim
TBSP — a worth to read story ... Another story that will surely rock our emotions just like the others. Puro kakulitan at katatawanan na magpapakilig at magpapa-inlove na naman sa karamihan pero tunay na kapupulutan ng aral. Isa na naman pong kwento ni Miss Pennieee ang ating susubaybayan! ...
Pennieee
Maraming mature content ang kwento ni Thes at Luther. If umay na po sa mga spg skip na lang po ang story ha sayang ang coins. May mga terms rin na maaaring hindi magustuhan. Kaya po may warning na. Hehe. Masyadong bulgar ang ibang mga salita kaya if di po ninyo gusto ang ganito story, skip nalng po.
Basahin ang Lahat ng Review
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1028.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaires Regretted Fury

The Billionaires Regretted Fury

Ahhhhh...... Tama na Luther maawa ka, maawa ka sa magiging anak natin... Umiiyak na pagmamakaawa ni Abby ng maramdaman niya na tumama sa likod niya ang latigo na inihampas sa kanya ng kanyang asawa na si Luther. Puro pasa na din ang aking mukha at katawan sa walang tigil na pananakit nito sa akin. Sobrang sakit nito at pakiramdam ko matatanggal pati balat ko tuwing hinahampas sa akin ang latigo na gamit nito. Nakadapa ako sa lapag habang walang tigil sa pananakit sa akin si Luther. May mga bakas na din ng dugo sa sahig na nanggaling sa akin. "Your Slut Abby... Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Alam mong ayaw ko sa lahat ang niloloko ako. Sigaw ni Luther sa akin sabay hawak sa aking mukha ng mariin at sinampal ako. Halos mabagok ang ulo ko sa sahig sa lakas ng impact nito. Nandito kami sa basement ng mansion. Alam kong walang makakarinig sa akin kahit na ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong. Parang mga bingi ang mga tauhan ni Luther sa pagmamakaawa ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kong ilang suntok, sampal, at latigo ang tumama sa aking katawan. Siguro kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang ako. Marahan kong kinapa ang aking tiyan. "Sorry anak, hindi kita magawang ipagtanggol. Siguro hanggang dito na lang tayo. Pangako mamahalin kita sa kabilang buhay." anas ko sabay pikit.
Romance
10120.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Bulag na Masahista

Bulag na Masahista

Noong pandemic, para kumita ng mas malaking pera para magbayad ng bills, bumalik ako sa aking dating part-time na trabaho bilang bulag na masahista. Subalit, hindi ko inasahan na sa top floor ng office building, merong tagong special service na inaalok. Ang unang customer ko ng pumunta ako sa top floor para magtrabaho ay ang magandang CEO sa aking full-time na trabaho, si Rosaline Dunne. Humiling siya ng espesyal na masahe mula sa akin…
Maikling Kwento · Kilig
3.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Deepest, Darkest Secret!

My Deepest, Darkest Secret!

MY DEEPEST DARKEST SECRET! Can I, who had been broken from a traumatic past can still be accepted for who I am? Ako si George, tomboy kung kumilos pero babaeng babae deep inside. Isang malungkot, karimarimarim at di malilimutang karanasan ang nangyari sa akin na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Nirape ako noong edad 18 ng isang lalaking hindi ko kilala.. I am the wrong person, at the wrong place and at the wrong time! Subalit mapaglaro ang tadhana, namasukan ako bilang isang ordinarong empleado at lihim na umibig ako sa aking boss na siyang may-ari ng kumpanya. Kung saka-sakalit tugunin niya ang aking pag-ibig, ipagtatapat ko ba sa kanya ang aking nakaraan? Tatangapin kaya niya ako sa pagiging isang segunda manong babae? If two people were destined for each other, will fate bring us back together? O tatanda na lang akong dalaga?
Romance
2.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Falling for My Ex's Uncle

Falling for My Ex's Uncle

Viviene's peaceful morning walk was ruined when a speeding black car splashes muddy water all over her. I glared at the back of the car while cursing it on my mind. Hindi man lang huminto ang sasakyan! Nagpatuloy lang ito. I quickly memorized it's plate number. Naiinis kong pinunasan ang t-shirt na nadumihan dahil sa nangyari. My peaceful morning was ruined because of that car! Just wait! I'll ruin you! Inis akong umuwi ng bahay. I walked slowly when I saw the car from earlier. It was parked in front of our house! I smirked. Makakabawi na rin ako sa wakas. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid hanggang sa may nahagip akong putik sa may gilid. "Kung sinuswerte ka nga naman" saad ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa putik. I winced in disgust while scooping the mud. Agad kong pinunas sa sasakyan ang mga kinuha kong putik. I made sure na malalagyan ko ang harap. Pansin ko ang pagtingin ng mga taong napapadaan pero pinabayaan ko lang sila. I walked inside our house, only to find my brother's friend—Devin Raleigh Carter, the owner of the car that splashed mud all over my shirt.
Romance
771 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1025.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY COLD HUSBAND

MY COLD HUSBAND

Jolinabl0913
magkakaroon kaya ng second chance ang dalawang nagmamahalan??? sana po ay subaybayan niyo po ang aking sinulat para sainyo. maraming salamat po
Romance
108.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status