Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Hot Night With The Billionaire

One Hot Night With The Billionaire

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
Romance
1014.6K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1016.2K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1015.8K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
My Billionaire Daddy

My Billionaire Daddy

Matapos ma-frame ng kanyang boyfriend at matalik na kaibigan, si Jennica ay nagpalipas ng gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Lubusan siyang nag-enjoy sa hindi inaasahang pagkikita, ngunit nang magising siya kinaumagahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa kanyang ginawa. Ang lahat ng kanyang kasalanan, gayunpaman, ay nahugasan nang makita niya ang mukha ng lalaki na nakahiga sa kanyang tabi. “He’s... handsome,” bulong niya, napanganga sa nakikita. Ang kanyang pagkakasala ay mabilis na napalitan ng kahihiyan, at ito ang nagtulak sa kanya na iwanan ang lalaki ng kaunting pera bago siya umalis. Nagulat si Darf. ‘Ang babaeng sinubukang bayaran ako? Parang baliw?’ naisip niya, na-offend. "Tanungin mo ang manager ng hotel para sa CCTV record," maawtoridad na utos niya sa kanyang assistant, na kumunot ang kanyang mga kilay. May determinadong ekspresyon sa mukha niya. "Gusto kong malaman kung sino ang nasa kwarto ko kagabi." ‘At kapag nahanap ko na ang babaeng iyon, tuturuan ko siya ng leksyon!’ Saan kaya pupunta ang kanilang kuwento?
Romance
8.715.2K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
A Drink With You

A Drink With You

"I didn't plan on falling in love with someone else." 'Yan ang salitang hinding-hindi makakalimutan ni Gilliane dahil sa isang pangyayaring nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso. Pagkatapos siyang takbuhan ng lalaking mapapangasawa niya sana sa araw ng kanilang kasal, sa harap ng altar at napakaraming tao. Nang nangyari 'yon ay doon niya natutunan na walang kasiguraduhan ang anumang bagay sa mundo. That true love is not measured by how long you are together because in the end, it all just doesn't matter when the person you love the most gave up and find another woman and leave you before your eyes. Pagkatapos ng lahat nang delubyong nangyari sa kasal niya ay napilitan siyang sumama sa matalik na kaibigan pabalik ng Pilipinas para paghilumin ang sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi and her bestfriend was aftraid she would self-destruct. Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Gilliane ang isang napakaguwapong lalaki. They even talk without giving each others name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Nakailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana. Pero dahil sariwa pa kay Gilliane ang nangyaring pang-iiwan sa kanya ng kanyang long-time boyfriend, ayaw niya munang mapaugnay sa kahit na sino mang lalaki. She stopped going in the bars and chose to stay at home. Ngunit waring talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Sebastian Villaraza, isang mahusay na surgeon sa bagong ospital na pagtatrabahuhan ni Gillian. A Ano kaya ang nais ipahiwatig sa kanya ng tadhana sa kanilang muling pagkikita ng napakaguwapong surgeon na ito?
Romance
1016.6K VuesCompleted
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
My Playboy Boss

My Playboy Boss

Miss A. Sweet Love
30 years old Aia Cerez works for almost 9 years as secretary of a playboy CEO. Ang amo nya ay isang dominanteng palikero na lahat na lang yata ng babaeng lalapit dito at magpapakita ng motibo ay papatulan nito. Sino ba namang hindi mahuhulog sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ng isang Dark Oxford? Lahat ng babae ay napapatanga sa tuwing makaka harap siya. Makalaglag panty ang taglay nyang karisma na tanging si Aia lang yata ang hindi tinatablan. Sya lang ang bukod tanging babae na hindi nito nakakitaan ng interes sakanya kaya naman magkasundong magkasundo sila. Aia is already thirty years old Kaya naman pressured na pressured na rin siya sa kanyang lola na gustong gusto na syang magka asawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya pa rin makita ang lalaking magpapa interes sakanya. Masyado syang pihikan sa lalaki. Dahil walang mapisil na magiging karelasyon ay naisipan nya na lang magpa buntis. Tama! Hindi nya kailangan ng lalaki sa buhay nya kung sakit ng ulo lang ang ibibigay sakanya in the near future Kaya naisipan nyang mag punta sa isang bar. Dala ng kalasingan ay nagawa nyang makipag kilala sa isang lalaki at ayain itong makipag talikod sakanya. Kinaumagahan pag mulat nya ng mata ay ang Boss nya ang nakita nyang katabi nya sa kama. Pero paanong ito ang nakaniig nya gayong kahit lasing sya ay alam nyang hindi ito ang huling kausap nya? Paano nya haharapin ang Boss nyang babaero matapos ang nangyari sakanila?
Romance
1016.2K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back

CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back

“Maximo Guevarra, maghiwalay na tayo,” malamig niyang sabi sa asawa. “At sino naman ang nagbigay sa 'yo ng karapatan na sabihin 'yan, Mrs. Luciana Mendoza-Guevarra? Tandaan mo, akin ka at walang ibang aangkin sa 'yo kaya hindi ako papayag!” **** Si Luciana Mendoza ay dalawang taon ng kasal sa CEO na si Maximo Guevarra. Halos dalawang taon din siyang nagtiis sa malamig nitong pakikitungo sa kanya at paulit-ulit na pinapamukhang pinakasalan lamang siya dahil wala na itong ibang magagawa. Ngunit, hindi iyon nagpatinag sa kanya at pilit na kinukuha ang puso ng asawa hanggang sa napagod na siya lalo na nang magbalik ang dating minahal nito at nagdadalantao sa kanilang anak. Hangad na niyang makipaghiwalay ngunit, nang wakasan na niya ang kanilang relasyon ay bigla naman siyang pinigilan ni Maximo. Laking gulat na lamang niya na biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Hindi na ito ang dating walang pakialam at ngayon, siya naman ang hinabol-habol nito pagkatapos niya itong sukuan at nang paligiran siya ng maraming lalaki matapos siyang sumikat sa kanyang mga disenyo. Sa pamamagitan ng pagkuha ni Maximo sa kanyang malamig na puso, at walang tigil na pagsuyo, magagawa kaya ni Luciana na magtiwalang muli? O sapat na sa kanya ang dalawang taon na sugat na natamo niya sa mga kamay nito…
Romance
1015.5K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Wild Flowers (Tagalog)

Wild Flowers (Tagalog)

Taglish story. Si Marisse Dela Fuente ay naninirahan sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. mahal na mahal sya ng lahat dahil sa angking kagandahan at kabaitan kaya naman ay inggit na inggit sa kaniya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vanessa. Dahil rito, nagawang agawin ni Vanessa ang nobyo ni Marisse, pinahirapan nito si Marisse na maging miserable ang buhay. Nakipagsabwatan sya sa mga taong may balak na masama kay Marisse para sa pera. Sa pagkawala ni Marisse, ilang taon ang lumipas ay may babaeng mayaman na basta na lamang nakilala. Siya si Ivy. Ngunit, may kinalaman ba itong taong ito kay Marisse? sino nga ba siya?
Romance
1014.0K VuesCompleted
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
LIVING WITH THE DEVIL : ignite

LIVING WITH THE DEVIL : ignite

Asia July
Lucius Denovan loves game. And Alicia Lucero happen to be his only game that he loves to play. *** Saat Alicia berusia sembilan tahun, orang tuanya pergi dan dia dititipkan kepada pamannya. Namun, pamannya adalah seorang pria gila harta yang kemudian menjual Alicia pada seorang pria bermata merah kelam itu. Alicia kemudian diasingkan ke sebuah desa. Sampai usianya menginjak angka delapan belas, pria itu datang menjemputnya. Dan dia adalah manusia terkejam yang pernah Alicia temui. Pria itu menyukai sensasi ketika permainannya melukai Alicia. Dia tersenyum ketika melihat Alicia menangis. Dan tertawa ketika Alicia menjerit sakit. Namun, Alicia tidak pernah sekalipun merasa bahwa dirinya harus pergi dari jerat pria itu. Karena Alicia tahu sesuatu yang Lucius tidak ketahui. *** 2020 by Asia July Cover illustration by Asia July (@layaciart)
Romansa
1011.0K VuesCompleted
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife

The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife

Matapos ang tatlong taong paghihirap ni Cassandra Andrada bilang asawa ng isang CEO na nag-ngangalang Dylan Almendras, ay tuluyan nang natuldukan ang kaninang pagsasama. Nauwi sa pirmahan ng divorce paper at pagkamuhi sa isa’t-isa ang dalawa. Hindi makita ni Dylan ang halaga ng babae sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Habang si Cassandra naman ay tuluyan nang naniwala na kung sino man ang gustong pakasalan pa siya ay nasisirain na ng ulo. Itinuon din nito ang kaniyang atensyon bilang isang magaling abogado sa bansa— na iilan lamang ay may alam. Ngunit hindi rin nag tagal ay dumating rin sa pagkakataon na nanaisin muli ni Dylan na mabawi ang asawa. Gagawin niya ang lahat upang pumayag ulit itong pakasalan siya kahit pa umabot sa puntong naghahabol na siya rito. Subalit ang matigas at determinadong si Cassandra ay ayaw ng magpadala sa kahit anong mga sinasabi at mga ipinapangako ng lalake. Patuloy niyang tinataboy si Dylan sa kabilang ng lahat ng pagmamakaawa nito. Tuluyan kayang mababawi ni Dylan si Cassandra kahit lingid sa kaalaman nito na ang asawang kaniyang hiniwalayan ay maraming tinatago tungkol sa kaniyang pagkatao?
Romance
9.514.8K VuesOngoing
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1
...
1718192021
...
50
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status