A Night With Mafia
Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik ka na dito?
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, dahil lang ba talaga kay Nathan kaya gusto ko na siyang pabalikin at gusto ng makita o baka naman kasi unti-unti na rin akong bumibigay sa kaniya. Ikaw ba naman na ligawan niya gabi-gabi na akala mo mga teenager pa kami, ikaw ba naman ang busugin niya ng mga matatamis niyang salita, ang action niyang mas mararamdaman mo kesa sa gawa niya. Sino bang hindi masasanay dun? He spoiled us kaya dapat lang na panindigan niya yun but where is he? Tatlong linggo na namin siyang hindi nakikita at nakakasama and yes, I miss him.