Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover
Lahat ay kayang gawin ni Chartlotte Fuentes, na kahit sariling katawan ay kaya n'yang ibenta, para lamang gumaling ang kanyang inang may sakit na leukemia.
Kasama na roon ang alok ni Alexaiver Martinez.
Nagkrus ang landas nila ni Alexaiver Martinez sa kinuha n'yang raket na stag party ng kaibigan ni Alexaiver na ikakasal. Inalok siya ng binata maging personal assistant at sa condo ni Alexaiver siya titira. Purely lust, no string attached. No love. Bawal din malaman ng ibang tao. Kahit magulang pa ng binata at magulang ni Chartlotte. In short, lihim na relasyon lamang ang gusto ng binata.
Subalit sa tagal nilang nagsama ni Alexaiver, hindi napigilan ni Chartlotte mahulog at umibig sa binata. Sino nga ba ang hindi maiinlove rito? Siya lang naman si Alexaiver Martinez, the elusive and most handsome in showbiz entertainment industry. Isa sa anak ng business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa sikat na TV station ng bansa. Kaya nagpasya si Chartlotte na iwanan ang binata kahit na ito ang magiging dahilan ng kabiguan niya.