Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1016.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Heather Academy: School of Fighters (Tagalog Ver.)

Heather Academy: School of Fighters (Tagalog Ver.)

Atacia Montreal, kilala bilang si Death, ay isang babaeng mayroong hindi pangkaraniwang buhay. Mas lalo pa itong gumulo ng pasukin niya ang ekswelahan na nagngangalang Heather Academy: School of Fighters kung saan pumapasok ang mga fighters at charmers. Siya at kaniyang kaibigan na si Cassie Santos ay pumasok sa paaralang ito upang maprotektahan ang kanilang sarili, pati narin ang mga Normans. Maraming pagsubok ang dumating sakaniya, at isa na doon ang Dark Queen. Hinahabol siya ng Dark Queen upang patayin. Nanatili siya sa paaralang ito upang mahasa at mapag-aralan ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng kaniyang charms. Dito ay nakabuo siya ng mga kaibigan ng hindi niya inaasahan. Dito ay nakabuo siya ng bagong pamilya. Nangako sila sa na poprotektahan ang isa't-isa. Nangako sila na walang iwanan, hanggang dulo ay sama samang haharapin ang mga pagsubok na darating.
Fantasy
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Pregnant After One Night Stand

Pregnant After One Night Stand

Si Xander Martin ay isang lalaking may reputasyon na dapat panatilihin. Gwapo siya, mayaman, bata, matalino at... Cassanova. Hindi lihim na mahilig siyang gumugol ng oras sa mga bayarang babae. Sa katunayan, alam ng buong bayan na hindi niya gustong matulog sa parehong babae nang dalawang beses. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sinasadyang nakipagtalik siya sa isang babae. Dahil sa pagkadismaya na hindi ang dalaga ang inaakala niyang upahang babae, inakusahan siya ni Xander na isang espiya na sadyang ipinadala ng kanyang karibal sa negosyo para sirain siya. So, totoo ba ang akusasyon? Nagtagumpay kaya si Xander sa paghahanap ng babae? Ang pinakamahalagang huling tanong, sino ba talaga ang babaeng iyon?
Romance
9.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Invisible Love of Billionaire

The Invisible Love of Billionaire

Gumuho ang pangarap ni Atasha nang makipaghiwalay sa kan'ya ang kan'yang nobyo at tanggapin nito ang isang arranged marriage. Dahil sa sobrang sama ng loob at kagustuhang makalimot ay sinunod niya ang payo ng kaibigan na makipag rebound-sex. Dala ng sobrang kalasingan hindi niya inaasahan na ang taong naka-rebound sex niya ay ang may-ari ng kumpanyang kan'yang pinagtatrabahuhan, and bilyonaryong si Colton Mijares. Colton Mijares have ever since set his eyes on that one girl, Atasha Andres. But things didn't go as planned, dahil nobya siya ng kan'yang step-brother. His power and wealth is nothing, dahil hindi maging kan'ya ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon tinulungan siya ng tadhana na makuha si Atasha. Pero laking pagkadismaya niya nang sabihin nitong isa lamang siyang "rebound sex”dahil sa nangyari sa relasyon nito at ng nobyo. Ang isang gabi ng rebound sex ay mag-uugnay sa kanila sa mas malalim na paraan. Ito kaya ang maging daan upang mahanap nila ang pag-ibig o paglayuin lamang sila nito.
Romance
1067.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Replacement

Love Replacement

Fochacy
Perlm Marie, the naughty girl. Ang babaeng ginamit at niloko ng kaniyang ex na si Andy pagkatapos nitong gumaling sa cancer. Gusto niya itong kalimutan, malas niya nga lang dahil napunta siya sa lalaking sarado ang puso. Ang lalaking ayaw kalimutan ang nakaraan, si Deon. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinasal ang dalawa, kinasal sila dahil sa kanilang mga rason. Perlm wants to forget Andy and to be independent. While Deon wants to fulfill his grandmother's dream and the university. Kaya bang palitan ng contractual marriage ang tunay nilang nararamdaman? Can someone's love be replaced with another love? And what if dumating ang kinatatakutan ng dalawa? Ang magbalik ang kanilang mga minamahal.
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Killed His Fiancee

Accidentally Killed His Fiancee

Gazella BubblykinBillionaireCEO
Callista Ystraella Bell is a victim of an accident frame up. Aksidente niyang nasagasaan ang isang kotse na may lulan na dalawang tao, ang driver at ang sakay nitong buntis. Kalaunan ay nalaman niyang ang babaeng namatay sa aksidente ay ang magiging asawa pala ng isang bilyonaryong nagngangalang Greyson Blast. Mapapatawad pa kaya siya nito? O gagamitan siya ng kamay na bakal at sariling batas upang mapanagot siya sa kasalanang nagawa. Maaari nga bang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng dalawa? Tara at tunghayan natin ang kwentong magpapatunay na mas mahalaga ang magpatawad at magpaubaya sa batas kaysa ilagay ito sa ating mga kamay.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving a Player

Loving a Player

Hindi akalain ni Dawn na muling magku-krus ang mga landas nila ni Art Nickolo Montez, ang lalaking tahasan siyang tinanggihan noong high school siya. Ang dahilan? Hindi raw sila bagay, dahil hindi siya kagandahan. Noon siya natutong mag-ayos at magpaganda. Ngunit habang umaangat ng isang baitang ang kagandahan niya ay tila tatlong baitang ang iniaangat ng kagwapuhan nito. At ngayong nagpapakita ito ng interes sa kanya, paano naman niya itong seseryosohin? Kung bukod sa may boyfriend siya at may kabi-kabila itong mga babaeng ikinakama, ay hindi nito ikinakaila kung ano lamang ang gusto nito sa kanya, ang matikman siya.
Romance
1015.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Aking Maria

Aking Maria

Liesta
Naniniwala si Pelipe na muli niyang makakapiling ang kaniyang minamahal, ang kaniyang nobya na si Maria pagkatapos nitong mamatay. Ngunit paano kung sa kanilang muling pagkikita ay hinde na sila magka-kilala at ang babaeng minahal niya sa nakaraan ay nag-iba na sa kasalukuyan. Sa nakaraan kung saan ang ala-ala ni Pelipe at ang mundo nila na nasa kasalukuyan. Paano nga ba nila haharapin ang katotohanan? muli nga ba nilang pagbibigyan ang pagmamahalan na naiwan sa nakaraan, o iiwasan nila na maulit ang masakit na kapalaran? Tunghayan ang kwento ng dalawang tao na pinaghiwalay ng nakaraan at muling pinagtagpo ng kasalukuyan.
History
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status