Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Blind Billionaire's Fake Girlfriend

The Blind Billionaire's Fake Girlfriend

Isang performer sa bar si Sienna—sumasayaw upang aliwin ang mga lalaki, ngunit hanggang doon lamang ang hangganan ng kanyang trabaho. Wala nang iba. Kontento na sana siya sa buhay na nakasanayan, hanggang sa isang gabi, bigla siyang dukutin ng mga lalaking hindi niya kilala at dalhin sa isang napakalaking mansyon. Doon niya makikilala si Red Montemayor—isang bilyonaryong malamig, dominante, at may lihim na kapansanan. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig at talas ng pananalita, nabulag si Red dahil sa isang aksidente. Inaalok niya si Sienna ng isang kakaibang trabaho: ang maging "pekeng girlfriend" niya. Ang lahat ng ito ay bahagi ng plano ni Red laban sa babaeng minsan niyang minahal—si Cassandra, ang ex-girlfriend na nagtaksil sa kanya. Ang sakit na idinulot ng pagtataksil ay nais niyang ipalasap pabalik, doble sa sakit na kanyang naranasan. Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at mga damdaming unti-unting nabubuo, masusubok ang puso nina Sienna at Red. Paano kung may biglang sumulpot pa na isang lalaki—magiging kakampi ba siya o magiging kaaway? Habang tumatagal ang pananatili ni Sienna sa piling ni Red, unti-unting mabubunyag ang mga sikreto na mas makakapanakit sa puso ng binata. Ang pekeng relasyon ba’y mauuwi sa totoong pag-ibig, o magiging tulay lamang ang isa upang magbalik ang dating pag-ibig?
407 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
1025.7K viewsCompletedAdded to Library 566 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!

My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!

Paano kung sa muling pagmulat mo ng mata, ay makikita mo ang boss mong sinasabi nilang mailap sa babae at nyebe kung makitungo ay hinahabol-habol ka na, at kung maka-bakod ay akala mo pag-aari ka!?. Paano kung sa muling pagmulat mo ng mata ay mare-realize mong ang pinaka-iningat-ingatan mong regalo para sa magiging asawa mo ay nakuha na ng nyebe mong boss!?. Siya si Naomi, ang sikat na fashion designer na nag ta-trabaho sa Sandoval Clothing. Linoko siya ng kanyang ex at pinagpalit siya sa best friend niya. Ilang taon durog ang puso ng dalaga at ilang taon rin siyang inantay ng lalaking matagal na siyang nagugustuhan. At kung gaano niya ka-disgusto ang boss niya sa opisina, ay kabaligtaran sa tuwing sila ay nasa kama.
1012.1K viewsOngoingAdded to Library 350 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

Isang piping manugang na walang silbi… 'yan si Pierre sa mata ng lahat. Ngunit nang malagay sa panganib ang kumpanya ng kaniyang magandang asawa na si Eleanor, ang itinuturing nilang basura ang siyang nagdala ng milagro. Sa isang pitik, nagbago ang ihip ng hangin. Paano haharapin ng pamilya Elizalde ang katotohanang ang lalaking tinapakan nila ay ang nag-iisang tagapagmana na luluhuran ng buong Ciudad de Oro?
96 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Owned by the billionaire heir ( series 3)

Owned by the billionaire heir ( series 3)

Owned by the Billionaire Chef *Synopsis* After a decade ng pagkakawatak-watak, unti-unting nagkakasundo ang pamilya sa likod ng **Velasquez Empire**. Akala nila sapat na ang panahon para ibaon ang nakaraan. Pero may mga katotohanang hindi namamatay — naghihintay lang ng tamang oras para bumalik. Para makabuo ng bagong legacy, nagdesisyon si **Arden Velasquez** na ipasa ang buong empire sa panganay niyang anak. Kay **Caspian Louis Velasquez** — ang Michelin-star chef na mas komportable sa init ng kusina kaysa sa lamig ng boardroom. Pero ang pagtanggap sa responsibilidad ay nangangahulugang pagpili sa pagitan ng pangako at passion. Sa pagitan ng apelyido niya… at ng pangarap niya. Sa gitna ng transition, makikilala niya si **Camille Vega** — isang calculated at fearless food critic na kayang magpatumba ng reputasyon gamit lang ang isang review. Matalim ang dila. Mas matalim ang isip. Unang pagkikita pa lang, banggaan na. Second meeting, mas personal na ang atake. Hanggang sa ang simpleng professional rivalry ay naging mainit na tensyon na hindi nila ma-control. Pero hindi lang basta critic si Camille. May koneksyon siya sa madilim na bahagi ng nakaraan ng Velasquez family — isang lihim na kayang gumiba sa bagong pundasyon na pilit binubuo ng pamilya. Kapag bumalik ang katotohanan, walang hindi masasaktan. At ngayon, kailangang pumili ni Caspian: Iligtas ang pamilyang nagbigay sa kanya ng pangalan? O ipaglaban ang babaeng maaaring maging dahilan ng pagbagsak nito? Dahil minsan, ang pinakamapanganib na kalaban ng isang legacy… ay ang pag-ibig na hindi mo kayang talikuran.
10217 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Becoming my Ex's Stepmother

Becoming my Ex's Stepmother

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ng aming bahay ay nakarinig ako ng tila may nalaglag sa loob ng silid ng aking ina. Sa pagkakaalam ko ay walang tao doon dahil nagbabantay ng hardware namin si Mommy kaya naman nagpunta ako don para i-check. Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng makita ang aking ina na nasa hindi kaaya-ayang posisyon kasama ang aking nobyo at parehong walang damit!
1034.1K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as bahagi ng mata
Read
+Library
THE HEIR THAT NEVER EXISTED

THE HEIR THAT NEVER EXISTED

Si Xavier Zander ay kilala bilang ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, at pinakamalamig na bilyonaryo sa buong bansa. Hawak niya ang halos lahat ng negosyo, lupain, at kumpanya. Takot sa kanya ang lahat at hinahangaan ng marami. Pero sa kabila ng lahat ng kanyang yaman, iisa lang ang kwento na alam ng publiko: Wala siyang tagapagmana. Sa lahat ng interview, balita, at magasin, laging tanong sa kanya kung sino ang magmamana ng kanyang bilyun-bilyong yaman kapag wala na siya. At laging iisa lang ang sagot ni Xavier—na wala siyang pamilya, wala siyang anak, at mag-isa lang siya sa mundong ito. Naniniwala ang lahat na masyado siyang matigas ang puso para magmahal at bumuo ng pamilya. Akala nila, ang kanyang imperyo ay mawawala rin pagkatapos niya. Pero ito ang malaking kasinungalingang itinago niya sa buong mundo. Dahil sa likod ng lahat ng kanyang kapangyarihan at karangyaan, sa isang liblib na mansyon sa pribadong isla na walang ibang nakakaalam, naroon si Liam. Ang kanyang anak. Ang kaisa-isang dugo at laman niya. Noong bata pa si Liam, napuno ng takot si Xavier. Alam niyang dahil sa sobrang yaman niya, marami siyang kaaway, mga taong handang pumatay at kumitil para lang makuha ang kanyang ari-arian. Kaya ginawa niya ang pinakamahirap na desisyon ng kanyang buhay—pinili niyang burahin ang pagkatao ng kanyang sariling anak. Wala siyang birth certificate. Walang pangalan sa anumang dokumento. Walang rekord sa ospital o gobyerno. Wala kahit isang litrato na makikita sa labas. Sa mata ng batas at lipunan, hindi kailanman naging totoo si Liam. Wala siya. Hindi siya umiral. Lumaki si Liam na alam lang na espesyal siya sa mata ng kanyang ama, pero hindi niya naiintindihan kung bakit kailangan niyang manatiling nakatago sa mata ng lahat.
86 viewsCompletedAdded to Library 1 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Naglalaro sila ng isang mapanganib na laro, naglilikot sa isang lugar kung saan madali silang mahuli ngunit sa tingin ko bahagi iyon ng kilig . Isang mainit na gulo. Isang mainit na boss. Isang napakaraming mainit na engkwentro na may pagnanasa na hindi mapaglabanan. Si Leslie ay parang walking ticking bomb hindi lang literal na "kapus-palad" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, ngunit iyon ang kuwento ng kanyang buhay. Pakiramdam niya lahat ng mahawakan niya ay biglang nagiging kalokohan. Lalo na pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa kanyang dating nobyo, lumipat siya sa studio na kanyang ibinahagi sa kanyang dating dahil sa panloloko na nangangahulugang bumalik siya sa bahay kasama ang kanyang teenager na parang mga magulang. Kaya naman kailangan niya ng bagong trabaho bilang personal assistant ni Damien Cameron Romano para makabangon muli. Ang tagapagtatag ng Boyce industries, Tatlong buwan sa trabahong ito at maaari na siyang lumipat at, sana ay magsimulang muli sa bagong tseke mula sa kanyang bagong trabaho. Sa papel, madali ang kanyang trabaho. Mag kape. Mag-book ng mga appointment. Panatilihing maayos ang lahat. Ngayon, wala na dahil hindi nagpapagaan ang kanyang amo sa kanyang seksing katawan at seksing mga mata. Imbes na tumutok sa trabaho niya ay walang tigil ang iniisip niya tungkol sa biglaang nakakapasong paso ng kanilang atraksyon sa isa't isa. Pero boss niya! Alam mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa paghahalo ng trabaho at kasiyahan: Hindi ito nagtatapos ng maayos.
109.3K viewsCompletedAdded to Library 251 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Boss ni Ate

Boss ni Ate

Isayahh
BABALA: Ang kwentong ito ay maaaring hindi pasok sa panlasa ng lahat. Nagkakaloob ang kwentong ito nang hindi maganda sa mata ng karamihan. Marami man ang may ayaw ngunit hindi iyon sapat para limitahan mo ang iyong pang-unawa. Xara Padel, ang babaeng madalas tinutokso dahil sa mala-anime nitong katawan, malaki ang hinaharap at puwetan, mahaba ang itim na itim na buhok, mapupungay na mga mata, makinis na balat, at malaanghel na mukha. Madalas niyang naririnig ang 'Yamate kudasai' na tokso sa kanya ngunit tikom lamang ang kanyang bibig at hindi na pinapatulan ang mga ito. Sa likod ng maamo niyang mukha ay ang kuryusidad niya sa maka-mundong pagnanasa. Nagkamalay siyang nakikinig sa mga pinaggagawa ng Ate niya kasama ang kung sinong lalaki nito sa kwarto ngunit nagbago ang lahat nang matagpuan ang Boss ng Ate niya…
9.58.6K viewsOngoingAdded to Library 214 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Death Whisperer

Death Whisperer

Maja Rocha
MADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising -na handa na siyang gumising -mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano. Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot. Hanggang sa may nakapagbanggit sa kanya ng kinaroroonan niya. "Hindi ito langit. Hindi rin ito impyerno," sabi ng isang lalaking walang permanenteng pangalan, na kanyang "taga-bantay." Sunod nitong ipinaliwanag na patay na siya at binigyan siya ng bagong buhay sa bagong mundong ginagalawan niya.
106.8K viewsOngoingAdded to Library 204 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
PREV
1
...
1415161718
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status