Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan. Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama. Kanselado ang kasal. Tinakwil siya ng pamilya. At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon. Buntis siya… Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva. Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya? Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?
Romance
1079.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

MissBangs001
Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.
9.7103.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.869.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.884.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
TRAPPED BY A HOT PROFESSOR ( RODRIGUEZ SERIES 1)

TRAPPED BY A HOT PROFESSOR ( RODRIGUEZ SERIES 1)

Professor's Maid Triplets (Rodriguez Series 1) Arogante, masungit at strict na Professor si Jayson Rodriguez sa isang Academy. Para sa kanya hindi uso ang salitang awa lalo na pagdating sa kanyang mga estudyante. Chemmary Pelipa aka Che-Che. Isang babaeng galing sa mahirap na pamilya ngunit isa rin siyang babaeng palaban. Pagtitinda ng tilapia ang hanapbuhay ng kanilang pamilya. Nagkasakit ang kanyang ina kaya kinailangan niyang mamasukan bilang isang kusinera sa isang school canteen. Paano kapag magtagpo ang landas ng dalawang masungit? May pag-ibig kayang mabubuo?
Romance
1081.6K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (17)
Read
Idagdag sa library
CALLIEYAH JULY
Hi po ito po ang list ng mga COMPLETED STORIES ko. Baka gusto niyo po subukan. THANK YOU PO <3 1. My Secretary is a Single mom (COMPLETED) 2. Loving, Mr. Che (COMPLETED) 3. MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire (COMPLETED) 4. HIDING THE MIRACLE HEIRESS (COMPLETED) 5. Professor's Maid (COMPLETED)
Ms. IvyMadrama
Alam ko sa simula talaga higly reccomended na po siya sa mga readers. Dahil sa, talagang nakakakilig Po, Tawanan, at pinag-isipan po ng Author, kung paano papagandahin ang bawat senaryo sa bawat kabanata...️100% agree na ito ang basahin po n'yo, Salamat.
Basahin ang Lahat ng Review
Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Binayaran si Emerald upang paibigin at sirain ang engagement ni Lucian Monteverde sa kasintahan. Dala ng pangangailangan at lihim na pag-ibig sa binata ay pumayag siya. Matagumpay ang misyon ngunit naging kapalit ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Hindi siya nakahanda sa matinding galit at ganti ng bilyonaryong CEO. Pinakasalan siya nito at pinagmalupitan. Pinagbayaran niya ang lahat ng kasalanan hangang sa puntong tapusin niya ang sariling buhay. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Iba naman ang pagpaparusang ginawa ng asawa, naging possessive at obsessed ito sa kanya! Ayaw siya nitong pakawalan ngunit hindi siya babalik kailanman. Wala sa plano niyang ulitin ang katangahan. Gusto niyang mabuhay ng malaya at may kapayapaan ng isip. Ngunit bakit ayaw mapatid ang gahiblang tila sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa?
Romance
1090.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Romance
1071.6K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (16)
Read
Idagdag sa library
MysterRyght
Hi po. Sobrang salamat po sa pagsubaybay sa story nila Salvatore at Angel. Kila Gracie, Irene Wong at Vanessa na nagregalo ng coins thank you so much po. Pati na rin sa mga nagbigay ng gems. Sobrang grateful po ako sa inyong generosity kaya sana po ay pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Erichine Asuncion
nakakaworry na nawala xa ng malay,bka yung ama ni victor ang nasa likod niyan...pero mas gusto ko mgpkapositive na nahilo lang sia kc buntis ulit sia and this time twin boys naman hahaha taz gud samaritan yung driver dinala sia sa hospital
Basahin ang Lahat ng Review
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
Romance
9.667.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Possessive Bed Buddy

My Possessive Bed Buddy

COMPLETED. WARNING: Mature Contents! A game of hate that unexpectedly turns into a relationship — and ends with them in each other's bed, all because of a deal. *** "Dolling you comes with an exchange doll." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong humalinghing dahil sa pagdikit ng daliri n'ya sa gilid ng dibdib ko. He's teasing me. "W-What do you w-want," nauutal kong tanong sa kanya. "Be my partner in bed." W-What?!" "Come on. I'll make sure that boys will kneel before you and your beauty. Pennie will surely face her defeat against you," pahayag ni Wayde. Kung noon ay wala akong pakialam sa pangbu-bully at pagpapahiya sa akin ni Pennie dahil lang sa pagiging nerd at boring ko, ngayon ay gusto ko nang tumayo at patulan s'ya. Hindi ko na papalampasin pa ang mga pinaggagawa n'ya. Stealing my ex-boyfriend will be her last game. Partner in bed? Ibigsabihin lang nun ay kay Wayde rin ang bagsak ng virginity ko. Ang baklang 'to? Nasaan na ang sinabi ko kagabi na sa lalaking papakasalan ko lang mapupunta ang v-card ko? *** Wayde Jhon Johnsons. The gay guy who loves calling me doll — no, voodoo doll. My bully. My nightmare wrapped in sarcasm and smug grins. After years of hating him, I never thought I’d be the one asking for his help. But nothing comes for free. And in exchange... I became his partner. In bed.
Romance
9.9113.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
Romance
1068.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status