Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Running Away from the Villainous CEO

Running Away from the Villainous CEO

Akala ni Ellaine ay katapusan na niya nang mabangga ng isang malaking truck ang sinasakyan niyang kotse. Laking-gulat na lamang niya nang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang madilim na siyang kuwarto... sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Akala rin niya ay iyon na ang pinaka-wild na nangyari sa kanya pero hindi pa pala. Mas wild pa pala nang ma-realize niyang napunta siya sa loob ng romance novel na huli niyang nabasa bago siya namatay. Ang masaklap... ang kasalukuyan niyang katauhan ay hindi ang Female Lead, hindi rin ang kontrabidang babae, maski ang secondary character na bestfriend ng Female Lead ay hindi pa rin siya. Siya lang naman ay isang cannon fodder character na hindi man lang naabutan ang simula ng main plotline! May mas masaklap pa pala... ang lalaking nakaniig niya nang unang gabing napunta siya sa loob ng nobela ay walang iba kundi ang Main Villain– ang big boss ng mga big boss ng mga kontrabidang hadlang sa buhay ng Male at Female Lead! Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng malupit na Big Villain na iyon ang nangyari sa kanila? Sigurado siyang hindi na talaga siya aabutan ng pagsisimula ng main plotline kung mananatili siya kaya napagpasyahan na lang niyang tumakas at mangibang bansa. Wala nga lang sa mga plano niya ang sorpresang iniwan sa kanya ng unang gabing iyon.
Romance
5.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

Hindi lubos akalain ni Lyndsey na ang kaniyang asawa na si Ezekiel Hussein ay may ibang babae sa labas. Aksidente niyang nalaman na buntis ang kabit nito kaya napagdesisyon niyang hiwalayan na ang kaniyang asawa nang tuluyan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kaniyang kuya na isang abogado para ayusin ang kanilang divorce paper. Pero nang malaman ni Ezekiel na nakikipagkita ang kaniyang asawa sa ibang lalaki ay nagalit ito, ngunit hindi nagpatinag si Lyndsey. Desidido siyang hiwalayan ang asawa. Sa kabilang banda, gumagawa nang paraan si Aerah, ang kabit ni Ezekiel, para tuluyang masira si Lyndsey hindi lang kay Ezekiel kung hindi pati na rin sa buong pamilya nila. At dahil buntis siya, mabilis niyang napaniwala ang lahat na naging dahilan ng galit nila kay Lyndsey. Sa sobrang pang-aapi at pagkapuot na naramdaman ni Lyndsey, pumasok sa isipan niya ang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang akitin ang dating asawa at pagtaksilan ang kapatid niya gaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit hindi nakayanan ni Aerah ang ginawa ni Lyndsey at Ezekiel kaya nakunan ito. Ang gusto lang ni Lyndsey ay maramdaman ni Aerah ang ginawa niya sa kaniya noon, ngunit hindi niya ginustong mawala ang batang dinadala nito. Sa sobrang guilty niya, naisipan niya na lamang magpakalayo-layo ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtataksil nila ng dati niyang asawa sa kaniyang kapatid ay magbubunga.
Romance
10223 viewsOngoing
Read
Add to library
Office Romance: Who's your Daddy?

Office Romance: Who's your Daddy?

Zenaida Cabrera, isang multimedia journalist mula isang kilalang news website sa bansa. Sa edad na dalawang pu't walo, hindi pa niya nararanasan magkaroon ng kasintahan dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa trabaho at pamilya. Sa takot na mapag-iwanan, sumubok siyang makipag-date ngunit palagi itong nauuwi sa wala dahil sa demanding na boss na walang ibang ginawa kung hindi ang subukin at pahirapan siya. Buong akala ni Zenaida ay hindi na niya mararanasan ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil sa mga responsibilidad na hawak niya, subalit isang araw, nalaman na lamang niya na siya'y nagdadalang tao na at kasamaang palad, hindi niya maalala at makilala kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya.
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
We Touch, We Kiss, We Sin.

We Touch, We Kiss, We Sin.

Hindi mapigilan ni Xiomara "Xia" Pineda ang mapapikit sa tuwing naamoy niya ang nakakaakit na pabango ng lalaking ito na gising na gising yata noong magtapon ng magagandang pisikal na katangian ang diyos. Si Liam Blake Bieschel. Kulang na lang ay ibigay na niya ang buong kaluluwa niya rito. Isang hindi mapaliwanag na elektrisidad ang palaging dumadaloy sa kanyang kaibuturan sa tuwing ito ay malapit sa kanya. Kung siya ang tatanungin, isang pitik na lang ay talagang bibigay na siya kay Liam. Pero, hindi iyon maari. Si Liam at siya ay hindi maaring magkaroon ng relasyon na higit pa sa role niya na hanggang pangkama lang. Wala iyon sa kasunduan ng pagiging isang babymaker.
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Soul Contract

The Billionaire's Soul Contract

Bloom Pen
Si Dimitri Xavier Thomas Bazhaev, 31- taong gulang ay isang Filipino-Russian na negosyante at kilala sa larangan ng pagraracing. Siya ang may-ari ng pinakamalaking shipping company sa buong Asya. Kadalasan ay makikita si Dimitri sa mga diyaryo at mga sikat na magazines. Hindi din maikakaila ang kanyang gandang-lalaki dahil sa may lahi itong banyaga. Habulin ito sa mga babae at wala itong siniseryoso. Different place, different woman. Cunning at playboy kung tawagin ng nakararami si Dimitri. Lahat ng babae ay patapon para kay Dimitri ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya inaasahang mababaliw siya sa isang babaeng nagngangalang Tiffany Bernales, 28-taong gulang. Hindi lubos maisip ni Dimitri na dadating ang panahon na mababaliw siya sa isang babae. Hindi niya lubos maisip na dadating ang panahon na makakaramdam siya ng takot na maiwan ng isang babae. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkamali si Dimitri dahilan upang lumayo ang dalaga sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nakita silang muli. Kataka-taka at may anak na dala-dala ang babae na ikina-igting panga ni Dimitri. Matutuloy pa kaya ang kanilang pag-iibigan? O tuluyan kayang siya ay lisanin ng babaeng kanyang pinakamamahal?
Romance
10752 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex-husband Regrets

My Billionaire Ex-husband Regrets

"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?" Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot! Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta. Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na. "Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!" Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
Romance
9.529.5K viewsCompleted
Read
Add to library
THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)

THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)

twtl_trtd
Hindi na nagugustuhan ni Mary Joy Chua ang sitwasyon niya sa ngayon. Kung kailan inakala niyang giginhawa na ang kaniyang buhay, saka naman siya nasampal ng katotohanang walang silbi ang pera kung hindi pa rin siya importante sa mga mata ng kaniyang ina. Sawa na siyang maghintay, at sawa na rin siyang magbilang ng mga araw. Kung hindi siya kayang gustuhin nito, maghahanap na lamang siya ng lugar kung saan siya ang pinakaimportante sa lahat.
YA/TEEN
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wife's Comeback

The Wife's Comeback

Maayos ang paghihiwalay ng mag-asawang Theodore Agoncillo at Janissa, nagkaroon ng bagong kinakasama si Theodore dahil hiwalay na siya sa kaniyang asawa, nagkaniya-kaniya sila matapos ang hiwalayan at naging masaya naman sila sa pinili nilang landas. Ngunit isang pangyayari ang hindi nila inasahan matapos ang ilang taong paghihiwalay at ilang taon na hindi pagkikita, inimbitahan silang dalawa sa kasal ng kanilang kaibigan, pareho silang nabigla nang makita ang isa't isa dahil hindi nila iyon inasahan. At sa araw din na iyon ay nagkaroon ng isang pangyayari na hindi nila pwedeng takasan, natukso ulit sila sa isa't isa, hindi inasahan ng dating mag-asawa na magagawa nila ang mapusok na gabing iyon dahil kung kailan sila naghiwalay ay saka naman sila makabubuo ng anak...when they're not ready to become a parent, lalo na ngayon at may ibang babaeng kinakasama si Theodore, 'yon ay si Emie Castro. Paano haharapin ni Janessa ang pagiging kabit sa dati niyang asawa?
Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

Isabelle Osorio is a strong, single, and independent woman ngunit desperada. Nasa bingit ng pagkawala ng lahat ng ari-arian ang pamilya niya at ng pagkakalubog nila sa utang. At ang solusyon? Kasal sa isang lalaking hindi pa niya nakilala ni minsan, isang milyonaryo na ang usap-usapan ay may pusong bato. Ngunit sa gabi ng kanyang bridal shower, namagitan ang tadhana. Hindi niya gusto ang kasal, ngunit hindi rin niya gusto ang magtaksil sa mapapangasawa niya—subalit nagising na lamang siya sa piling ng macho dancer na inarkila para sa bridal shower niya Isang gabing pagsinta at isang lihim na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang isang buwan, nagimbal siya sa balita na siya ay nagdadalang tao. Ngayon, nahaharap siya sa isang desisyong magpapabago sa buhay niya— ang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal o yakapin ang hindi inaasahan at ipaglaban ang kanyang kaligayahan? He got her pregnant. But could he get her heart?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status