Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Nang Minahal Ka

Nang Minahal Ka

monteevs
Renvie Montefalcon. Tanyag. Spoiled brat. Mayaman. Pero sa pagbabalik ng kanyang alaala, nag-iba ang takbo ng buhay niya. Isa siyang impostor. Siya si Enya, isang naghihikahos sa buhay pero hiram ang mukha niya sa nagngangalang Renvie na matagal ng patay. Sumailalim siya sa isang facial transplant surgery four years ago gamit ang preserved face ng namayapang dalaga. Nanumbalik ang lahat ng sakit nang maalala niya ang nakaraan nang tuluyan siyang gumaling sa amnesia. Nagbalatkayo siya sa katauhan ni Renvie para balikan ang nag-iisang lalaki na kanyang minahal noon, si Braylon, ang taong nagbigay pasakit sa kanya. Gusto lamang niyang maghiganti para maibalik ang lahat ng sakit na pinaranas nito noon pero bakit siya umibig sa kapatid nito? Naging masalimuot ang balak sana niyang paghihiganti nang umeksena ang guwapo nitong kapatid na si Brander, isang NBI agent. Magiging lihim pa ba ang lahat kung nagsisimula nang alamin ni Brander ang kanyang pagbabalatkayo?
Romance
3.5K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night Stand with a Stranger

One Night Stand with a Stranger

Naranasan mo na bang ma-love at first sight? Yung tipong pakiramdam mo eh siya na ang nakatadhana para sayo kahit na kakameet niyo pa lang? Ganito ka din ba kabaliw kung mainlove? Yung tipon gagawin ang lahat para lang mapakasakanya ang kanyang taong minamahal kahit na ang kapalit nito ay iyong dignidad. Dahil kung ganito ka din eh baka katulad ka din ng ating bida na si Lorenzo Miguel Samaniego. Ang lalaking halos nasa kanya na ang lahat, with his looks, fortune, as in lahat ng hihilingin mo ay nasa kanya na kaya hindi din makapagtataka na habulin siya ng mga babae. Pero may isang babae ang mamimeet niya at magpapabaliw sa kanya. Si Gabriella Monica Jimenez na anak ng mga maimpluwensyang tao. This girl was brokenhearted that time at talagang nagpakalasing hanggang sa hindi na nito alam ang kanyang ginagawa. Nang magtama ang mga mata ng dalawa. And boom! Hindi ito pinalampas ni Miguel at agad niyang sinunggaban si Monica at dahil wala itong kalaban laban kaya nadala niya ito sa kanyang condo at duon sila gumawa ng pangarap, yun nga lang... Monica caught Miguel na may ibang kasamang babae at ito ang dahilan para iwan nito ang binata. Bigo din itong mahabol ang dalaga hanggang sa tuluyan na niya itong hindi makita... ---- Ngunit tila mapagbiro ang tadhana, At sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkikitang muli ang kanilang landas. Hindi pa din nagbabago ang pagtingin ni Miguel sa dalaga ngunit hindi nito inaasahan ang malaking pagbabago sa dalaga... Ano nga kaya ang natuklasan nito? Bakit biglang nag alangan si Miguel? Itutuloy pa din ba nito ang nararamdaman para sa dalaga? Alamin ang mga pangyayari sa kapanapanabik na kwento ng naudlot na pag iibigan nina Miguel at Monica...
Romance
9.322.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Akin Ka Na Lang, Please

Akin Ka Na Lang, Please

Si Jacob ang ultimate crush ni Yumi na ang tingin sa kanya ay little sister lang ng bestfriend nitong si Nathan. Ang lalaki ang ginawa niyang inspirasyon habang nag-aaral kahit na ba walang katugon ang damdamin niyang iyon. Minsan ay nagmakaawa siya rito. " Kaya ko siyang higitan, Jacob . Akin ka na lang, please? " Habang patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit hindi niya inasahan ang magiging sagot nito sa kanya. " You will never be like her Yumi. You can't even compete to her because you're nothing and I don't even like you , kung hindi lang dahil sa pagkakaibigan namin ni Nathan nunkang lalapitan kita. " Those words that leave a mark in her young heart. Ok na sana pero bakit nagsalita pa itong muli. " And please, stay out of my sight forever! " Nasaktan siya. Kaya umiwas siya at nagpakalayo-layo. Hindi niya akalaing sa muli nilang pagkikita ay mag-iba ang ikot ng mundo. May katugon na kayang damdamin ang pag-ibig ni Yumi?
Romance
5.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Para Sa Walang Magawa

Para Sa Walang Magawa

the1999cut
Kwento ni Calcifer at kung bakit gusto niyang mamatay.Si Calcifer ay isang kalahating demonyo at kalahating mortal. Buong buhay niya ay naghahasik na siya ng kasamaan at ang tanging nais niya lamang ngayon ay ang mamatay na dahil nagsasawa na ito sa kaniyang buhay. Ngunit malakas ang dugo ng kaniyang ama kaya siya ay naging isang immortal at ang tanging makakapatay lamang sa kanya ay ang kanyang tiyuhin at lolo, na si Hesus at ang Diyos Ama. Dahil sa kasamaan nito siya ay nakatanggap ng isang matinding parusa na nagpahirap sa kanyang buhay bilang isang demonyong walang sinasamba at ito ay ang magmahal sa isang babaeng handang makipagkita sakanya kung siya ay makikipag bible study sakanya.
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Walang Kapalit

Walang Kapalit

Black_Angel20
Sa probinsya lumaki at nagkaroon ng kaalaman si Lexi na sa tulong ng amang si Jeric ay binuksan nito ang kanyang kaisipan tungkol sa pagpapatakbo ng kanilang mga ari-arian. That was her main goal to reflect her help for the people who relied on her. Subalit sa hindi niya maipaliwanag na pangyayari ay biglang sumulpot si Xorxell Diaz dala ang balitang bibilhin nito ang lupain ng rancho. Na naging dahilan kung bakit umahon ang galit niya sa binata. The worst of all the worst was right in her front. Pero nang halikan siya nito ay tila may hindi siya maipahiwatig na nararamdaman. Could the person falls in love with just that random kiss? Higit sa lahat. Ito pala ay ang lalaking out of nowhere ay bigla nalang ianunsyo ng ama niya na papakasalan niya. Ano 'raw? Triple ang nararamdaman niyang shock!
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Me And The Gangster Leader's

Me And The Gangster Leader's

Miss_Dangwa
Ang pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral dahil sa mga nangyari sa mga babae at lalo na kay Pinuno Si Pinuno ang nangungunang gangster sa Falcon University, ano na lang ang mangyayari kung malaman niya na may nakapasok na isang babae at nagpanggap pa ito ng isang lalaki Ang halimaw sa mga baraha ay napa ibig ng isang brilyanteng kaya kang mag mahal muli at pag bibigay ng suwerte sa iyong buhay at sabay sa pagtupad ng inyong mga pangarap
YA/TEEN
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
NABALIW AKO SA ISANG BALIW

NABALIW AKO SA ISANG BALIW

"Isang halik lang sana ang kapalit ng laro… pero bakit parang ako ang nabaliw?" Dahil sa biruan ng kanyang mga kaibigan, nahalikan ni Blaze ang lalaking palaging pagala-gala sa labas ng kanilang university—isang baliw, ayon sa lahat. Pero ang hindi niya alam, ang ‘baliw’ palang ito ay may itinatagong napakaraming pagkatao. Isa siyang sikat na singer, respetadong doktor, propesor, Mafia King, at higit sa lahat... isang nagtatagong multi-billionaire. Ngayon, kung ikaw si Blaze... Hindi ka rin ba mababaliw?
Romance
1018.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Anghel de Puta

Anghel de Puta

Si Margarita Pelaez o Greta ay namamayagpag bilang most sellable prostitute sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang pangyayari ang nagpatigil sa kaniya sa pagbebenta ng aliw. Nabuntis siya ng kustomer niya na akala niya'y may pagtingin din sa kaniya. Sinubukan niyang ipakilala ang bata sa sinapupunan niya kay Parker Sherlock na nakabuntis sa kaniya. Sa halip na tanggapin ay ginahasa at sinaktan siya ng lalaki sa araw na iyon. Limang taon niyang tinago ang anak niya sa lalaking nagwasak ng puso niya at nagdulot ng trauma sa kaniya. Subalit, ano ang mangyayari kung tadhana na ang magpapasya sa muling pagku-krus ng landas nina Greta at Parker? Sa pagkakataong ito, ipapakilala pa ba ni Greta ang bata sa ama nito o ibabaon niya ang katotohanang anak ni Parker sa kaniya na isang Anghel de Puta ang bata?
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
BIYAHENG LANGIT

BIYAHENG LANGIT

Masungit, maarte at maiksi ang pasensya ni Natasha kaya walang nangangahas na manligaw dito kahit diyosa ito sa kagandahan. Ang tingin sa kaniya ng lahat ay wala siyang libog sa katawan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang aroganting driver. Gusto lang naman ni Yael subukan kung hanggang saan ang kakayahan ng babaing pinagkakatiwalaan ng abuelo na namamahala sa kompanyang kaniyang mamanahin. Pero mukhang ang pagiging babaero niya ang susubukin nang mahuli ang kiliti ng isang virgin na babae. Magamit niya kaya ang galing sa kama upang mapasuko ang babae o sarili niya ang isusuko upang maangkin ang babaing mahirap amuin?
Romance
103.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Isang gabi sa piling ni Bakla

Isang gabi sa piling ni Bakla

Kung hindi pa malalagay sa malalang karamdaman ang ina ni Basha, hindi niya malalaman ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi niya akalain na anak siya ng isang mayamang businessman. Sa kagustuhan na maoperahan ang kanyang Ina ay lumuwas siya ng maynila upang humingi ng tulong dito. Ngunit kahihiyan lamang ang inabot niya dahil pinagtabuyan siya nito at hindi kinilalang anak. Dahil sa kaibigan niyang si Myla nagkakilala sila ni Diego. Naghahanap kasi ito ng surrogate woman na papayag makipagtalik sa kanyang nobyo na si Thaddeus upang magkaroon ng anak at maipamana kay Thaddeus ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. Pumayag siya sa isang gabi kapiling ang isang bakla upang tuluyang mapaoperahan ang kanyang ama at dalhin ang magiging anak nito. Nakipagsiping si Basha habang nakatakip ang kanyang mga mata ay patay ang ilaw kaya hindi niya alam kung ano ang anyo ng lalaking katabi niya sa kama. Simula nang makatikim ng babae si Thaddeus ay palagi na niyang naalala ang gabing angkinin niya ang babae. Hangang sa humantong sila sa kasal at kasunduan. Mapanindigan kaya ni Basha at Thaddeus ang kunwaring pagsasama nila para sa kasal at upang mailipat kay Thaddeus ang hinahangad na mana? Magawa kaya ni Thaddeus na iwan si Diego at talikuran ang ilang taon nilang relasyon upang mas maging tahimik ang kanyang buhay at maging asawa at ama sa dinadala ni Basha?
Romance
107.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status