Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
Romance
10403 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
Read
Idagdag sa library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.819.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Bestfriends Billionaire Husband

My Bestfriends Billionaire Husband

Reggy
"Celestine, please bago ako bawian ng buhay promise me na gagawin mo ang kahilingan ko." Natulala ako habang binibitawan ni Alexine ang mga katagang iyon.Awang awa ako sa kanya kaya di ko napigiling napatango. Pagkatapos ay pumikit ito habang unti unting nawalan ng buhay.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Yllena's Love Child

Yllena's Love Child

“Yllena, come here!” masayang bungad ng kaniyang asawa ng makapasok siya sa opisina nito. Nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ni Grae, ang kaniyang asawa. Lumapit siya dala ang isang sobre na naglalaman ng resulta ng kaniyang utrasound nitong umaga. Tamang-tama ito dahil ngayong araw ay unang anibersaryo ng kanilang kasal. Habang siya ay papalapit ay papalakas ng papalakas ang pintig ng kaniyang puso. Magkahalong excitement at kaba dahil alam niyang matutuwa ang asawa. Ilalabas na sana niya ang laman ng sobre ng bigla itong magsalita. “Evie’s back.” Biglang nanuyo ang kaniyang labi at natuod siya sa kinatatayuan. Ibinalik niya ang papel sa sobre. “I want a divorce, Yllena. Siya ang mahal ko,” dugtong nito. Ni hindi manlang inisip ni Grae ang mararamdaman ni Yllena samantalang simula pa lang ay alam na niyang mahal siya ng babae. “Oh sige,“ tipid niyang sagot. Mabilis pa sa ala-kuwatrong inilahad ni Grae ang Divorce Agreement papers para pirmahan ni Yllena. “Here, naayos ko na agad. Pirma mo nalang ang kulang!” masaya nitong sabi. Pinunasan ni Yllena ang luha at nanginginig na pumirma. Parang dose-dosenang punyal ang tumarak sa puso niya. Parang kating-kati ito na makasama ang babaeng 'yon? Bumalik si Yllena sa pamilya ngunit ng gabi ding ‘yon ay itinakwil siya. Dahil sa bigat at sakit ng kaniyang kalooban ay huminto siya sa tulay. Bumuhos ang napakalakas ng ulan. Nais na niyang wakasan ang lahat ng biglang may humawak sa kaniyang kamay at sapilitan siyang inilayo sa kamatayan. Hinila siya nito papasok sa kotse. Nuon lang niya namukhaan ang lalaki. “Lucerys? Lucerys Montblanc,” sambit niya. “Yes, I am. Death is not the answer, woman, but rather revenge,” kunot-noo nitong sabi. “Make him pay! Join me, Yllena!”dugtong nito.
Romance
10573 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession

I Was Just A Contract, Now I'm His Obsession

I married Zephyrus Jones under a one-year contract—walang sabit, walang emosyon, puro pirma lang at katahimikan. Kailangan niya ng asawa para sa billion-dollar deal. Kailangan ko ng pera para mailigtas si Papa. We lived like strangers under one roof… hanggang sa dumating ang araw na iniwan niya ako—papers signed, puso kong wasak, at mga pangakong hindi natupad. Sabi niya, may mahal na siyang iba. Sabi niya, never akong naging parte ng plano. Kaya nag-divorce kami. Apat na taon ang lumipas, bumalik ako—hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko. Pero nang muli ko siyang makita, he wasn’t the cold-hearted man I once knew. Ngayon, he looks at me like I’m the only thing that matters. Ang problema? Natuto na akong mabuhay nang wala siya. At ngayong bumalik siya sa buhay ko… hindi niya alam na may kambal kaming anak—at wala akong balak sabihin sa kanya.
Romance
9.218.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Seducing the Billionaire

Seducing the Billionaire

Simula nang mamatay sa suicide ang kakambal ni Savannah na si Sienna, ipinangako niya dito na kukunin niya ang hustisya na nararapat, kaya naman bumalik siya sa bansa at sinimulan ang planong akitin ang bilyonaryong dahilan kung bakit hindi na niya pa tuluyang makakasama ang mahal sa buhay. Pero sa kagustuhan niyang makuha ang inaakala niya ay ang nararapat, marami siyang matutuklasan na ikakadurog nang puso niya, at isa na dito? Ang mahulog ang loob sa taong kinamumuhian nya.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.97.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Day I Found You

The Day I Found You

"Isinusumpa ko sa ibabaw ng bangkay mo, hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang pagkawala mo!" —————— Si Zeith Kate Del Fuego, ang ikalawang anak ng mag-asawa at kapatid ni Blake ang naging sentro ng paghihiganti ni Kurt Justin Steve Villaverde Del Pacio. Sa unang pagpasok pa lang niya sa Hotel Uno ay ginalingan na niya ang tila kontrabidang pagganap. He mastered every deceiving smiles, fake conversations and pretended kindness. He is the pioneer of mischief character inside the company! Months passed but he was still uncaught. He played his role well, much more than a playful gambler. He used his treacherous figure yet adorable character to captivate Zeith Kate 's heart. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang paghahanap ng hustisya? Ano ang magiging matimbang sa kaniya sa huli?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
He Was Mine First

He Was Mine First

El Maris
"He was mine first,inagaw mo lang! Binabawi ko lang ang dating akin!" Nag focus na lang si Kathy sa trabaho at naging matagumpay few years later pagkatapos siyang ipagpalit ni Gerald kay Mia.Nag-asawa si Gerald at nagsimulang bumuo ng pamilya then fate led him back to Kathy. Noong una ay away na niyang tanggapin ang trabaho nang malaman na si Kathy pala ang magiging boss niya pero wala siyang choice dahil kailangan niya ng trabaho. At dun na nagsimula, muli na namang nahulog ang loob niya kay Kathy. Paano na ang binuo niyang pamilya kung sa puso at isip niya ay si Kathy ang muling sinisigaw? May posibilidad nga ba na magkaroon sila ng happy ever after ni Kathy kahit kasal siya kay Mia? Si Arvin ay isa pang sakit sa ulo ni Kathy. He is hard to please. Hangang saan ang kayang gawin ni Kathy dito para makuha ang tiwala nito? Kailangan ni Kathy ito kung gusto niyang manatiling mamayagpag ang kumpanyang pinaghirapan niyang itayo.Pero bakit parang sadya nitong pinapahirapan si Kathy? Kailangan ni Kathy na magkaroon ng priority, tuloy ba ang Paghihiganti o Kampay na lang para sa tagumpay?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3334353637
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status