Trapped with my Boss
Mas gusto sana ni Shalanie ng babaeng Executive assistant. Ngunit dahil lalaki ang ipinadala ng HR ay wala siyang choice kundi ang tanggapin ito.
Hindi naman niya inakalang magtatagal ito sa pamamahala niya kahit pa ba napakasungit niya. She had a reputation of being strict and ruthless. Ngunit wala itong epekto kay Samuel. Sa halip ay siya ang apektado kay Samuel.
Paano ba naman? Ang assitant niyang ito ay mahusay sa trabaho, matalino, guwapo, simpatiko at may mga matang nakaka-hipnotize kapag napapatitig siya rito.
Hindi man niya aminin pero ito lang ang nakapagpabilis nang tibok ng puso niya sa tuwing nasa malapit ito, lalo na kapag nagkakadikit ang mga balat nila at nagtatama ang kanilang mga mata.
Alam niyang nanganganib ang puso niya rito at ano mang oras ay mahuhulog siya sa lalaking ito.