Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
995 viewsOngoing
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Scandal

The Billionaire's Scandal

Inara Syndrome
Ginawa ni Mallory ang lahat para matanggap siya ng kanyang pamilya. Simula't sapul ay sinunod niya lahat ng gustuhin ng mga ito ngunit dahil lang sa isang pagkakamali ay lalo siyang kinamuhian ng lahat. Upang makaligtas sa matinding kahihiyan ay ipinagkasundo siya sa lalaking hindi niya mahal. Ngunit anong gagawin niya kung ang lalaking ipakakasal pala sa kanya ay ang taong nang-insulto sa pagkatao n'ya? Ang masaklap pa ay fiancee pa pala ito ng kanyang kapatid. Paano niya ngayon haharapin ang gulong napasok n'ya?
Romance
109.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Enticing Series 2: Trouble

Enticing Series 2: Trouble

LelouchAlleah
|| WARNING: R18 MATURE CONTENT (SPG) || Isang babae na nagdesisyon na mamuhay ng mag-isa, malayo sa kontrol ng kanyang mga magulang, ang makakakilala sa isang mafia boss na walang ibang ginawa kundi kontrolin ang lahat ng tao o bagay na nasa kanyang paligid. Ngunit paano kung mahulog ang loob nila sa isa’t-isa? Papayag kaya ang babaeng ito na muling kontrolin ng iba ang kanyang buhay lalo pa’t alam niyang gulo lamang ang dala nito sa kanyang buhay? Gusto niyong mabasa ang kwento nila?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Arrange Marriage With My Ex

Arrange Marriage With My Ex

Synopsis. Kira Maurelle Vallejo the new transferee from UST Engineering because of her parents pressure to go with her fiancee CJ Castillo who's knowned to be the new Team Captain of UST Growling Tigers. Unfortunately his fiancee is he's ex boyfriend before. Hindi na niya yun iniisip dahil alam niya sa sarili niya na pinagpalit siya noon... Noon. Pinaglalaruan lang din siya noon, pampalipas oras. May mahal na 'tung iba kaya mas pinili niyang kalimutan na lang ito at ideny lahat ng sakit na nararamdaman niya. Until Davee Alfonso came to her life the current Captain of National University who used to be his savior for her so much downfall. At wala siyang magagawa kundi pansinin ang taong nasa tabi niya sa tuwing mahina siya. Pero paano pag pinag-agawan ka na ng dalawang lalaking mahal mo noon at mahal ka ngayon? Sinong pipiliin mo? Ang taong gusto mo noon o Ang taong gusto ka ngayon? What if dumating si Davee ang taong handa ipaglaban si Kim hanggang sa huli? Will they stay despite of uncertain circumstances? Who's capable with?
Romance
109.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Relentless Billionaire

Relentless Billionaire

ELEAZAR#1 (COMPLETED) Bata palang si Celeste tinagurian na syang anino lamang ng kanyang ate na si Celestia halos lahat ng gusto nito ay nakukuha at sya ang madalas magsakripisyo. Buong buhay nya hindi nya naranasan na piliin sya kahit sa mundo ng pag-ibig. Para syang trinaydor ng lahat ng malaman nyang kasintahan na pala ng ate nya ang lalaking iniibig nya, ngunit mananatili na nga lang ba syang anino nito? Oh ipaglalaban nya ang nararamdaman nya at hindi na muling magsasakripisyo para sa Ate nya? Is she willing to be his secret girl and betray her sister? Or maybe at the first place Celestia is the one who's betraying her? Kaya isakripisyo ni Celeste ang lahat huwag lang si Noah Arkanghel ang lalaking pinakamamahal nya.
Romance
106.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Mistake

The Billionaire's Mistake

"Sorry works when a mistake is made, but not when trust is broken." Sa buhay minsan tayo'y nagkakamali, may mga desisyong hindi napag-isipan at may mga pangyayaring kailangan nating maranasan. Bata pa lang si Amethyst pangarap niya ng malibot ang mundo kasamang ang taong tanging nagmahal at nag-alaga sa kanya, ang kanyang lola. Matalino, magaling, masipag at madiskarte sa buhay. Siya ang tipong hindi susuko makuha lang kanyang gusto pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang isang William Anthony Guerrero. Ang lalaking nagpatibok sa kanyang pihikang puso, ang happy go lucky na tagapagmana ng Hacienda Guerrero. Kakayanin mo bang makasama ang lalaking buong puso mong minahal pero ang tingin sayo ay isang pagkakamali lamang? Will she allow herself to be considered as the billionaire's mistake?
Romance
9.9160.1K viewsCompleted
Read
Add to library
I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

"Staying is the Key... Fragile Blood is the Freedom..." Mahirap lahat sa umpisa, pero lahat ay nakatakda sa paraang kakaiba. Matagal na panahong pagmamatiyag ang ginawa, makilalang lubos lamang ang babaeng napili niya upang maging katuwang sa lahing pinamumunuan niya. Sa bawat ngiti't tawa ng dalaga ay nakamasid siya, sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakikita niya. Matagal na panahong pagbabantay ang nilaan niya, maraming nagtangka ng masama sa taong mahal niya, lahat ng 'yon ay tinapos niya. Lahat ng magtangka ay pagbabanta ang pinapalit niya, ang lumabag ay matatapos ang paghinga. Sa maling pagsagot sa mga tanong niya ay may matinding parusa. Sa gabing ito, nakatakda ang pag-iisa. Dapat na siyang makilala ng babaeng matagal na niyang ninanais at sinisinta. Ngunit kahit ganun ay may takot pa rin siyang nadarama. Alam niyang hindi ito gugustuhin ng babaeng mahal niya. Marami mang babae ang umiibig sakaniya. Ngunit isa lamang ang gusto niya. Ang babaeng nagligtas sa kaniya sa kapahamakan ng sila'y mga bata pa. Mula ng araw na 'yon, binantayan na niya ang babaeng iniibig niya ngayon. Gusto niya man muling makipagkilala rito pagkatapos ng pagliligtas nito sakaniya noon ay hindi maari. Muli lamang niya itong makakausap kapag nangyayare na ang pag-iisa ng kanilang mga lahi sa madilim na Gabi. At ito ay mangyayare ngayong Gabi. Na kung saan lahat ng mangyayare ay doon mag-uumpisa. Sa lahat ng utos na nilikha niya ay may isang mabigat na utos na kinatatakutan niya. Dahil ang babaeng napili niya ang maglalarawan sa nag-iisang mabigat na utos na binaba niya.
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying the Child of My Sister and Her Husband

Carrying the Child of My Sister and Her Husband

"What would you do for the people you love?" When her sister and her sister's husband can't have a child due to her sister's health condition, the younger sister is asked to carry their baby for them. It seems like an impossible choice, pero wala siyang ibang magawa kundi sundin ito, bilang kabayaran sa ginawa ng ate niya. As the pregnancy goes on, she begins to question how much she can truly give up. Kaya niya bang dalhin ang bigat ng sakripisyong ito? Paano naman ang sarili niya? What would you feel if you will be the surrogate mother of your sister and her husband?
Romance
10522 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Love pa nga kung tawagin niya ang kaibigan ng kanyang kuya. At very vocal siya sa pagsasabing ang binata ang nais niyang maging kabiyak kapag dumating siya sa tamang edad. Hindi naman nito siniseryoso iyon dahil buong akala nito ay dahil sa kabataan lamang niya kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon. Samantalang ang binata ay may Fiancee sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Nagtagumpay naman siya dahil nahuli sila mismo ng kaniyang ama sa maselang tagpo. Kaya hindi ito pumayag na panagutan ang namagitan sa kanilang dalawa. Naikasal naman agad sila at walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ni Sam dahil natupad na nga naman ang pangarap niya ng bata pa — ang maging asawa si Vaughn. Subalit, tila naman ito yelo sa lamig nang pakikitungo sa kanya at kung pagsalitaan siya ng masasakit ay para bang hindi nito kaibigan ang kuya niya. Ang mas malala pa ay kapag nagniniig sila ay pangalan ng nobya nito ang laging sinasambit. Hihiwalayan na ba niya si Vaughn na oo nga at naging asawa niya pero hindi naman niya maangkin ang puso nito? O ipaglalaban pa ang pag-ibig niya kahit laging pinapamukha nitong pinikot niya lamang ang asawa? At ni katiting ay wala itong pagmamahal sa kanya?
Romance
69 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status