The Billionaire’s Exclusive Maid
Si Graciella Cortez ay isang waitress, inatake ang kanyang ama at kailangan ng heart surgery. Kailangan niyang maghagilap ng pera para sa operasyon. Kaya nang may ibinulong na oportunidad ang manager, isang lihim na auction, kinain niya ang hiya at prinsipyo, ibinenta niya ang virginity.
Sa madilim na silid, pataasan ang alok hanggang dumating si Jayden Valencia, isang bilyonaryong CEO. Isang numero lang ang binanggit nito, isang milyong piso.
Isang gabi sana ng init ngunit sa nerbyos ay nilibang niya ito. Tumawag ang ospital, nag-aagaw-buhay ang ama niya. Tumakas si Gracie, iniwan ang lalaking nakabili sa kanya nang walang nangyari.
Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil nang kailangan niyang maging kasambahay sa isang mansyon kapalit ng kanyang inang nagbabantay sa ospital, doon niya nalaman, ang lalaking nakabili sa kanya ay amo niya! Ang isang gabi ba ay posibleng maging habambuhay?