You're Mine Sergeant
Lyniel
Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya.
Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe".
Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?