Under Cover Maid and the Billionaire Assassin
Si Alena Ortiz ay tila isang inosente, mahina, at mangmang na kasambahay na desperadong magkaroon ng trabaho. Ngunit sa likod ng kanyang apron ay nakatago ang kanyang tunay na pagkatao—MAGDARAGIT, isang maalamat na undercover operative na kinatatakutan maging ng mga kriminal at sindikato. Ang kanyang misyon ay isa lamang: tuklasin ang katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay at ibagsak ang mga taong nasa likod nito.
Ngunit ang pinakamalaking balakid sa kanyang misyon ay ang kanyang sariling amo.
Si Mark Jacob Escallon Valderama, isang bilyonaryong negosyante na kilala sa pagiging walang awa sa mundo ng negosyo ngunit mapagkawanggawa sa mga nangangailangan. Habang tinitingala siya ng publiko bilang isang huwarang negosyante, may isa pa siyang lihim na buhay na walang sinuman ang nakaaalam.
Sa pagsapit ng gabi...
Siya ang kinikilalang World Top Assassin No. 1.
Dalawang taong nabubuhay sa kasinungalingan.
Dalawang lihim na pagkatao.
Dalawang pusong parehong nilamon ng trahedya matapos mawalan ng mga magulang sa murang edad.
Sa una, itinuring nila ang isa't isa bilang hadlang sa kani-kanilang misyon. Ang bawat pagtatagpo ay puno ng pagdududa. Ang bawat pag-uusap ay isang laban ng talino. Ang bawat lihim ay maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isa sa kanila.
Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga katotohanan, napagtanto nilang iisa lamang pala ang kanilang hinahanap.
Ang tunay na utak sa likod ng pagkamatay ng kanilang mga pamilya.
At ang organisasyong responsable sa mga kasamaan na bumabalot sa Sto. Alonzo.
Habang isa-isang nabubunyag ang kanilang mga lihim na pagkatao, ang dating magkaaway ay napilitang maging magkaalyado. Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at walang humpay na habulan, isang pag-ibig ang dahan-dahang namuo sa pagitan ng dalawang taong isinumpang huwag magtiwala kaninuman.
Ngunit sa mundong kanilang ginagalawan, ang pag-ibig ay maaaring maging pinakamalaking kahinaan.