Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise
Present Time.
Pinahid ni Elle ang luha sa kanyang pisngi. Akala niya ay matitiis niya ang lahat, pero tao lamang siya na nagmamahal ngunit natapon lang dahil sa bagong dating. Hindi niya hahayaan na masira ang buhay niya kung ipagpapatuloy pa rin niya ang pagiging bulag at bingi sa tuwing nasa paligid si Blair, at isa pa, kung talagang siya pa rin ang mahal ni Franz, hindi ito gagawa ng bagay na masasaktan siya, pero hindi, inipon lang pala niya para may lakas ng loob siyang makipaghiwalay kay Franz kahit nanghihinayang siya sa sampong taon nilang pagiging magkasintahan. Ngayon, kailangan na lang niyang umpisahan na alisin sa sistema niya si Franz para makausad kahit paano.
Bab Populer