Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GENUINE LOVE IN DECIET

GENUINE LOVE IN DECIET

Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo. Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya. Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya. Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang. Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Her womanizer

Her womanizer

Remnis Luz
Palaban at matapang, ilang lang iyan sa mga katagang naglalarawan kay Lucy Delval, dulot ng ilang insidente sa kanyang buhay ay tuluyan ng nabuwag ang paniniwala niya sa isang wagas na pag ibig, kaya naman minarapat niya na lang na ituon ang pansin sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Si Andrew Montreal ang isa sa mga lalakeng pinapangarap at pinagkakaguluhan ng mga babae sa kanilang unibersidad. Ang ubod ng palikero binata ay naniniwalang ang bawat pagkakataong dumadating ay kinakailangan sulitin upang lubusang makamtan ang sarap at saya ng buhay. Saan hahantong ang bigla na lang pagkahulog ng loob ng malokong si Andrew Montreal sa palabang si Lucy Delval.
Romance
103.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Love by Mistake (The Billionaire's Slave)

Love by Mistake (The Billionaire's Slave)

Maliban sa pagiging maganda, isang mahirap at ordinaryong babae lang naman si Amina Asuncion. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulantang niya nang isang araw ay may dumukot sa kanyang isang grupo ng kalalakihan. At ang may pakana? Walang iba kundi ang gwapo ngunit mabangis na bilyonaryong si Drake Lukas Wilson. Ngunit ano nga ba ang tunay na motibo ng lalaki at bakit iginigiit nito na siya si Amari Buenavista? At ang masaklap, ginawa siyang alipin at sex slave nito bilang kabayaran sa pagkakasala ng babaeng hindi niya kailanman nakilala. At sa tuwing nagpapaliwanag siya ay sapilitan siyang inaangkin ng binata bilang parusa. Hanggang dumating ang araw na binulaga siya ng isang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Ano nga ba ang dalang pagbabago ng isang Drake Lukas Wilson sa buhay ni Amina? WARNING: STRONG PARENTAL GUIDANCE. READ AT YOUR OWN RISK! THIS BOOK INCLUDES SEXUAL AND EXPLICIT CONTENTS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED.
Romance
9.8420.6K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE AND MYSTERY

LOVE AND MYSTERY

BLURB OF THE STORY Ang simpleng buhay ni Cassey ay biglang nagbago dahil sa isang aksidente. Pagkatapos niyang magising sa pagkaka-comatose ay nagkaroon siya ng partial amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari bago siya naaksidente. Ngunit kasabay ng pagkakaroon niya ng amnesia ay ang pagkakaroon naman niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa ng taong namayapa na. Dahil sa bagong kakayahan niyang iyon ay nakilala niya ang kaluluwa ng kamamatay pa lamang na artistang si Dindy Arevalo. Humingi ito sa kanya ng tulong na iparating niya sa fiance nitong si Marcus Monteverde na hindi ito nagpakamatay katulad ng pagkakaalam nito at muling pa-imbestigahan sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ng aktres. Dahil mahirap ang ipinapagawa ng kaluluwa ni Dindy kaya tinanggihan niya ito. Ngunit sa bandang huli ay nagdesisyong siyang tulungan ito dahil na rin sa walang tigil na pangungulit nito sa kanya. Pero paano niya sasabihin kay Marcus na nakikita at nakakausap niya ang fiancee nito at ang tungkol sa nais iparating ng babae dito nang hindi siya magmumukhang nababaliw sa mga mata ng binata? At ano ang gagawin niya ngayong nalalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dindy?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
He Hates His Substitute Wife

He Hates His Substitute Wife

Mercyyy
She will never be enough for them. Sa tanang buhay ni Shane Umbrielle Reñeses ay palagi lamang siyang nasa likod ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jane. Laging siya ang magaling, matalino, maganda at pinaka ipinagmamalaki ng pamilya, samantalang siya ay lagi lamang itinatago sa likod ng kapatid at itinuturing na pangalawa sa lahat ng bagay. She likes nothing but to please her parents kaya nang umalis at tumakas si Jane ay pumayag din siya na pumalit sa pwesto nito na pakasalan at maging asawa ng lalaking kinamumuhian siya at hindi siya gustong makasama, ang lalaking nagngangalang Matthew Elior Beischel.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?
Mafia
636 viewsOngoing
Read
Add to library
Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me

Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me

Amber Stories
Role Model ni Lalaria "Lala" Buenaflor ang ate Ynessa niya, dahil bukod sa maganda na ito ay napakatalino pa. Ito ang breadwinner ng kanilang pamilya kaya naman mahal na mahal ito ng mga magulang nila. Nang umuwi ito sa probinsya nila kasama ang mayaman at gwapo nitong boyfriend ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng inggit. Pero may kakaibang nararamdaman si Lala sa boyfriend ng ate niya. Hindi niya alam kung ano yun. And the worst, she found herself in the arms of him.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Casanova's Obsession

Casanova's Obsession

Aesthetica_Rys
Si Phoebe Hermoso ay isang tahimik, sobrang clumsy, at kakambal ay kamalasan. Saan man siya mapunta ay laging may kasunod na kaguluhan. Simple lang ang nais ni Phoebe, iyon ay ang maitaguyod ang pamilya niya sa kahirapan. Dala ng kagipitan at sunod-sunod na problema tinanggap niya ang alok na mapalapit kay Knox Contero. Ang lalaking walang ginawa kundi paglaruan ang mga babae. Isa sa misyon niya ay ang paibigin at iwan ito ngunit katumbas nito ay ang pagkakait sa kaniya na umibig pabalik sa lalaki. Magawa niya kaya ito? O handa siyang tumaliwas sa plano para ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Nanny For Hire, Mommy By Choice

Nanny For Hire, Mommy By Choice

Akala ni Estelle, tatlong buwan lang siyang magiging yaya. Pero hindi niya inasahan na sobrang mapapalapit siya sa anak ng boss niyang si Alaric Montserrat—isang gwapo, seryoso, at ubod ng yaman na negosyante. Nang dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, isang alok ang hindi niya inaasahan. At iyon ay ang maging ina ng anak ni Alaric sa loob ng dalawang taon! Isang simpleng trabaho ang pinasok ni Estelle, pero isang buong pamilya ang gustong ibigay sa kanya ng boss niya. Tanggapin kaya niya ang alok, o iiwan niya ang pusong natutunang umibig sa mag-ama?
Romance
389 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status