Entangled With Three Billionaires
Sa loob ng dalawampung taon, namuhay si Lia bilang perpektong anak ng mga Montellano—hanggang sa bumalik ang tunay na anak ng pamilya. Bigla na lang siyang nawalan ng halaga sa kanila, pinalayas, at iniwan pa ng fiance niya. Wala siyang nagawa kundi lumipat sa isang maliit na apartment, bitbit ang pangarap na mamuhay nang tahimik at malaya.
Ngunit ang kalayaang gustong makuha ni Lia ay naging magulo nang sabay-sabay na dumating ang tatlong makapangyarihang lalaki. Si Caleb, ang striktong CEO; si Jax, ang rebelding underground racer; at si Julian, ang tahimik pero possessive niyang professor. Lahat sila ay may kanya-kanyang obsesyon sa kaniya at handang mag-away-away makuha lang siya ulit.
Habang pilit na tinatakasan ni Lia ang gulo na dala nila, isang malaking sikreto ang mabubunyag—siya pala ang matagal nang nawawalang anak at totoong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Sa pagbawi niya sa posisyong para talaga sa kaniya, hahayaan ba niyang makontrol ulit siya ng pag-ibig ng isa sa kanila, o siya na mismo ang magpapatakbo sa sarili niyang buhay?