Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
382 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson

Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson

THEGUYWITHTHEGLASSES
Si Luise Ryla Fuentes ay isang pampublikong teacher sa isang probinsya. Simple lang ang buhay niya. At katulad ng normal na mga tao—may pinakapangarap din ang dalaga na gusto niyang matupad. At ang sa kanya—makapangasawa ng AFAM at tumira sa ibang bansa at doon gumawa ng pamilya. Pero sa kasamaang palad, ang pangarap na iyon ni Luise ay hindi niya na matutupad pa dahil isang gabi—matatagpuan niya mismo sa harap ng nir-rent-tahan niyang apartment ang binatang hindi niya inaakalang magpapabago sa simple at normal niya lang na buhay. A novel written by:TheGuyWithTheGlasses
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE

THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE

"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

TaigaHopeRainbow
Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Husband's Vengeance

A Husband's Vengeance

Amadeus Hassan, isang mabait at mabuting asawa ni Venice Banville Hassan. Masaya at makulay ang kanilang pagsasama noong una subalit noong mangyari ang isang aksidente na bumawi sa kakayahan niyang makapaglakad at makapagsalita, lumabas ang totoong kulay ng kaniyang asawa at biyenan. Inapi, inalipusta at nagawa pa siyang pagnakawan ng yaman ng mga taong higit niyang pinagkakatiwalaan. Buong akala niya'y wala na siyang patutunguhan subalit nakilala niya ang dalaga na nag ngangalang Lucine Verine, isang katulong sa kanilang mansyon na nakatalagang mag-aalaga sa kaniya. Ngunit sa likod ng inosente at maamo nitong mukha, sinong mag-aakala na ito ang magiging dahilan upang makabangon sa pagkakadapa si Amadeus Hassan na handang balikan ang mga taong umapak sa kaniya at ipatikim ang ganti ng isang api.
Romance
1010.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Insensitive SPG

Insensitive SPG

Si Izzy Abella ay kinailangang magpaalila sa isang bilyonaryong nagngangalang Karson dahil sa kasalanan ng kaniyang ama rito. Matapos kasing maaksidente ang minamanehong kotse ng kaniyang ama ay basta na lamang itong tumakas. Posible kayang magkagusto si Izzy sa tao na walang ibang ginawa kun 'di ang pagsalitaan siya ng masama?
Romance
10852.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
Romance
109.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My boss got me pregnant

My boss got me pregnant

annetony28
Daniel & Ashley Gutierrez ulilang magkapatid, namatay ang kanilang mga magulang nang lumubog ang barkong sinasakyan ng mga ito pauwi ng Mindoro Daniel ay labing limang taong gulang at si Ashley ay sampung taong gulang, mahal ni Daniel ang kapatid pero isang hindi inaasahan na pangyayari ang naging dahilan ang naka pagpabago sa relasyon ng magkapatid
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Bittersweet Destruction

The Bittersweet Destruction

Caroline— isang anak na nanabik sa pagmamahal ng isang magulang. Nang magkaisip, ginugol niya ang lahat ng oras at panahon sa pagsasanay kahit ito'y labag sa kaniyang kalooban. Ngunit nang may natuklasan, lakas loob niyang tinalikuran ang tungkulin bilang kaisa-isang anak ng makapangyarihang pamilya upang buuin ang nawasak na bahagi ng kaniyang pagkatao. Then, she met Cade Ruiz in Isla Vierra, ang isang lalaking sakim sa kapangyarihan. Subalit nang makilala niya si Caroline, all he want is to protect her kahit masira pa ang imahe nito sa babae. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, sa kagustuhan ni Cade na buuin ang babaeng mahal, ito naman ang magiging dahilan ng kanilang pagkasira.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status