Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
10136.9K viewsOngoing
Read
Add to library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Play with Me, Mr. Billionaire

Play with Me, Mr. Billionaire

[WARNING: SPG] Gwapo, playboy at malakas ang appeal. Iilan lang iyan sa mga katangian ng bilyonaryong si Kian Fuentavilla kaya napakaraming babaeng nagkakadarapa sa kanya—maliban kay Jhymea Madrigal. Isang dalagang manang kung manamit at madalas pang napagkakamalang lola at mambabarang. Panget si Jhymea, at aminado naman siya roon, pero para sa kanya ay may karapatan pa rin naman siyang mamili kaya inayawan niya si Kian na kahit mala-Adonis na ang datingan ay ubod naman ng yabang. Unang pagkikita pa lang ng dalawa ay nagkairingan na sila. Labis na dinibdib ni Jhymea na tinawag siyang ‘janitress’ at ‘ipis’ ng binata at ganun din si Kian sa kanya nang mapunit ang pwètan ng slacks nito dahil sa dalaga. Halos isumpa nila ang isa't isa hanggang napagdesisyunan ng kapatid ni Kian na si Nexie Fuentavilla na mag one-night stand silang dalawa. Kapalit nun ay ang impormasyong hinihingi ni Kian tungkol sa ex niyang si Tanya, at pera naman para kay Jhymea para mapauwi na niya sa bansa ang ina niyang OFW na kay tagal niyang ‘di nakasama. Dahil sa pagiging maloko ni Kian ay pinalabas niyang nabutas ang còndom na ginamit niya sa pakikipagtalik sa dalaga. Ilang linggo iyong iniyakan ni Jhymea kasi ang buong akala niya ay hindi na siya makaka-graduate, ngunit nahuli niya ang binata nung minsan ay may kausap ito sa telepono at inamin nito ang lahat. Doon ay naisip na gumanti ni Jhymea at pinalabas na totoong nabuntis nga siya ng binata. Nakarating ang tsismis na yun sa ina ni Kian na si Mrs. Anita Fuentavilla. Nagkukumahog na nagpaliwanag ang dalawa na hindi totoo ang lahat pero huli na kasi nagawan na sila ng kontrata ng ginang sa nalalapit nilang kasal. Matakasan kaya nila ang kapalarang nagsimula sa isang laro lamang? O mauuwi na ang lahat sa totoong pag-iibigan?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Mafia Boss Lover

Chasing the Mafia Boss Lover

Thale01
Si Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso. Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang pinapasukang restaurant. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas siya ni Elton. Subalit, pagkatapos niyon, lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo, sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
A man that I loved or A man that he loved me

A man that I loved or A man that he loved me

Emma
Una pa lamang ay magustuhan na ni Helomina Ang binatang si Miguel na Ngayon lang niya nakilala. Ngunit ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na gusto niya Ang binata. Dahil sa takot itong sumubok sa isang relasyon. Natatakot Kasi itong masaktan. Kaya minabuti na lamang niya itong irito sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit nalaman niya na may gusto Rin Pala Ang binata sa dalagang si Helomina. At inamin niya ito na siya Ang gusto niya at Hindi Ang kaibigan. Sa una ay nag-alinlangan Ang dalaga sa pagmamahal Ng binata ngunit hindi naglaun ay inamin din Ng dalaga na gusto niya Ang binata. Nagtagal Ang relasyon nila kahit malayo Ang binata sa dalaga. Pero dahil sa malayo at Hindi palaging nagkikita Ang dalawa ay nag-alinlangan Ang binata sa pagmamahal Ng dalaga. Kahit alam Naman niya Ang tunay na nararamdaman Ng dalaga para sa kanya. Kahit pa malayo sila sa isa't Isa naging tapat Naman Ang dalaga sa pagmamahal niya sa dalaga. Pero Hindi naglaon kahit mahal Ng binata Ang dalaga ay Hindi siya naging tapat dito. Dahil na rin sa hindi ito kapilinging Ang dalaga. Pero patuloy Rin ang pagmamahal Ng dalaga sa binata kahit na Kung minsan ay Hindi na ito nagpaparamdam sa dalaga. Kalaonan ay Ang binata na mismo Ang bumitiw sa relasyon Ng dalawa. Kahit masakit sa dalaga Ang katotohan na iniwan siya Ng kanyang minahal dahil Hindi niya ito kayang panindigan at ipaglaban. Nagdusa Ang dalaga dahil doon. Pero sa Oras na iyon ay may dumating sa kanyang buhay na isang lalaking na handa siya mahalin at ipaglaban. Kaya siyang panindingan at pasayahin sa abot Ng kanyang makakaya. Hindi Naman nabigo ang lalaki. Pero paano Kung may gustong bumalik sa buhay niya nagustong ipaglaban Ang pagmamahal niya pero huli na Ang lahat.
Other
874 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
789101112
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status