Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Three Month Agreement

Three Month Agreement

“Tatlong buwan na kasunduan sa isang Aroganteng Bilyonaryo." Dalawang bagay lang ang mahalaga kay Zehra: ang kapatid niya at pera. Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ngunit isang dagok ang siyang susubok sa kaniyang katatagan—nagkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang minamahal na kapatid. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon; wala siyang malapitan at wala rin siyang ideya kung saan kukuha ng malaking halaga. Sa gitna ng kaniyang pakikipagsapalaran, isang kilalang tao ang lumapit sa kaniya sa pinagtatrabahuhan niyang bar. Ito ay si Thauce Arzen Alessandro Cervelli. Isang bilyonaryong negosyante. In-offer-an siya nito ng limang milyon kapalit ng tatlong buwan. Kailangan niyang kuhanin ang atensyon at mapaibig ang pinsan nito na si Errol sapagkat ito ang napupusuan ng babaeng minamahal ni Thauce. Ngunit sa loob ng tatlong buwan na kasunduan, aayon kaya ang lahat sa plano? Mapapaibig nga kaya ni Zehra si Errol o sisingit ang mapaglarong tadhana at iba ang mahuhulog sa kaniya?
Romance
9.9217.3K viewsCompleted
Show Reviews (56)
Read
Add to library
Nnayram0722
I really love the thrill.. Some may think that it's a typical scenario from telenovela or movies but then again it has a different pang, mind shattering and heart shattering... Our author can make us so inlove with recent updates but then will shatter us into pieces on next... Well done Author
El-c Dok
Sobrang Ganda nitong Story ni Thauce at Zehra' yung kakaiba ang mga Name ng Main Character tas ang Ganda pa ng Kwento, nagscroll lang ako dito sa GN kasi may hinahanap akong Story tas na Caught yung Attention ko ng TITLE binasa ko yung Plot tas ayun nagtuloytuloy na pagread ko., Thank You po Ms. Pen
Read All Reviews
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
1012.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Beast CEO Paradise

The Beast CEO Paradise

THEGUYWITHTHEGLASSES
Sa hirap ng buhay at dahil sa malaking utang dahil sa pagkalulong sa sugal, walang nagawa ang Tiyahin ni Kylie kung hindi ibenta siya sa isang strip club. Doon— makukuha ng dalaga ang interest ng isang halimaw na nagbalat kayo bilang isang guwapong binata. Maangkin siya nito at may mabubuo sa loob niya. Umalis si Kylie sa syudad dahil doon at piniling tumira sa isang probinsya— lumipas ang ilan taon, naging matagumpay ang buhay ni Kylie. Isa na siyang Restaurant owner at Hotelier. Pero sa kasamaang palad, paglalaruin muli siya ng tadhana, dahil mamumukatan niya, ang VVIP guest pa lang hinihintay niya ay ang lalaki pa lang umangkin sa kanya. Sa pagtatagpong muli ng landas nilang dalawa, ano ang gagawin ng dalaga sa pagkikita nilang ulit ng lalaking nagbigay sa kanya ng malaking trauma? Masasabi niya ba sa binata na may nabuo sa sinapupunan niya ng gabing iyon? Pero paano niya magagawa iyon, kung ang binata ay nakatali na sa iba at magpapakasal na? May pag-asa pa bang magka-isa ang dibdib ng dalawang pusong nag-umpisa sa mali? A novel written by: TheGuyWithTheGlasses
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Sinner

Sweet Sinner

WARNING: [R18] STORY WITH EXPLICIT CONTENT Sa pagtakas ni Mia mula sa malungkot na buhay na ibinigay sa kaniya ng demonyo niyang kinakasama na si Bernie, isa lang ang hangarin niya. Ang magbagong buhay. Ang maging lubusang masaya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita ni Erik. Si Erik ang unang lalaking minahal ni Mia. Isang uri ng pagmamahal na siya at ang hangin lamang ang nakakaalam. Dahil hindi niya iyon naipagtapat sa binata noong mga bata pa sila. Hindi nawala sa puso niya ang pagmamahal na iyon. Dahil sa loob ng mahabang panahon, aminado siya na ito lamang ang lalaking minahal niya. At iyon ang dahilan kaya nagagawa niyang ibigay kay Erik ang sarili niya. Nang paulit-ulit, kahit pa wala silang relasyon, kahit wala itong sinasabi. Masaya siya at totoong nakakalimutan niya si Bernie sa mga pagkakataon na kasama niya ang binata. Alam niyang hindi titigil si Bernie makuha lamang siya nito. Pero wala narin namang silbi sa kaniya ang buhay niya dahil para sa kaniya patapon na iyon. Kaya bago pa man madamay si Erik sa problema niya, mas nanaisin niyang mamatay nalang.
Romance
684 viewsOngoing
Read
Add to library
Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Buenaventura Trilogy: One Nicholas Buenaventura is a certified bachelor at halos umikot na ang buhay niya sa dalawang bagay; pera at negosyo. In short, Workaholic. Minsan na siyang nagmahal ngunit dahil sa ginawa sa kaniya ng babaeng minahal niya ay tuluyan nang nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Paano kung dumating ang babaeng isa sa magpapasakit sa ulo niya? Maari kayang maibalik ang dating siya? Ang dating seryoso sa pag-ibig?
Romance
9.923.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Spoiled Wife Of The Billionaire

Spoiled Wife Of The Billionaire

Mary and Maria are sisters. They share a lot of things. Mary is the eldest while Maria was a youngest. Until they grow up into fine ladies. Hindi lubos akalain ni Maria na pati sa isang lalaki parehas sila ng taste. Hanggang sa nagkasakitan na silang dalawang magkapatid. At dahil paboritong anak si Mary mula noon walang nagawa si Maria kundi mag give way sa ate niya lalo na't nabuntis ng kan'yang bf ang ate nito. Labis na dinamdam ni Maria ang lahat. Maging ang pamilya niya ay galit sa kan'ya, dahil napag bintangan siyang nagnakaw ng pera sa kanilang kumpanya. Maria left out on their Mansion and she didn't show up again. After 5 years muli siyang babalik para maghiganti sa mga taong yumurak ng kan'yang pagkatao... May puwang pa ba sa puso niya ang salitang pagpapatawad?
Romance
10100.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Strangers Got Married (Tagalog)

Strangers Got Married (Tagalog)

Malaking gulo ang nagawa ni Liam na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanilang kumpanya at malagay ang kanyang ama sa kapahamakan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat upang mailigtas ito, kahit pa ang magpakasal sa isang taong hindi niya kilala. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagtulak kay Crystal upang makilala ang sikat na tagapagmana na si Liam Spencer. Ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga ng pera. Noong una ay nag-dalawang isip siyang tanggapin ang kanyang alok, ngunit nang marinig ni Crystal kung magkano ang kayang ibayad nito sakanya ay agad rin siyang sumang-ayon, dahil matagal na niyang hangad ang pamumuhay na mas marangya at komportable kumpara sa kasalukuyan niyang kalagayan. Kahit na walang alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, at hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng isang mahalagang desisyon, ang dalawang hindi magka-kilalang tao ay lumagda sa isang kasunduang kasal. Ngayon, kailangan nilang mabuhay bilang mag-asawa upang maiwasan na madungisan ang reputasyon ng Spencers.
Romance
1038.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
546 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting the Billionaire's Twin

Babysitting the Billionaire's Twin

Matatanggap na ni Autumn Saunders ang kanilang kompanya. Subalit nang napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na iarrange-marriage siya ay lumayas siya at iniwan ang obligasyon sa kapatid niya na magpanggap bilang siya sa nakatakda nyang maging asawa. Si Jaxon Parker ay ang batang businessman na may dalawang anak. Siya ang magiging asawa dapat ni Autumn kung hindi lang ito lumayas. Hindi pa sila nagkikita, subalit itinuloy ng magulang ni Autumn ang kasal at nagpanggap ang kapatid nito bilang s'ya. Pero paano kung nawala ni Autumn Saunders ang kanyang memorya at naging caretaker ng kambal na anak ni Jaxon? Mahuhulog ba sila sa isa't isa, o ipagpapatuloy ni Autumn ang pag-alala sa mga nawala niyang memorya?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo... Bunso sa tatlong magkakapatid na Montalvo. He's a typical guy who wanted to be in the world full of ladies. Masaya siya sa buhay na malaya, walang commitment until makilala niya si Cathlyn Agustin. Isa ito sa empleyado ng Montalvo Advertising Agency. Makakaya kayang baguhin ng isang Cathlyn Agustin si Ezekiel Montalvo? At handa kayang maging tagapagligtas ni Cathlyn ang amo nitong si Ezekiel laban sa mga nagtatanka sa buhay nito? Abangan natin ang kuwento ni Ezekiel Montalvo at Cathlyn Agustin hanggang sa mapatunayan nila na ang pag-ibig ay nakatakdang maramdaman ng dalawang taong tinadhana sa isa't isa at inilaan na pagtagpuin ang kanilang mga puso upang sa huli ay makamtam nila ang isang pag-ibig na wakas at totoo.
Romance
105.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status