His Pet Nanny
“Golda, alam mo naman, I can’t dance. Hindi ako sanay sa ganitong sayaw. Ikaw na lang ang sumayaw.”
“Madali lang naman sumayaw. Sabayan mo lang ako. Igalaw mo lang ang mga paa at kamay mo,” bulong niya, na ikinailing ko na naman. “Danreve, hindi ba sabi ko naman sa’yo, I’ll help you na kalimutan ang problema mo—tutulungan kitang maghilom agad ‘to?” Nilipat niya ang palad sa dibdib ko. At kung kanina ay sumimangot siya, ngayon ay seryoso naman akong tinitigan, kasabay no’n ang pagbabago ng music, from upbeat to slow. Nag-dim rin ang paligid na bumabagay sa mabagal na tugtog na naririnig namin ngayon.
Hot Chapters