Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1011.6K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Romance
101.5K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.8K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Revenge of Ellaine

The Revenge of Ellaine

Jenny Agsangre
Ito ang kwento nang isang babaeng puno nang puot at paghihiganti sa kanyang puso nang dahil sa isang karumal dumal na pangyayari sa kanyang buhay Sya si Ellaine Santiago, 25 years old at ulila na rin sa kanyang mga magulang dahil namatay rin ito sa isang aksidente kaya't simula noon ay lumaki na sya at inampon nang kanyang auntie Susan hanggang sa sya ay lumaki at magdalaga kasa kasama nya naman lagi ang anak nitong si Josephine Santiago kasing edad nya rin Lumaki silang masaya at naging matalik na magkaibigan hanggang sa nakilala nya ang lalaking bibihag sa kanyang puso na si Dave De Guzman 26,years old at isang CEO nang isang Company nagkakilala sila dahil sa isang Event at doon nga nagsimula ang kanilang love story at simula nga noon ay lagi na silang nagkikita at nagkakausap kaya naman hindi na rin nga nila napigilan pa ang magplanong magpakasal ngunit gayon na lamang ang kanyang pag aakala dahil sa nalalapit na nilang pagpapakasal ay bigla namang dumating ang kanyang pinsan galing states at nakilala ito nang kanyang soon to be husband At doon na nga nagsimulang magkagulo gulo ang takbo nang kanilang relasyon dahil ilang araw pa lamang matapos ang kanilang kasal ay inaahas na pala ni Josephine ang kanyang asawa hanggang sa plinano nga nitong patayin sya upang agawin si Dave mula sa kanya Kayat pag sapit nang gabing iyon ay kinidnap nila si Ellaine at saka idinala sa may abandunadong gusali hanggang sa nakatakas nga si Ellaine at napadpad sa isang bangin at dooy pinagbabaril sya ni Josephine sa pag aakalang napatay nya na ito Ngunit 5 taon ang makalipas ay bumalik si Ellaine upang paghigantihan si Josephine na kasalukuyan na ring ikakasal kay Dave na dati nyang asawa at kagaya nga nang ginawa nito ay naghiganti rin sya
Romance
2.5K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.9K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1
...
252627282930
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status