Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Anim na taon ang nakalipas nang walang-awang hiniwalayan ng mayamang si Celine Villareal ang scholar na si Jaxson De Silva. Ngayon, nagkabaliktad na ang ikot ng mundo. Si Celine ay naghihirap at baon sa utang mula sa isang mapang-abusong pagsasama, habang si Jax ay isa nang tanyag at makapangyarihang abogado. Muli silang pinagtagpo ng tadhana nang si Jax ang naging tanging pag-asa ni Celine upang makalaya. Malamig ang trato ng abogado at puno ng sumbat ang bawat salita, tila ipinamumukha na ang pagdurusa ng babae ay kabayaran sa nakaraan. Ngunit sa likod ng maskara ng poot, nagliliyab pa rin ang dating damdamin. Nang tangkain ni Celine na lumayo, gumuho ang pagpipigil ni Jax. Hindi siya nagbalik para manisi, kundi upang siguraduhing hindi na ito muling mawawala. Ang poot ay isa lamang mapanganib na anyo ng pagnanasa.
379 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
SANDALING KAPILING KA

SANDALING KAPILING KA

Bata pa lang ay naranasan na ni Yohann ang hirap ng buhay. Habang nasa kalye ay nakilala nito ang ama ni Martina na si Mang Antonio na tumulong kay Yohann na makakain. Hindi makakalimutan ni Yohann ang mag-ama at ang kabutihan ng mga ito hanggang sa naging isa na siyang matagumpay na doctor. Aksidenteng nagtagpo muli ang landas ni Yohann at Martina ng isugod sa hospital ang Tatay nitong si Mang Antonio. At sa mismong hospital na pagmamay-ari ni Yohann nadala ni Martina si Mang Antonio. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Yohann ang presensiya ni Martina ngunit hindi ito nagtagal dahil sa kasama nitong binata. Sa pagtatagpo kaya ng landas ng dalawa ay magagamot kaya ang ilang taong lumipas na hindi nawala sa isipan ni Yohann si Martina? Oh ito ang magiging daan para mabuo ang isang pagmamahalan na tinadhanang maramdaman nila sa isa't isa?
159 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
MY EX-UNCLE OWN ME

MY EX-UNCLE OWN ME

"From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Zamara Lopez ang mga salitang ito, mula pagkabata hanggang sa siya ay maging ganap na dalaga. Anak siya ng isang simpleng magsasaka, namuhay nang payak, ngunit isang lalaki ang nagpabago sa takbo ng kanyang kapalaran—si Davis Santillian. Dating itinuring niyang tiyuhin, ngayon ay tinatawag niyang "ex-uncle." Ngunit bakit? Ano ang nangyari sa pagitan nila na nagpabago sa kanilang relasyon? Sa edad na 30, si Davis ay isang makapangyarihang negosyante na may madilim na nakaraan, at si Zamara, na ngayo’y 22, ay isang babaeng pilit iniiwasan ang anino ng kanyang nakaraan. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, hindi na siya bibitawan ni Davis. Isang kwento ng pag-ibig, pag-aari, at mga lihim na pilit itinatago ng nakaraan. Totoo bang may kalayaan si Zamara, o sadyang hindi niya matatakasan ang lalaking minsan niyang itinuring na pamilya?
104.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 147 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
ISANG GABI SA PILING MO

ISANG GABI SA PILING MO

WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
1048.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.0K Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
Carrying my Brother-In-Law's Child (SPG)

Carrying my Brother-In-Law's Child (SPG)

𝐁𝐨𝐨𝐤 1 : 𝐂𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐲 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫-𝐈𝐧-𝐋𝐚𝐰'𝐬 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 !! 1-103 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐬) “Mahal pa rin kita, Ara. Kahit pa pareho na tayong kasal sa iba.” Limang taon ang lumipas matapos iwan ng walang paliwanag ni Arabelle ang kan’yang ex-boyfriend na si Logan Castillano, at di inaasahang muli niya itong makikita sa kasal ng kan’yang sister-in-law bilang groom. Ngayon, pareho nang nakatali ang dalawa sa iba. Ngunit paano kung ang affection nila sa isa’t-isa ay hindi nawala at mas lalong sumihidhi bilang forbidden love. Makakaya kaya nilang suwayin ang tawag ng kanilang mga damdamin? At paano nila matatakasan ang galit ng kani-kanilang kabiyak, if Arabelle is — Carrying her brother-in-law’s Child? 𝐁𝐨𝐨𝐤 2: 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐦𝐲 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐨𝐧𝐚𝐢𝐫𝐞 𝐔𝐧𝐜𝐥𝐞 (𝐎𝐍-𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆!! 𝐏𝐚𝐫𝐭 104 and so on...!!) “Contracted to be a bedwarmer of a billionaire I’ve never thought to be my unknown uncle,” Micaiah Vergara was raised on her father’s bitter stories of betrayal. Michael Vergara died with one final command: Never bow down to the Castillanos, especially to the "golden son," Gabriel. But when Micaiah is betrayed by her fiancé, Arkin, on their wedding day, and her father’s company faces total collapse, she is forced to make a deal with the devil. Craige, isang 38-anyos na bilyonaryong may malamig at mapang-utos na awtoridad. One billion pesos to save her legacy, in exchange for a year of "Contracted Pleasure." Micaiah becomes his property, a "bedwarmer", bound by a contract she cannot escape. Makakaya kaya nila ang rebelasyon at katotohanan lalo na kung unti-unti nang nabubuo ang isang pagtitinginan?
926.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 901 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
I Heart You Mr. C.E.O

I Heart You Mr. C.E.O

Hindi mo iisipin na ang taong minsan mo lang nakita ay ang taong nakakuha ng atensyon at nararamdaman mo.  Tanya Isadora Monteverde ay isang hacienderang dalaga na tumakas sa Mansyon at mas gustong manirahan mag-isa sa Maynila para mamuhay ng malayo sa diktador na kanyang mga magulang. Pagpasok niya sa Kolehiyo, kung saan makikilala niya si Andrea na magiging matalik niyang kaibigan at titira sa sila sa isang apartment.  Isang babae na laging malas pagdating sa pag-ibig. Paano kung isang araw ay aksidenteng matagpuan mo ang iyong prince charming. Ano ang gagawin mo para lang makuha ang atensyon niya? Lalo na maypaka babaero at pusong bato ang binata at ano ang gagawin mo lalo na ang amo ay may ugali na parang tigre na parang galit lagi sa mundo?  Sa paglipas nang panahon paano kung masusumpungan mo na lang ang iyong sarili na pagod na,  kaya mo pa bang sumugal muli sa ngalan ng wagas na pag-ibig?
109.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 223 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
Love Magnet

Love Magnet

[COMPLETE] Ang makahanap ng marangal na trabaho ang naisip na paraan ng lesbianang si Maria Sienna De Dios upang makawala sa poder ng kaniyang ama na paulit-ulit siyang dinidiktahan na magpakasal sa kaniyang long-lost childhood friend. Kaya noong may inirekomendang trabaho ang kaniyang kaibigan ay pinatos niya na iyon nang walang pag-aalinlangan. Ang hindi niya lamang inaasahan ay muli niyang makakaharap ang lalaking nasapak niya noon na si Yevhen Thyne Villamayor, sa araw ng kaniyang interview. Nang makilala siya ng binata ay on the spot siyang ni-reject nito kahit na nakiusap pa siya. Mabuti na lang ay may dumating na isang mabait na ginang at kinuha siya bilang secretary ng CEO ng MARIA Corporation. Ngunit kakayanin niya kaya ang trabaho gayong si Yevhen pala ang kaniyang magiging boss? At paano kung ang tsismosang tulad niya ay may malaman sa nakatagong katauhan ng binata? Love Series 3 Yevhen Thyne Villamayor xMaligaya©October2023
1014.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 492 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
101.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 49 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
1012.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 443 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
The Billionare Behind Her Forgotten Life

The Billionare Behind Her Forgotten Life

Nagising si Maxine sa ospital sa Maynila na walang matandaan, hindi maalala ang sarili niyang pangalan o ang nangyari bago siya na-ospital. Hinarap niya ang mundong hindi niya kilala, kasama si Anthony, isang lalaking mayabang na tila may alam sa kanyang nakaraan, at si Amanda, isang mahinahong babae na may lihim na intensyon at protektado ni Anthony. Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban para maibalik ang alaala, natutuklasan ni Maxine ang mga piraso ng relasyon niya, lalo na kay Mikael, isang misteryosong lalaki na posibleng kasintahan niya.. Habang hinaharap ang galit at pagkukulang ng pamilya, at mga suliraning pinansyal, nakita siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Claudine at iwinaksi ang kanyang nakaraan. Sa gitna ng nakalimutang nakaraan, komplikadong pamilya, pagmamahal at pagtataksil, kailangang piliin ni Maxine kung haharapin ba niya ang nakalimutang buhay o sisimulang muli ang bagong yugto ng kanyang buhay.
398 viewsOngoingIdinagdag sa Library 15 Beses bilang di na muli meaning
Read
+Library
PREV
1
...
2728293031
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status