Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
422 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

Si Raheel Del Fuego, ang tagapagmana ng Del Fuego Industries, ay handang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang bride—ngunit biglang nawala ito. Habang abala sa paghahanap, isang babaeng hindi inaasahan ang magpapabago sa kaniyang kapalaran. Si Anabelle Enriquez, isang simpleng cashier, ay nagsusumikap para sa buhay ng kaniyang may sakit na ina. Nang iligtas niya ang Lolo ni Raheel mula sa mga armadong kalaban, hindi niya alam na ang kaniyang kabutihan ay magbubukas ng pintuan sa isang kasunduan na magbabago ng lahat. Upang makapagbayad ng utang-loob, inalok siya ng matanda ng kasal kay Raheel, isang hakbang na makaliligtas sa buhay ng kaniyang ina. Pumayag si Anabelle, ngunit hindi niya inaasahan ang bagong mundong puno ng yaman, lihim, at mga pagsubok. At nang magbalik ang dating fiancé ng kaniyang asawa, muling magbabalik ang mga sugat ng nakaraan. Pagtitiwalaan ba ni Anabelle ang kasal na puno ng sakripisyo, o maghahanap siya ng kaligayahan sa labas ng kasunduan? Book 1: Completed Book 2: Completed Book 3: Completed
Romance
1073.6K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Deigratiamimi
Hi po. If you are wondering kung bakit ang haba ng chapters, starting from chapter 138 ay book 2 na po. Story sa eldest child nina Anabelle at Raheel na si TJ. Book 1: Anabelle and Raheel (Chapter 1-137) Book 2: Kaisha and TJ (Starting from Chapter 138) Maraming salamat at happy 41kviews! 🩷
Papamooooo
May nakita akong nagagalit sa comment HAHAHAHAHA nakikita ko ang sarili ko sa kanila, pero nang ipinagpatuloy ako sa pagbabasa, sheeeett para akong naiihi sa kilig ng lovestory ni Tj at Kaisha. Author ang ganda ng story nila. Bawing-bawi ang inis ko sa kwento ng mga magulang ni TJ.
Read All Reviews
My Possessive Billionaire Husband

My Possessive Billionaire Husband

Si Ashley delos Santos, lumaki sa kahirapan ng buhay at nagpasyang lumuwas ng Maynila para maghanap ng pansamantalang trabaho pagkatapos makagraduate ng High School sa edad na daisy-otso. Gusto niyang makaipon ng pera para muling ituloy ang pag-aaral ng college kaya nagpasya siyang sumama sa kanilang kapitbahay para maghanap ng trabaho sa Maynila.Hindi niya akalain na ibang klaseng offer ang kanyang matatanggap mula sa isang mayamang abwela ng isang Bilyonaryong tinakasan ng kanyang bride at sumama sa kanyang Bestfriend sa araw mismo ng kanilang kasal. Tatanggpin kaya ni Ashley ang offer sa kanya ni Donya Agatha na ten Million pesos kapalit ng pagiging substitute bride ng mismong araw na iyun? O papakawalan niya ang isang malaking oportunidad para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya na naghihintay sa kanyang muling pagbabalik ng probensiya?
Romance
9.88.0M viewsOngoing
Show Reviews (667)
Read
Add to library
Rosatis Navarro Mucha
sa story nko no dj mganda din story ni dj Kaya lng Hindi ko Alam but Ganon Wala ng episode na lumalabas blanko nlng sya kakastart ko plng Taz blanko na sya dko na mabasa....katulad din ng sa billionaire true love Yong Kay Elias malapit nko matapos tas pagbinuksan ko book nya blanko nlang Yong episod
Luna Devilles Charmain
akala ko hndi na mtatapos ang kabanata ng my possessive billionaire husband. at ngaun ntapos ko na ang pagbabasa. slmat author s magandang kwento. naiimagine ko tuloy lhat ang mga pangyayari doon s mga malulungkot na pngya2ri ay tlgang ginawa din akong malungkot at hndi p yn umiyak rn s crying scene
Read All Reviews
Wild Night With My Ex's Uncle

Wild Night With My Ex's Uncle

“Pakasalan mo ako at ako ng bahala sa mga utang ng pamilya mo. Kapalit nun ay ang pagdadala mo ng anak ko para sa mamanahin ko.” ------ Isang gabing pagkakamali na naging dahilan para mabago ang takbo ng buhay ni Athy. Matagal na pala siyang pinaglalaruan ng boyfriend at pinsan niya. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya at naibigay ang sarili sa Tito ni Matt mismo! Puno ng pagsisisi ay kaagad siyang umalis ngunit sinong mag-aakala na ang isang gabing iyon ay mabubuntis pala siya. Inalok siya nito ng isang kasal na may kasunduan, kapalit ng pagdadala niya ng magiging tagapagmana nito ay babayaran nito ang utang ng mga magulang niya at bukod pa doon ay nangako ito na tutulungan siyang makapaghiganti sa kanyang ex-boyfriend at pinsan. Ngunit saan kaya sila dadalhin ng kanilang kasunduan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
AGATHA "The Dangerous Slave"

AGATHA "The Dangerous Slave"

Walker, G.R.O, Prostitute. Iilan lang na tawag sa uri ng trabaho ni Agatha. Ganda ng mukha at katawan ang tanging puhunan ng isang kwela at pilyang dalaga na mula nang magkaisip ay nasa mundo na ng bahay-aliwan ng mga lalakeng sabik sa tawag ng laman at handang magbayad para sa panandaliang-aliw. Maaari kayang baguhin ng tadhana ang maruming kapalaran niya kapag nakilala niya ang gwapong CEO na si Mr. Khevin Tolentino? Isang istriktong Boss na umpisa pa lang ay nandidiri na sa pagkatao niya? Paano mabubuo ang pagmamahalan ng dalawang nasa magkabilang uri ng mundo? May pag-asa ba ang gaya ni Agatha na makapasok sa mundo ni Khevin? Kung sa simula pa lang ay ayaw na siya nito bigyan ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng gwapong CEO?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night With Stevenson

A Night With Stevenson

Andrea VillaRuiz, isang hotel manager na nasangkot sa isang alegasyon na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang trabaho at dahil sa sama ng loob, nag punta siya ng bar para maglasing at makalimot, ngunit ang problemang dapat niyang malimutan ay nadagdagan pa ng isang problema na nag dulot ng isang gabing pakikiniig sa isang estranghero. Paano kong magising ka na lang isang araw sa hindi pamilyar na lugar at malaman mo na ang matagal mo ng pinagkakaingatan ay mawala ng isang iglap lamang. At ang isang gabing pagkakamali ay nag bunga. 5 years later, nag trabaho siya bilang isang manager ng hotel. Nagulat siya ng malaman na ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya ay ang lalaking tinakasan niya- her one night stand with Stevenson..
Romance
1046.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

Amber_cloud00
Arabella Russo, isang simpleng babaeng lumaki sa payak na pamumuhay ang papasukin ang lahat ng marangal na trabaho para lang sa amang nakaratay sa ospital. Ngunit sa haba ng araw ng pananatili ng ama rito, napagtanto niyang kailangan niya nang kumapit sa patalim. Pikit-mata niyang tinanggap ang alok na malaking halaga ng pera kapalit ng one-night-stand kasama ang isang misteryosong lalaki. Matapos nito ay makakatanggap muli siya ng alok na maging personal maid. Lingid sa kanyang kaalaman, isa palang Mafia King na nagngangalang Alessio Conti ang kanyang pagsisilbihan. Makilala kaya nila ang bawat isa? At magawa naman kaya siyang mahalin ng binata na kilala bilang isang matapang, makisig at walang kinatatakutang leader ng malaking grupo ng sindikato? Anu-ano ang mga madidiskubre nila sa bawat isa na siyang gugulantang sa kanilang mga buhay? Magagawa bang mabago ng pag-ibig ang taong lumaki sa mundo ng karahasan?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex-Fiance

My Billionaire Ex-Fiance

Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
Romance
9.247.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Si Anton Almonte ay isang tagapagmana na rebelde, saksakan ng yabang, at masungit. Ang tingin niya sa lahat ng bagay, maging sa tao ay bayarang pwedeng pwede niyang presyuhan. Pero isang aksidente ang magtatakda ng hangganan ng kanyang kayabangan at magpapaikot ng kanyang mundo lalo na at makikilala niya si Amara Samarin,isang ordinaryong dalaga na mamamasukan bilang kanyang personal maid.Ngunit hindi niya alam na konontrta ala ng kayang lola. Ang kanilang pagtatagpo ay magdudukot ng anghang at tamis sa mansion ng mga Almonte.
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status